Chapter 3

1136 Words
NANG marating ni Jax ang kanyang penthouse, mabilis niyang hinubad ang suot na jacket at pabalang na hinagis iyon sa sofa. Saka niya tinungo ang mini bar at kumuha ng isang bote ng whiskey at baso. Hindi na siya nag-abala pang buksan ang ilaw. Mas gusto niya ito. Mas sanay siya dilim. Ang tanging nagbibigay liwanag lamang sa paligid ay ang malaking buwan sa kalangitan. Pasalampak siyang umupo sa leather accent chair at tumingin sa labas ng glass wall habang iniinom ang alak. Kitang-kita niya mula rito ang city lights. Tila mga langgam ang mga sasakyan sa malayo na ngayon ay halos hindi umuusad dahil sa rush hour. Good thing hindi siya mahilig sa kotse. Mas komportable siya sa kanyang motorbike dahil puwede siyang sumuot kahit saan kung kinakailangan. Humugot si Jax ng malalim na hininga habang inaalala ang pagtatagpo nila kanina ni Shielo Alcasid. D*mn. Ganoon na ba talaga ako katanda? Parang kailan lang ay napakaliit pa ni Shielo nang huli niya itong makita. Ngayon ay hindi na niya halos makilala. Dalagang-dalaga na ito. At hindi maikakailang napakaganda nitong dalaga. Parang si Julia Barretto ang katawan nito. Hindi ito masyadong pinagpala sa harap ngunit napakaganda ng kurba ng mga balakang at puwet. F*ck. Naalala na naman niya tuloy ang pagkiskis ng dibdib ni Shielo kanina sa kanyang braso. At maging iyong pagyakap nito sa kanya nang mahigpit habang nakaangkas sa motor. Ramdam niya ang init ng katawan nito at ang dalawang umbok sa harap. Ano bang problema ng batang ‘yon? Parang koala bear kung makakapit. Hindi man lang nahiya. Nakalimutan yata nitong babae ito at lalaki siya. Sanay si Jax sa mga babaeng estudyante sa school na palaging nagpapapansin sa kanya at sunod nang sunod. Maging ang ibang mga professor na babae ay halatang dikit nang dikit. But d*mn, inaanak niya si Shielo! Nakita na niya ito noong sanggol pa lamang hanggang sa noong bago ito pumunta ng America when she was four years old. O siguro ganoon lang talaga si Shielo dahil lumaki ito sa America. Siguro walang ibang kahulugan ang mga ginawa nito kanina. Natuwa lang talaga siguro nang makita ang kanyang ninong. Pero bakit ba ito naririto sa Pilipinas? Ang sabi nito ay lumayas daw ito. Jax smirked. Mga kabataan talaga ngayon. Napaka-rebelde. Kunsabagay, kung si Dexter man lang ang naging ama nito, hindi kataka-takang gugustuhin talaga nitong lumayas at makalayo. Biglang dumilim ang mukha ni Jaxon nang maalala ang daddy ni Shielo. That son of a b*tch! Humigpit ang pagkakahawak niya sa baso na may laman na whiskey. Halos mabasag na iyon sa higpit ng paghawak niya. Hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin ang pagkasuklam sa kanyang dugo tuwing naaalala ang taong iyon. Dexter betrayed him when he trusted him the most. Tinuring niya itong parang nakakatandang kapatid pero sa huli, nilaglag siya nito. Muli siyang nagsalin ng alak sa baso at tinungga iyon. He took a deep breath. Hindi niya mapigilang maalala ang lahat ng mga nangyari ilang taon na ang nakalipas. ………… EVERYONE said Jaxon Figuerro was a gifted child. Isang taong gulang pa lamang siya ay kaya na niyang magbilang hanggang isang daan. May iilang three-letter words na rin siyang kayang basahin. Madali niyang maintindihan ang mga bagay-bagay at nang mag-elementarya ay mahilig siyang magbasa ng mga libro tungkol sa computer programming and coding. Good thing na anak siya ng isang mayamang pamilya kaya naman naibibigay ang mga kailangan niya sa