"Ohh may problema ba?" tanong saakin ni Ezekiel ng matapos kung malaman na buntis ako ay sinabihan ko muna si Chris na walang pagsasabihan sa pagbubuntis ko.Kasalukuyan ko ngayong kasama si Ezekiel kahit anong pagpapahalaga niya hindi ko talaga siya kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko kay Ken, kung mas na ko lang talaga siyang nakilala di sana matutunan ko din siyang mahalin.Si Ezekiel kasi ang tipo ng lalaki na magugustuhan ng lahat, gwapo, gentleman, matapat, maalahanin at maintindihin, ewan ko ba bakit diko siya kayang mahalin.
"Wala okay lang ako," ani ko.Umupo naman siya sa tapat ko.
"Ashley ayokong nakikita kang malungkot, patawarin mo sana ako" ani niya at yumuko.Dahil sa sinabi niya nagkaroon tuloy ng malaking anong sa isip ko."
"Para san?" tanong ko ngunit ngumiti lang siya saakin. Malapit na ang kasal namin 2 days nalang bago kami ikasal inagahan kasi nila,
"Wala, ahhh kumain ka muna diyan at baka gusto mong uminom muna tayo?" papayag na sana ako sa alok niya kaso naalala kong bawal sa baby ang mga alak kaya tumanggi ako.
"Ahh sige, nag-usap naba kayo ni Carla?" napatigil ako sa tanong niya.Pano kakausapin si Carla siguro ito ng tamang panahon para mag-usap kami.
" Bakit nandito ba siya ngayon?" tanong ko.
"Ahh gusto ka niyang makausap dun sa restaurant mamayang 5:30 pm baka gusto mong ihatid na kita?" tanong niya.Ngunit tumanggi ako.
"Ken ayos kana ba?" tanong ni Drew.
"Tingin niyo ayos lang ako? Bakit andito yang Chris nayan? Pwede bang iwan niyo muna ako gusto kong mapag-isa!" ani ni Ken.
"Baka nakaklimutan mong may dadaluhan kang party mamayang 5:30?" pagpapaalala ko sa kanya.
"Paki ko? pano kung sabihin kung di ako dadalo?"
"Pano kung sabihin ko sayong andun si Ashley? may chance ka ng kausapin siya kaya, aayaw kapa ba?" ani ko.Tumayo kaagad siya.
"Sige pupunta ako pero siguraduhin niyong andun talaga siya" ani niya.
"Ohh bat naka-ayos ka ata?" tanong ko kay Ezekiel.
"May dadaluhan lang akong party diko nga alam kung kaninong party to ehhh sinend lang ni Paulo saakin." ani niya habang ayos ayos ang sinusuot niya.
"Ahh ganon ba, sakto lang palang hindi na ako magpapasama sayo may dadaluhan ka palang party hahah at chinat na ni Carla ang adress kung saan kami magkikita." ngiting kong sabi sa kanya.Lumapit lang siya saakin at hinalikan ang noo ko bago hinuli ang pisngi ko.
"Mag-ingat kaha?" ani niya at akma sanang hahalikan ang labi ko pero umiwas ako.Para kasing may niloloko akong taong mahal ko at parang si Kenneth ang tinutukoy ng puso ko, buntis ako at parang itong bata ang kumukonekta saamin ni Kenneth sa isa't-isa.Hindi ko nga alam kung bakit siya parin ang iniisip ko gayun pinaglalaruan niya lang naman ako.
"Ahh ezekiel kailangan ko ng mauna baka malate pa ako," ani ko at iniwan siya dun.Natagalan akong maghanap ng sasakyan ang traffic kasi at parang puno lahat ng taxi ehh ilang minuto din ang tinagal ng paghahanap ko hanggang nakasakay nadin ako sa wakas.
Pagdating ko sa restaurant ay diko mapiggilan magtaka bakit parang may party ata dito? baka mali napuntahan ko pero tama ang nakalagay sa script na tinext ni Carla.Pagkapasok ko ay nahagip ko kaagad si Carla na nakaupo sa may kanan ng retaurant kaya umupo ako sa harap nito.
