"Gift ko sayo." sabi ko at binigay sa kanya ang isang kahon.
"Omyghaad!! Album?? Album natin?? Thank you!!" tuwang sabi niya at niyakap ako.
"Carla, yung baby." sabi ko. Humiwalay naman siya sa pagkayakap saakin at nagpeace sign.
Birthday ngayon ni Carla at nagcecelebrate kami ngayon sa isang mamahaling restaurant. Ilang araw na ang nakalipas nung huli kong dalawin si Kenneth pero di pa rin siya nagigising.
"Bawal ako nyan." sabi ko. Inabutan kasi nila ako ng alak.
"My baby ka nga pala." sabi ni Drew. Lasing na lasing na ata. Hinawakan niya ang tiyan ko at kung ano ano ang mga sinasabi. "Baby, yung Daddy mo na tutulog pa. Kaya wala masyadong nag-aalaga sa mommy mo. Wag kang malikot dyan haa." sabi niya.
Natawa naman ako sa mga sinasabi niya. 2 months palang yung baby ko tas lilikot na? Lasing na talaga siya. Inalalayan siya ni Chris pauwi.
Lumapit saakin si Louie.
"Louie salamat pala haa." sabi ko.
"You're Welcome." sabi niya.
"Paano mo pala nagawa yun?" tanong ko.
"Inutusan ako ni Kenneth na imbestigahan yung bangko nila. At alam mo naman di ba na gusto kong maging isang detective kaya tinanggap ko." paliwanag niya.
"Ahh, ikaw kumusta ka naman? Wala ka bang magplano mag-jowa?" tanong ko.
"Meron sana, kaso bawal na." sabi niya.
"Haa? Di kita maintindihan." sabi ko.
"Gusto kitang ligawan dati. Kaso gusto ng pamilya ni Kenneth na ipakasal ka sa anak nila. Kinimkim ko yun, gusto kong maging masaya yung kaibigan ko. Ng napapansin kong nahuhulog na siya sayo dun nag-give up na ako. At nung ipapakasal ka sa iba nakita ko kung gaano ka lungkot si Kenneth kaya plinano naming tatlo nila Drew at Chris na gumawa ng paraan para magkasama kayo ulit. At di ko naman pinag-sisihan yung mga desisyon ko." paliwanang niya.
"Gusto mo ko dati?" tanong ko.
"Oo, Kaya ginawa ko lahat dahil alam kong mahal mo na din si Kenneth kaya hinayaan na kitang masaya." sabi niya.
Niyakap ko siya. " Thank you." bulong ko.
Humiwalay siya sa pagyakap saakin at nagpaalam na iinom lang.
Nagising ako ng may narinig akong magkasunod na katok sa pinto.
"Ashley, gising na. Kailangan mong kumain ng maaga." si Mama pala.
Simula ng malaman nilang buntis ako. Palagi na nila akong ginigising ng maaga at inaalagaan.
Bumangon ako at lumabas sa kwarto. Ngayon pupunta kami sa doktor para magpa-ultra sound ulit.
"The baby is healthy. You should keep him healthy Mommy." sabi ng Doktor.
Tuwang tuwa naman si Mama na para siya yung buntis. Matapos nun ay umalis na kami at pumunta sa Mall para mamili ng mga damit.
"Ito ohh." sabi ni Papa at pinakita ang isang pink na sando.
"Pa lalaki yung anak ko." sabi ko. Kinamot niya lang ang ulo niya at tumawa naman si Mama.
"Wag mong sabihing gagawin mong bakla ang apo mo?" tanong ni Mama. Sumimangot naman si Papa.
Si Papa kasi ay minsan lang pumunta sa mall at nung pinagbubuntis ako ni Mama ay di siya masyadong makasama sa pagshoshopping dahil busy siya. Pero ngayon pinilit namin siyang sumama.
Matapos naming magshopping ay umuwi na agad ako si Mama at Papa dumiretso na sa office nila at sinundo naman ako ni Carla.
"Kailan ka magpapababy shower?" tanong saakin ni Carla.
"Siguro pag gising na si Kenneth." sabi ko.
"Umaasa ka pa rin bang gigising siya?" tanong niya saakin.
"Oo naman, hindi siya pwedeng mamatay." sabi ko.
Pinagpatuloy niya lang ang pagmamaneho hanggan sa nakarating na kami sa bahay. Hapon na din kaya siya ang nagluto. Dito siya saamin mag-istay para daw bantayan niya ako.
"Bango naman. Kailan ka pa natutong magluto?" tanong ko.
"Matagal na, kailangan ko din matuto dahil may aalagaan na ako." si Drew yung ibig sabihin niya.
"So straight ka na?" tanong ko.
"Oo, wala na kami ni Raine simula ng halikan niya si Kenneth. Nakakairita na din yung ugali niya kaya ayun hiniwalayan ko. Nanligaw naman si Drew at boom naging babae na ako!" sabi niya.
Hinain niya ang niluto niyang tinola. At nagsimula naman akong kumain. Matapos naming kumain naligo na ako at natulog.
Nagising ako sa ingay ng phone ko. Pagtingin ko si Chris pala tumatawag. Nanlaki ang mata ko ng nakita ko kung gaano kadaming beses na siyang nakamissed calls saakin
Dali dali ko naman aiyang tinawagan. Ilang ring ay sinagot niya agad ito.
"Hayys sinagot mo na din. Asan ka? Asan ka?" di mapakaling tanong niya.
"Pwede bang kumalma ka? Kakagising ko lang." sabi ko at bumangon para pumuntang Cr pero ilang hakbang palang ay napatigil na ako.
"Gising na si Kenneth!!!" sigaw niya sa kabilang linya.
Mukang nabingi ata ako. Di ko alam ang irereak ko. Masaya, naluluha, at nanginginig.
Ilang buwan na din ng macommatose siya at hindi ako makapaniwalang gising na siya ngayon!
'Gising na ang tatay mo anak!'