"Asan siya,?" tanong ko.
"Nasa loob." maikling sambit ni Chris at parang naluluha.
Dali dali akong pumasok sa loob naabutan ko ang doktor niya at sila Drew, at Louie.
"Ohh sino naman siya?" tanong niya sa doktor ng makita akong pumasok.
"Nakalimutan mo na ba talaga kami?? Ano ba naman to Kenneth? Walang silbe yung pagbabantay namin kung paggising mo nakalimutan mo na kami!!" haloa maluha ako sa sinabi ni Drew.
Dali dali kong linapitan si Kenneth. "Kenneth naaalala mo pa ba ako?" tanong ko.
"What the f**k? Sino ba kayo?" dun na bumuhos ang luha ko. Di niya kami pwedeng kalimutan!
"Hijo is better na magpahinga ka muna. Babalik din ang alaala mo." sabi ng doktor at lumabas ng kwarto.
Ilang minuto lang ay dumating na ang magulang ni Kenneth at si Carla.
"Anak are u okay na?" tanong ng Mama ni Kenneth.
Saglit na natigilan si Kenneth at hinarap kami. Nakaupo ako ngayon at nakahawak sa kamay ni Carla habang si Carla ay nakatayo at nakaakbay sa kabilang balikat ko.
"Ikaw si-" di natapos ang sasabihin niya ng sumakit ang ulo niya at napahawak siya rito. Tatayo na sana ako ng hinarang niya ang kamay niya.
"Mama. Papa." sabi niya. Yumakap naman ang mga magulang niya sa kanya.
Tuwang tuwa akong nanonood sa kanya.
"Sa wakas naalala mo na rin kami." sabi ng Mama niya at hinalikan siya sa noo.
Ilang saglit ay humiwalay na ang mga magulang niya sa kanya. Pumasok si Chris kaya napalingon kaming lahat sa kanya.
"Christian?" sabi na sabay turo. Kita naman sa mata ni Chris ang pagkagulat.
"Bro, naalala mo na ako?" tanong ni Chris.
Napakamot naman si Ken at lumapit si Chris para umapir sa kanya.
"You are Louie! My secret detective. And you- you are Drew my f*****g dumbass friend." sabi niya.
Napatayo naman silang dalawa at hinampas pa ni Louie si Drew dahil sa oa ng reaction nito. Nag-apir lang din sila sa huli.
Tumingin saamin si Kenneth. Sabik na sabik akong sabihin niya na ako yung babaeng pinakamahal niya.
"You are Carla right?" Tumango naman si Carla at hinagod ang balikat ko para sabihing wag akong kabahan." And you-? You are?" tanong niya.
"Di mo siya naalala?" tanong ni Drew.
"Hala? Bakit?" tanong ni Chris.
"Sino kaba?" tanong saakin ni Kenneth.
Di ko napansing napatulo na pala ang luha ko. Hindi ko inaasahang sa dami ng pwede niyang kalimutan, bakit ako pa?
"Kenneth." tawag ko sa kanya. Irita naman siya umiwas ng tingin.
"Ano ba? Ayokong makakita ng umiiyak na babae! Nakakairita." nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Anak." tawag sa kanya ng Mama niya.
"Sino ba kasi siya? Anong kinalaman niya sa buhay ko?" tanong nito at kinamot lang ang ulo niya. Na parang naiirita.
Lumapit ako sa kama kong saan siya nakahiga kaya na palayo naman siya.
"Kenneth hindi mo pwedeng gawin saakin to!" sabi ko.
"Wait- Sino kaba? Nakakairita ka na ahh."
"Ako yung girlfriend mo!" sigaw ko sa kanya na ikinagulat niya.
"Girlfriend? Sa pagkakaalala ko, hindi ikaw ang girlfriend ko at ikakasal na ako sa kanya." sabi niya sabay turo kay Carla.
"Dude mapanakit ka!" sabi ni Chris at inakbayan ako.
"Sobra ka naman Bro." sabi naman ni Drew at lumapit saakin.
Napatayo ako kaya napahiwalay si Chris saakin. Pumunta naman sila sa may bandang gilid ng kama. Tiningnan ko ulit si Kenneth kaya napatulo ulit ang luha ko.
Ang sakit. Sa dami ng maaaring kalimutan bakit ako pa? bakit ako pang girlfriend niya? Bakit kami pa ng anak niya?
Paalis na sana ako ng-
"Wait-" sabi ni Kenneth kaya napalingon naman ako.
Biglang may sumabog si Carla pala may gawa nun isang paper bomb. At nakita kong may hawak na kartolina si Chris at Drew. Habang ang Mama at Papa niya ang laki ng ngisi.
"Iiitsss Aaaaa PrraaAnnNkkkK!!" sabay sabay nilang sabi.
Binasa ko yung nakasulat sa kartoliba at may nakalagay dun na 'Its a prank.
Napatakip ako sa mukha ako at umiyak. Nilapitan ako ni Carla at pinaupo sa silyang katabi ng kama ni Kenneth.
Hinuli ni Kenneth ang kamay ko at tiningnan ako sa mata ko.
"Prank lang yun. Wag ka ng umiyak.!" sabi niya sabay pahid ng luhang bumabagak sa mata ko.
"Plinano namin yun. Si Kenneth kasi nagreq." sabi ni Drew.
Hinampas ko naman ang balikat ni Kenneth kaya napangiwi ito.
"A-a-aray." sabi niya at hinuli ang kamay ko. "Masakit pa yung katawan ko." sabi niya.
"Sorry. Bakit mo naman kasi ang niloko ng ganon!??!" tanong ko sa kanya.
"Naniwala ka naman? Syempre hindi totoo ang lahat ng yun. Bakit ko naman kakalimutan ang pinakamaganda kong fiancee at ang baby ko?" tanong niya at napatingin sa tiyan ko.
Napayakap ako sa kanya kaya napangiwi naman siya kaya agad akong humiwalay at nagpeace sign.
"Sorry." sabi ko.
Tumawa lang silang lahat kaya tumawa na rin ako.
7 monts after.
"Alagaan mo yung baby mo ha!" paalala sakin ni Carla. Saka nilapag ang gift para sa baby namin.
Kasalukuyan naming sinecelebrate ang 1st Baby Shower ng bay namin. Nandito kami ngayon sa beach nagcelebrate. Madami namang dumalo at kasalukuyan silang naglalapag ng regalo.
"Thank you sa lahat ng pumunta sana naging masaya kayo." sabi ko.
"Teka may sasabihin pa ako." sabi ni Kenneth at inagaw saakin ang microphone. "Ngayon gabi gusto kong masaksihan niyo ang dapat na masaksihan niyo!" sabi niya.
Napalingon ako sa kanya at kinootan siya ng noo.
"Alam kong mali yung unang pagkuha ko sayo. Kaya ngayon gusto ko ng itama." sabi niya.
Naguguluhan na ako sa sinasabi niya. Agad siyang lumuhod sa harapan ko at hawak ang isa kong kamay. Naghiyawan naman ang mga tao.
"Ashley Alfonso, will you marry me?" tanong niya at may nilahad na isang singsing.
Mas lalong naghiyawan ang mga tao dahil dun. Napalunok ako habang nakatingin sa singsing at lumipat sa kanya.
"Yes..!!" sabi ko. Agad naman siyang napatayo at sinuot saakin ang singsing at sumisigaw ang ingay niya.
"Yes!!! She said yess!!" sigaw niya. At mukang hinahampas pa ang hangin.
Nagtayuan ang mga tao at pumalakpak.
"Kiss na yan! Ikikiss na yan! Kiss Kiss!!" sigaw ni Drew.
Dahil dun nagkantyawan na ang mga tao at wala na kaming nagawa kundi pagbigyan sila.
Hinalikan ko si Kenneth. Hinawakan niya ang ulo ko para di ako lumayo sa kanya. Pagkatapos nun ay tumalon talon lang siya. Parang tanga lang.