Ng nawalan ng malay si Ashley ay dali-dali ko siyang dinala sa hospital.
"Sir okay na naman ang pasyente kailangan niya lang magpahinga para maging safe yung bata" paliwanag ng Nurse na naka assigned na bantayan si Ashley.
"WAit- anong bata?" tanong ko.
"She's pregnat for two weeks" ani ng Nurse. Di ako makapaniwala, buntis si Ashley? At waait- Sino yung Ama? Hindi maari to!
"Ang sakit ng ulo ko" ani ko sa isang Nurse sa harapan ko.
"It's normal Maam, wag kayong mag-aalala safe yung batang nasa tyan mo" ani ng Nurse kaya napangiti ako. Safe ang anak ko, anak namin ni Kenneth.Pero napatigil ako ng maisip ko kung sino yung nagdala saakin dito.
"Uhmm Miss sino yung nagdala saakin dito?" tanong ko.
"Yung boyfriend mong gwapo, alam mo ang gwapo ng boyfriend mo ahh" ani niya. Magsasalita pa sana ako ng biglang pumasok si Ezekiel sa kwarto.
"Ohh ayan na pala siya" dagdag ng Nurse at mabilis na lumabas.Kinabahan naman akong tumingin sa mga mata niya ayokong tumingin sa mga mata niya dahil kapag ginawa ko yun.
"Ang lalim ata ng iniisip mo? Bat dika makatingin?" tanong niya.
"Wala, masakit lang talaga ang ulo ko." sagot ko.
"Ahh magpahinga ka muna, kailangan yun ng katawan mo" ani niya. Bakit umaakto lang siya ng sakto?Alam ba niya or hindi?
"Totoo ang nalaman mo" ani ni Chris. Hindi ko na muna sinabi kay Ashley ang bagay na yun dahil naghahanap pa ako ng patunay kung tama bang nalaman ko pero ngayon, napagtanto kung buntis talaga siya dahil hindi lang ako ang nakakaalam pati na rin si Carla at Chris.
Kaya pala nandun si Ashley sa party dahil plinano ni Carla at Chris yun.At kaya pala nila ako pnapunta sa rooftop dahil dun.
"Ano? I mean pano?" di makapaniwalang tanong ko.
"GOsh! Ezekiel malamang nagjugjugan silang dalawa! Haystt" arteng sabi ni Carla.
"So anong plano niyo?" tanong ni Chris.
"Iaatras ko na yung kasal" mahinahong sabi ko.
"Ano? Hindi mo pwedeng gawin yun, mawawalan ng college si Ashley" pag-aalalang sabi ni Carla.
"Ehh pano nga siya makakapagcollege kung buntis siya?" tanong ko.
"Ezekiel alam mo bang mali ang iniisip mo? once na sabihin mo kay Ashley ang tungkol diyan masasaktan siya, kaya mas mabuting pakasalan mo nalang siya at ikaw nalang ang maging ama sa bata! Dahil kahit hindi makapag college si Ash maganda parin ang buhay niya at kung once na icancel mo ang kasal ay hindi parin sila pwedeng magsama ni Kenneth at kung papayagan naman sila na magsama, anong magiging buhay nila?" paliwanag ni Chris.
"May punto siya kaya please gawin mo nalang ito para kay Ashley, ayoko din namang maikasal kay Kenneth pero kailangan ehhh" ani ni Carla.
Napatayo ako at marahan na binagsak ang kamay ko sa mesa.
"Ayoko- ayokong mabuhay si Ash sa piling ko, alam kung ganon din siya. Kaya iaatras kona ang kasal at sasabihin ko sa pamilya ni Kenneth na buntis si Ashley at siya ang ama" ani ko.
"Hindi pa tayo sigurado Kiel' kaya wag kang magpadalos-dalos.Two weeks palang siyang buntis at hindi pa natin alam ang DNA TEST ng bata kaya may posibilidad na iba ang ama." ani ni Carla.
"Hindi ganon si Ashley, hindi siya papatol sa di niya mahal.At lalong-lalo ng di nya ibibigay ang sarili niya sa di niya mahal.At kaya alam kung si Kenneth ang Ama ng dinadala niya." ani ko. Hindi ko na sila hinintay na makasagot at umalis agad ako para puntahan sa bahay si Ashley nakalabas na kasi siya kagabi.
"Ohh may problema ba?" tanong ni Ash. Nadatnan ko siyang nag-aayos ng kama niya hindi kami magkatabi dahil nirerespeto ko siya.
"Ashley" malamig kong saad bago siya tiningnan."Buntis ka diba?" tanong ko. Ilang segundo din ang nakalipas ng nanaig ang katahimikan sa kwartong yun bago ko siya nakita ang pagtulo n kanyang mga luha.
"Ashley alam kung buntis ka" dagdag ko. Nakita ko siyang yumuko habang tinatakpan ang kanyang bibig.
"Sorry," ani niya at nag-angat ng tingin saakin."Ezekiel im sorry" ani niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"It's okay" ani ko habang hinimashimas ang kanyang buhok."Ash let's end this" ani ko at napatingin namn siya saakin.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong niya.
"Ayokong ikasal ka saakin, wag mong isipin ng dahil sa batang yan" ani ko at tinuturo ang tyan niya gamit ang aking mata.Pinaupo ko siya sa kama niya at lumuhod sa harapan niya.
"Ashley ang swerte ko kung ako ang naging ama niyan" hinawakan ko ang kanyang tiyan."Ang swerte swerte ko kung ako ang naging ama niyan, pero mas maswerte ka kung si Kenneth ang magiging ama niya." ani ko at nilapit ang ulo ko sa tyan niya.
"At ang swerte ng batang to kung naging ama niya si Kenneth.At gusto kung mangyari yun, gusto kong malaman niya na ama niya si Kenneth" inalis ko ang ulo ko sa tiyan niya at hinawakan ang kamay niya habang siya ay umiiyak lang na nakatitig saakin.
"Ashley gusto kong maging masaya ka kahit di man sa piling ko, kaya gusto kong umatras sa kasal at tulungan kang maghanap ng paraan para kayo ni Kenneth sa huli kahit ikamatay pa man yun ng puso ko." ani ko at hinalikan ang kanyang mga kamay.
"Pero paano natin magagawa yun?" tanong niya. Nginitian ko siya at-
"Iaatras ko ang kasal nila ni CArla" ani ko.
"Hindi pwede! hindi papayagan yun ng mga magulang niya." ani niya.
"Ashley siguro tama ka! Pero hahanap parin ako ng paraan para mahanap ang paraang yun."
OO Ashley hahanapin ko ang paraang yun.Hindi ko hahayaang di mo makamit ang kasiyahang yun at sana mahanap ko yun.