The loud music, over flowing wines and mojitos, beads of sweats on our body as we dance on the dancefloor. "Mamsh, tagay pa!" itinaas ni Theo ang hawak niyang glass at inabot sa akin para inumin. Kanina pa kami sa party at nahihilo na ako talaga. Gusto ko ng bumalik sa kwarto pero pinipigilan pa ako ni Theo. Umiling na ako sa kanya bago ako nagpaalam na uupo na muna ako. Masakit na yung paa ko dahil sa heels tapos masakit na yung ulo ko. Inaalala ko pa yung anak ko na naiwan ko. "Dra. Lia, what are you doing there? Let's go dance." hila sa akin ni Odette. Pinigilan ko ang pagtayo kasi pagod na talaga ako. "Mamaya na Odette. Kakatapos ko lang doon." She just shrugged off her shoulders bago ako iwanan. Inabot ko naman ang paa ko at marahang minasahe iyon. Masayang-masaya ang lahat