"Kumusta kana?" panimula niyang tanong.
"Okay lang," malamig kong sagot.
"Ashley diko alam bakit nangyayari ngayon to, diko rin ginustong makasal kay Kenneth kasi alam ko ikaw ang may gustong ikasal sa kanya" ani niya.
"Carla ayaw ko ding mangyari to, di namn kita sinisisi ehh"
"Diko nga maintindihan ehh sa walong taong pinagsamahan natin ay masisira lang ang pagkakaibigan natin ng dahil lang sa lalaki,"
"Carla ayaw ko din naman masi-" diko natapos ang sasabihin ko sana ng bigla niyang hinablot ang kamay ko at pinapunta sa rooftop.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Kenneth na nakakulong sa silya at may tape ang bibig.At sa paligid nito ay sila Christian, Louie at Drew habang si Kenneth ay walang malay.
"Ohh tingnan mo di kaba naawa sa kanya?" tanong ni Carla.
"Ano ba? anong ginagawa niyo sa kanya?" tanong ko at tumakbo papunta kay Kenneth at tinanggal ang tape nito sa bibig pero iniwan lang nila kami.Nakita ko naman ang unti-unting pagmulat ng mata niya hanggang nanlaki ito ng makita ako.
"Anong ginagawa ko dito?" tanong niya habang sinusubukang makalabas sa pagkatali.
"Wag ka ngang malikot! tutulungan kitang makalabas diyan!" ani ko at kinalagan siya. Matapos kung gawin yun ay niyakap ko kaagad siya.
"Ohhws mukang namiss mona ako ahh?" pilyong sabi niya kaya hinampas ko ang dibdib niya.
"Ano ba?"
"Ashley tanggap kong kailangan nating ikasal sa mga mayayaman yun.Pero gusto ko sanang pagbigyan mo ako ngayong gabi gusto kong makasama ka ngayong gabi lang hanggang alas- dose lang ng gabi pls, gusto ko lang magpaalam sayo at alam kung mas makakabuti talaga sayo si Ezekiel." ani niya.
"MAkikinig ako sayo, ito na siguro ang huling gabi na makakausap kita.Ikakasal na ako sa susunod na araw kaya pagbibigyan nakitang makausap ako." ani ko.
"Ashley unang-una gusto ko sanang humingi ng tawad sayo.Ashley alam kong di maganda ang unang relasyon natin at lalong-lalo na itong relasyon natin ngayon," hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at tiningnan ako.
"Ashley hindi ko makakalimutan ang gabing may nangyari saaatin at alam kong dina mangyayari yun dahil ikakasal kana, AShley gusto ko lang sabihin sayong mahal na mahal kita dina magbabago yun kahit maikasal pa ako kay CArla." ani niya habang dahan-dahang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang namalyan ko nalng na nakahlik na siya saakin at ang halik nayun ang pinakaibang halik na iginawad niya saakin.Ang halik ng naguumapaw na pag-ibig.
Pero sa hindi inaasahan nakita kami ni Ezekiel kaya napatigil ako agad akong tumakbo at hinabol siya hanggang sa nahuli ko ang kamay niya at pinalingon siya saakin.
"Ezekiel let me explain," ani ko.
"Ganun pala talaga noh? kahit anong gawin mo para mapasayo ang babeng mahal mo, ay dun parin siya sa una at labis niyang minahal." ani niya at nakita ko namn ang mga luha niyang nag-uunahang tumulo.
"Ezekiel di mo naiintindihan ehh, mahal na kita" nakakatawa ang kasinungalinagn na yun." Nagpaalam lang kami sa isa't-isa kaya please intindihan mo naman ako!" ani ko. Nakaramdam ako ng pagkahilo, dahil bato sa pagod o sakit?
"Anong nangyayare sayo?" tanong niya pero di na ako nakasagot ng tuluyan na akong nawalan ng malay.