SHIELO ALCASID was born in the Philippines but grew up in the US. May business ang ama niya roon na noong una ay maganda at takbo ngunit kalaunan ay nagkaroon din ng mga problema.
Iniisip ng mga taong nakapaligid sa kanya na isa siyang spoiled brat at perpekto ang kanyang buhay. Ngunit sa likod niyon ay may itinatago siyang madilim na karanasan.
Oo, nakukuha niya ang lahat ng materyal na bagay nagugustuhin niya. Lumaki siyang sunod sa layaw. Kompleto ang pamilya niya hindi katulad sa karamihan sa mga kaklase niya na mayroong broken family.
Ngunit minsan ay hinihiling niya na sana ay naging broken family na lamang sila. Hinihintay niya kung kailan hihiwalayan ng mommy niya ang kanyang daddy ngunit hindi iyon nangyari. In fact, palagi nitong pinagtatakpan ang asawa.
Mabait at magiliw si Dexter Alcasid sa mga tao at maging sa pamilya niya tuwing masaya ito at walang problema. Ngunit tuwing nai-stress ito sa negosyo, ang anak nitong si Shielo ang napapagbuntunan.
Mayroon itong isang latigo na gawa sa makapal na balat ng baka. Iyon ang ginagamit nito sa kanya upang mailabas ang lahat ng galit kahit madalas ay wala naman siyang ginagawang masama.
Noong bata pa siya ay naiisipan niya minsan na tumawag ng 911 at isumbong ito sa mga pulis. Ngunit palagi itong humihingi ng tawag kapag nahihimasmasan. Kinakausap rin siya ng mommy niya na patawarin na lamang ang daddy dahil stressed lamang ito sa paghahanap ng pera para may maipangtustos sa kanila.
She was brainwashed and trained to accept it as part of her life.
But as a result, nagkaroon siya ng rebellious tendencies. Palaging napapatawag sa school ang mommy niya. Thirteen years old pa lamang siya ay nasubukan na niyang manigarilyo at uminom ngunit iniwan niya rin iyon dahil nababahuan siya.
Nasubukan na rin niya ang ipinagbabawal na gamot ngunit hindi naman siya naging adik. Minsan lamang ay naiimpluwensyahan siya ng mga barkada sa school.
Ang hindi pa lamang niya nasusubukan ay ang s*x. Hindi niya alam pero bakit parang ayaw niyang hinahawakan ang katawan niya ang mga lalaki. Umiinit ang ulo niya.
Hindi rin siya nagkakaroon ng crush lalo na sa mga kaedad niya. Minsan ay may naging crush siya na school bus driver ngunit hindi naman din nagtagal iyon. Nawala rin kaagad.
Nagsimula ang obsession niya kay Ninong Jax noong sixteen years old pa lamang siya.
Nag-general cleaning ang kanyang Ate Perla ng mga gamit nito sa kuwarto at naisipan ni Shielo makigulo roon. Si Ate Perla ang yaya niya simula pa noong ipinanganak siya sa Pilipinas. Nang lumipat sila sa Estados Unidos noong apat na taong gulang siya, isinama ito ng parents ni Shielo roon.
Maraming mga gamit si Ate Perla. Ang daming mga kahon ng mga kung anu-anong memorabilia and souvenirs.
May nabuksan si Shielo na box na naglalaman ng pictures. Ngunit ang lahat ng iyon ay pawang mukha ng isang lalaking napaka-gwapo na mukang kasing-edad lamang lamang ni Shielo. Ngunit alam niyang may kalumaan na ang mga larawan na iyon kaya sigurado siyang tumanda na rin ang lalaking nasa larawan.
Ngunit nakuha talaga nito ang interes ng dalaga. Hindi niya mabitiw-bitiwan ang mga iyon. Sigurado siyang kung kaharap lamang niya nang mga sandaling iyon ang lalaki ay tumulo na ang laway niya.
“Sino po ito, Ate?” tanong niya. Sa wikang Tagalog pa rin sila nag-uusap kapag sila-sila lang kaya naman fluent pa rin si Shielo sa salitang ito kahit papaano.
“Hoy, juskong bata ka! Bakit mo naman pinakialaman ‘yan?!” Nagmamadali itong lumapit sa kanya pero tumatawang inilayo niya rito ang hawak na mga litrato.
“Sino nga po ito?” pangungulit pa niya.
“Wala. Crush ko dati,” anito na namumula ang mukha. May boyfriend na ito ngayon sa Amerika kaya marahil nahiya ito sa nadiskubre ni Shielo na pinakatago-tago nitong larawan ng pinaka-una nitong naging crush.
“Talaga po? Ang guwapo naman nito, Ate. Saan na siya ngayon?”
“Ay, oo! Grabe talaga sa guwapo iyan. Halos malaglag panty ko tuwing nakikita 'yan noon," kinikilig nitong kuwento. "Kaya nga tinabi ko talaga iyang mga picture niya. At least man lang may remembrance ako."
"Ano'ng pangalan niya?" Mas lalong napukaw ang kanyang interes.
"Iyan ang Ninong Jax mo. Hindi mo na ba naaalala? Sabagay, sobrang bata mo pa noong umalis tayo ng Pilipinas.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Shielo. “May ninong ako?”
“Aba, siyempre naman! Paano ka mabibinyagan kung wala kang ninong at ninang?”
Alam niyang may ninang siya dahil minsan ay binabanggit pa rin iyon sa kanya ng kanyang mommy. Pero hindi niya alam na may ninong din pala siya.
Tiningnan niya ulit ang larawan. Shucks! Bakit ganito ka-gwapo ang ninong ko? Parang hindi siya makahinga dahil bumibilis ang tib*k ng puso niya.
Hinintay niya lang na tumalikod si Ate Perla at pasimpleng ninakaw niya ang isang picture ni Ninong.
Simula noon, ito na ang palagi niyang kinakausap pagkagising niya pa lang sa umaga at bago matulog.
Oo. She's obsessed with her Ninong Jax. Inaamin naman niya iyon.
Dahil nga rin dito kaya natuto siyang magpaligaya ng sariling katawan. Tila napukaw ang interes niya sa bagay na iyon. Pero ayaw niya pa ring gawin sa kanya ng mga kakilala niyang lalaking nanliligaw sa kanya.
Hindi niya alam kung anong mayroon kay Ninong Jax dahil hindi talaga siya matahimik. Alam niyang mali. Pero hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Minsan pa nga ay sobrang nanghihinayang siya kung bakit late na siyang pinanganak. Bakit hindi na lang sila naging mag kasing-edad?
Hanggang sa sinubukan niya itong i-stalk sa social media dahil nakuha niya ang buo nitong pangalan kay Ate Perla.
Jaxon Figuerro.
Iyon daw ang pangalan ni Ninong. Parang musika sa kanyang pandinig.
Wala itong accounts sa kahit na anong social media platform, ngunit may nakita si Shielo na posts na na-mention ang pangalan ni Ninong Jax dahil isa pala itong basketball coach sa isang kilalang unibersidad sa Metro Manila.
Marami na itong naipanalong laro kaya naman minsan ay naibabalita ang pangalan nito kasama ang buong team na hina-handle nito sa ngayon.
Agad na nakapag-desisyon si Shielo na dito sa Pilipinas mag-aral ng kolehiyo dahil matagal na rin naman talaga niyang gustong makalayo sa sarili niyang mga magulang.
Hinanap niya si Ninong Jax at ito na nga ang pinakahihintay niyang pagkakataon.
……
YUMAKAP si Shielo nang mahigpit kay Ninong Jax dahil first time niya itong makasakay ng motor. Ang bilis nitong magpatakbo! Akala mo ay may hinahabol na tren.
Kunsabay, sa mukha pa lang ni Ninong Jax ay mababasa mo na agad rito na isa ito sa mga klase ng tao na risk-taker. Iyong mahilig sa mga adventure at kung anu-anong death-defying exhibitions.
Heto nga’t imbes na kotse ay big bike ang dala nito.