pag-aaral. Ilang beses siyang na-accelerate sa school. Fourteen years old pa lamang ay nasa kolehiyo na siya. Minsan ay may mga panghihinayang din siya dahil gusto niya ring maranasan ang maging isang normal na estudyante. Gusto niyang maging varsity sa basketball team dahil alam niyang magaling din naman siya roon. Gusto niyang ang makasama niya ay hindi mas matatanda sa kanya, kundi mga kasing-edad niya. Nang magkolehiyo siya, doon niya nakilala si Dexter Alcasid. Naging kaklase niya ito simula first year college. Fourteen siya, at eighteen naman ito. He felt comfortable with him dahil hindi siya nito tinatrato bilang isang bata kundi para na ring kaedaran nito. Naging malapit sila sa isa’t isa. Nasa ikalawang taon sila noon sa kolehiyo nang mabuntis ni Dexter ang girlfriend nitong si Lindy. Kaya sa murang edad rin na labing anim na taon, naging ninong si Jax. At iyon na nga si Shielo. Mataas ang pangarap ni Dexter. Palagi nitong sinasabi na gusto nitong yumaman at magkaroon ng maraming pera alang-alang sa pamilya nito. So Jax helped him. He was a tech genius, after all. May nagawa siyang mga computer program na alam nilang dalawa na may potential na kumita nang malaki. Si Jax ang bahala sa programs, at si Dexter naman ang bahala sa operations at paghahanap ng investors. Everything was going smoothly. Hanggang sa nakapag-tapos silang dalawa sa kolehiyo ay nagpatuloy ang kanilang business partnership. Ngunit pagkalipas ng dalawang taon, sunod-sunod ang naging dagok sa buhay ni Jaxon. Sabay na nawala ang kanyang mga magulang dahil sa isang car accident. Sa kanya naiwan ang lahat ng kayamanan maging ang negosyo ng mga ito. Ngunit aanhin niya ang yaman at salapi kung hindi na niya kasama ang mga mahal niya sa buhay? He went into depression. At dahil doon, hindi niya namalayan na unti-unti na pala siyang tinraydor ni Dexter. Na-lock out siya nito sa iilang cyber-security softwares na ginawa niya, at pumunta ito ng America. Next thing he knew, naibenta na ni Dexter sa US Governement ang software na iyon. Wala siyang pakialam sa halaga kung magkano iyong naibenta ng dati niyang kaibigan. After all, he was already a multi-millionaire dahil sa negosyong naiwan sa kanya ng kanyang mga magulang. Ang sa kanya lang, napakasakit at napakatindi ng betrayal na ginawa nito. He was already down when he lost his parents. Pero para pa siyang nitong sinipa at inapak-apakan kahit nakalugmok na siya sa lupa. Binenta niya ang lahat ng mga naiwan niyang software kaya ngayon ay nasa bilyon na ang kanyang net worth. Tinanggihan niya rin ang pag-manage sa naiwang negosyo ng kanyang mga magulang, bagama’t malaki pa rin ang natatanggap niyang share every quarter galing doon. Mas pinili niyang mamuhay nang tahimik at simple. Hindi na rin siya gumagawa ng kahit na anong software. Para na siyang nagka-trauma sa bagay na iyon. Sa ngayon ay isa siyang basketball coach. Doon siya masaya. Doon siya komportable. Until now, hindi siya nakikipag-relasyon. When he lost all his loved ones years ago because of death and betrayal, ayaw na niyang muling makipagmalapit sa kahit na sinong tao bagama't paminsan-minsan ay lumalabas pa rin naman siya kapag niyayaya. Kontento na siya sa kanyang buhay sa ngayon. Muli niyang naisip si Shielo at ang maganda nitong mukha. Gusto raw nitong makipag-close sa kanya at sinisingil siya sa responsibilidad niya bilang ninong nito. No. No way. Imposibleng mangyari ang bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD