And just like that ay nasa Maynila na kami. Halos magulat din ang mga kasamahan ko sa eroplano pabalik ng makita si Ethan na katabi kami ni Joaquin sa may row. Samantalang sa buong biyahe ay tulog si Joaquin habang nakadantay sa ama nito. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila pero wala na rin siguro akong pakialam. Sa sama lang ng titig ni Theo sa mapanuring mata ng mga kasamahan namin sa medical field ay hindi na nagtangka ang mga ito na magtanong pa. We landed in Manila almost midnight. May shuttle na maghahatid sa bawat medical workers but Ethan, being Ethan, has his own car na naghihintay sa kanya. Kasabay na namin si Theo sa sasakyan. Tinawanan pa niya ang iba naming kasamahan dahil nakatanaw ang mga ito sa amin. Who wouldn't? A black and elegant Rolls-Royce waited for us. Si