Ngunit nakadagdag lamang iyon sa appeal ng binata. Ang sexy at ang hot nitong tingnan sa leather jacket na suot nito habang nakasakay sa mamahaling motor.
Hindi makapaniwala si Shielo na yakap-yakap na niya ito ngayon at naaamoy pa. For two years, ito ang palaging laman ng mga pantasya ng dalaga kaya gusto niyang namnamin ang sarap ng init ng katawan nito habang yakap-yakap niya ito ngayon.
Biglang tumigil ang motor sa labas ng isang park kung saan maraming mga nakaabang na taxi.
“Baba,” utos ni Ninong.
“Ha? Hindi mo ba ako puwedeng ihatid na lang sa condo ko, Ninong? O hindi kaya kumain muna tayo sa restaurant. Ang tagal na nating hindi nagkita.”
Naramdaman niya ang pagbuntong-hininga nito bago ito bumaba at itinukod ang side stand. Napakalakas ni Ninong dahil binuhat niya ang dalaga pababa ng motor ngunit kung malakas ito ay mabilis naman si Shielo! Dahil imbes na iapak niya ang mga paa sa semento, dali-dali niya iyong ipinulupot sa katawan ng binata.
“What the hell!” gulat nitong wika. Ngunit kahit anong gawin ng lalaki, hindi nito mailayo si Shielo dahil naka-kapit-tuko na ito ngayon.
“Shielo, bumaba ka!” May pagbabanta sa boses ni Ninong Jax.
“See? Kilala mo talaga ako, Ninong! Hindi mo pa rin ako nakakalimutan.”
“You already told me your name kanina. So of course kilala na kita!”
“Kahit na po. Natatandaan mo talaga ako, hindi ba?” paglalambing ko niya rito habang yakap niya sa batok. Nagbubungguan na ang mga helmet nila pero wala siyang pakialam.
“What do you want, Shielo?” Malamig nitong tanong.
“You.”
Natigilan ito at pagkatapos ay muling sinubukang ilayo ang dalaga sa kanya. This time ay nagtagumpay ito.
Hinubad ni Shielo ang suot niyang helmet at sinalubong ang tingin ni Ninong Jax mula sa nakabukas nitong helmet.
“Lumayas ako sa amin, Ninong. That’s why hinanap kita. Wala akong kilala rito sa Pilipinas at bilang ninong ko, hindi ba dapat ikaw ang mag guide sa akin?”
Parang tumatagos sa kaluluwa niya ang mga mata ni Ninong. Sobrang intense nitong tumingin!
“Hindi kita responsibilidad,” anito mayamaya. “At wala akong balak na magkaroon ng responsibilidad.”
Lumabi ang dalaga at nagpaawa. “Pero wala akong ibang malapitan dito kapag kailangan ko ng tulong.”
“Problema n’yo na ‘yan ng mga magulang mo. Call them. Sila ang dapat mong hingan ng tulong.”
Aangkas na ulit sana ito sa motor ngunit niyakap niya ang braso nito at hindi sinasadyang dumikit ang d*bdib niya roon.
Natigilan si Ninong Jax at napatingin sa braso nito at sa d*bdib ng dalaga.
“Hindi ka dapat dumidikit sa mga lalaki lalo na kung hindi mo pa lubusang kilala. At nasa Pilipinas tayo, Shielo. Hindi magandang tingnan na ganyan ka ka-clingy sa mga lalaki lalo na kung nasa pampublikong lugar.”
“Ganoon po ba, Ninong?” painosente niyang tanong habang mas lalong ikiniskis ang s*so ko sa braso nito. “Sorry, hindi ko alam ‘yan dahil wala namang nagga-guide sa akin kung ano ang mga dapat kong gawin dito sa Pilipinas.”
Bigla nitong hinablot ang braso at mabilis na umangkas sa motor.
“Umuwi ka na, Shielo.” Halata sa boses nito ang inis.
Hindi na niya pinigilan ang kanyang ninong nang paandarin nito ang motor at umalis. Napangiti na lamang siya.
After all, first day pa lang naman ng muli nilang pagkikita.
I still have a lot of time and chances.