After lunch ay nagpaalam na kami ni Joaquin kay Ethan. Ayaw pa sanang iwan ni Wacky ang tatay niya pero kailangan naming maghanda para sa party mamaya. He said na susunduin niya si Wacky at dadalhin sa pamangkin niya para magkasama yung magpinsan mamaya. How fast these events happened. Parang kailan lang ay iniiyakan ko ang nangyari sa akin ngayon ay alam ko na agad na siya ang tatay ng anak ko. We went back to our unit, at si Theo agad ang sumalubong. He was preparing to take a bath ng pumasok kami ni Joaquin. Wacky went straight to Theo para magbless pagkatapos ay dumiretso sa kama at nagbalot ng kumot, upang matulog siguro. Nagmamadaling lumapit sa akin si Theo at hinawakan ang kamay ko. "OMG, Mamshie, ano? Ano na ang ganap? Kumusta na si bebe at si Fafa?" Bahagya kong sinilip si

