Chapter 13: Waiting for you.

1077 Words
"Do you take Ezekiel Rodriguez as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" tanong saakin ng padre. Di ko alam ang isasagot ko. Hindi ko naman kasi mahal si Ezekiel. Oo crush ko siya pero iba yun sa mahal. "I do," sagot ko. Kailangan kong panindigan to. "Do you take Ashley Alfonso as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" tanong ng padre kay Ezekiel. Ilang segundo ang nagtagal bago siya sumagot. "I do not," kalmadong sagot niya. Nabulabog ang mga tao. Tumingin saakin si Ezekiel at hinawakan ang kamay ko na may dalang bouquet. Nabulabog ang mga tao. Naagaw ang atensyon namin ng biglang may nagsalita sa mic. "Ladies and Gentleman, pwede ko bang maagaw muna ang atensyon niyo?" napagtanto kung si Louie pala yun. "Sorry," narinig kong sabi ni Ezekiel. "Kailangang itigil ang kasalan na ito!" sabi niya. "Ano bang kaguluhan to??" tanong ng Mama ni Ezekiel. "Ang kompanya ng Anderson at Alfonso ay hindi kusang bumagsak. Ito ay binagsak talaga!" panimula ni Louie kaya mas lalong nabulabog ang mga tao. "Sadya itong binagsak ng tagapagmana ng kompanya ng Rodriguez. Binagsak niya ang kompanya ng Anderson at Alfonso para matigil ang paparating na kasal nito." napalingon ako kay Ezekiel na nakayuko lang at hawak hawak ang kamay ko. "Im sorry," sabi niya. Doon ko na napagtanto na totoo ang sinasabi ni Louie. Binawi ko ang kamay ko at sinampal siya. "How can you do this to me?" tanong ko. Agad na tumulo ang mga luha ko. "Im sorry," tanging nasambit niya. "Buntis din si Ashley. Dinadala niya ang apo ng Anderson at Alfonso." Lumapit ako sa Mama ko at niyakap siya. Umiyak lang ako sa braso niya at naramdaman ko naman ang paghagod ng Papa ko sa aking likod. "Anak, it's okay. Don't cry." sabi ni Mama. Humiwalay ako sa pagkayakap sa kanya at pinahid ang luha ko. "Im sorry. Kasalanan namin to ehh." sabi ni Papa. Naramdaman kong may humawak sa braso ko at paglingon ko si Louie pala ito. "Ashley tara na. Hinihintay ka niya." sabi ni Louie. Tumango lang si Mama para sabihing 'go lang. Tumakbo kami papalabas at tinapon ko ang bouquet. Ng makalabas na kami ay sumakay agad ako sa kotse ni Louie at ganon na din si Louie. Nagsimula na siyang magmaneho. Dire-diretso lang ang pag-andar namin pero natigil kami sa daan na maraming tao. Nagtataka ako kung bakit ang daming tao sa gitna ng kalsada at may tinitingnan pa sila dun. Narinig ko ang pagdating ng ambulansya. Nahagip ng mata ko si Drew. "Louie si Drew yun di'ba?" tanong ko at tinuro si Drew. "Bakit siya andito?" tanong ni Louie. Bumaba kami sa kotse niya para lapitan si Drew. Paglapit namin ay yumakap lang si Drew kay Louie at umiyak sa balikat nito na parang bata. Nilingon ko kung saan nakapwesto ang ambulansya. At nanlaki ang mata ko. "Kenneth?" tanong ko. Tumulo na parang gripo ang mga luha ko ng makumpirmang si Kenneth nga yun. Punong puna ng dugo ang damit niya ganon din ang mukha niya. Wala siyang malay at tinutulungan siya ng mga nurse na lalaki na ilagay sa hospital bed. Naagaw ko ang atensyon ng mga tao ng agad akong lumapit at niyakap ang walang malay na katawan ni Kenneth. Nabahidan ang wedding dress ko ng dugo pati yung kamay ko ay may dugo. "Maam kailangan nating dalhin ang pasyente sa hospital, madaming dugo ang nawala sa kanya kaya maaari siyang mamatay." sabi ng isang nurse na lalaki bago sinakay si Kenneth sa ambulance. Madaming tao ang nagbulongbulongan pero di ko sila pinansin. Ang dumi na nga wedding dress ko madaming dugo ang nakakalat dun. Lumapit si Louie saakin at sinakay ako sa kotse. Sinundan namin yung ambulansya. Hanggan sa makarating na kami sa hospital pero di kami pinapasok. Sunod na dumating ang mga magulang ni Kenneth at sila Mama at Papa. Niyakap ako ni Mama. "Ma naaksidente si Kenneth. Ma." sabi ko at patyloy lang sa pag-iyak. Hanggang sa nakatulog ako. Paggising ko ay binungad agad ako ng masamang balita. "Maam macocommatose siya ng ilang linggo o buwan. Madaming dugo ang nawala sa kanya kaya kailangan pa niyang mag pahinga. At nakita din namin na malaki ang dammage ng skull niya at nadamay nito ang kaunting parte ng utak niya. Kaya may posibleng makalimot siya." yun ang sabi ng doktor. Nanatili lang akong nasa loob ng kwarto ni Kenneth at tinitingnan siyang nakahilata. Ganon lang ang palagi kong ginagawa. Dalawang linggo na din ang nakalipas ng mangyari ang aksidenteng yun. Okay na kami ni Ezekiel. Hindi ko na siya pinakulong ayaw ko din ng g**o at naawa ako kay Carla dahil madadamay siya dahil magpinsan sila ni Ezekiel. Maliit liit pa naman ang tyan ko at hindi pa halatang buntis ako. Ngayon plano kong bisitahin si Kenneth. Pagkarating ko dun ay si Louie, Drew, Chris at Carla lang ang andun. Niyakap ako ni Carla at humiwalay agad. "Okay kana ba?" tanong niya. Tumango tango lang din ako. "Si baby? okay lang ba siya?" tanong niya saakin. "Oo, nagpa-ultrasound na ako at nagpacheck-up sabi nila healthy daw yung baby at it's a baby boy." sabi ko. Sumigaw naman silang lahat. "Congrats. Magiging Ninong na ako!" tuwang sabi ni Drew." tumawa lang ako. "Basta ako Ninang." sabi ni Carla. "Ehh bakit ayaw niyo nalang gumawa?" tanong ni Chris at nagkakape. Nalaman kong nagdedate na pala to si Carla at Drew si Louie naman ay nag-aaral pa rin habang si Chris ay dinedate yung Nurse. Yung Nurse na nagsabi sa kanya na buntis ako. "Eehh kung ikaw ang magiging ninong ano naman ituturo mo?" tanong ni Louie. "Hayss napaka kontrabida mo talaga!" sabi ni Drew. Umupo ako sa upuan katabi lang ng kama ni Kenneth. Nag-aaway lang sila Louie, Chris at Drew tungkol sa pagninong ninong at si Carla naman ay binubully nila tungkol sa relasyon nito kay Drew. Sana gumising kana Kenneth. Hinihintay ka na namin. Hinihintay pa kita. Ginawa ko na ang parte ko, na takasan ang kasalan na yun. Sana gawin mo din ang parte mo. Gumising kana pleasee.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD