Chapter 2

2304 Words
Ramdam kong lumiwanag ang paligid kahit na masarap ang tulog ko. Ang paghawi ng kurtina at pagbukas ng binta ang sunod na narinig ko. "Coleen, bumangon ka na dyan. Sinusundo ka na ni Xeus." Narinig ko ang boses ni Kuya Hexel na ginigising ako. Tumaltak ako. Sinakluban ko pa lalo ang katawan ko ng kumot at nagsumiksik para hindi ko marinig ang nakakairitang boses ng kapatid. "Coleen! Isa! Kapag hindi ka pa bumangon dyan ay sasabihin ko kina Papa na wag ka ng bigyan ng allowance!" Bwisit kong inalis ang kumot at iritadong bumaling sa kapatid ko na halatang walang balak na tantanan ako. "Ano ba, Kuya Hexel! Agang-aga ang ingay ingay mo! Kawawa sa'yo maging asawa mo e. Ang nagger mo!" Kumunot ang noo ni Kuya Hexel. "Don't change the subject. Bumangon ka na dyan at nakakahiya kay Xeus. Kaninang-kanina pa 'yun dito!" Kinuha ni Kuya ang isang unan at saka binato sa akin. Tumama iyon sa mukha ko kaya galit na galit kong ibinalibag ang unan. "Kuya Hexel, ano ba!" "Huwag mo akong bigyan ng attitude, Coleen. Maligo ka na at tigilan mo 'yang katamaran mo." I hissed. It's Friday today at naalala kong ngayon ang usapan namin ni Xeus na tuturuan niya ako para sa subject na hindi ko pinasukan noong isang araw. At ang damuhong ito, alas siyete pa lang ng umaga ay nasa bahay na! Kailangan ba talaga niyang buwisitin ako sa araw ng pahinga ko? "Haynako, Coleen! Napakatamad mo talaga! Hindi ka na nahiya dito kay Xeus. Siya na itong nagprisinta na turuan ka tapos ikaw pa 'tong paimportante!" Nanlilisik ang mata ni Mama nang makita akong bumaba. Kakatapos ko lang maligo at sadyang binagalan ko para mapiko lalo si Xeus. Ang problema, si Mama yata ang napikon. I saw Cyrus holding a biscuit. Kinuha ko iyon at saka kinain. Cyrus looked at me. Ilang sandali pa ay nagpalahaw na ang bata. Ngiting-ngiti ako nang makitang nagngangawa ang kapatid. "Coleen!" Sigaw ni Mama. "Pinaiyak mo na naman 'yang kapatid mo!" Xeus was glaring at me. "Anong tinitingin-tingin mo?" Mataray kong tugon. "Did you just snatch your brother's food?" hindi niya makapaniwalang tugon. "Your brother's crying." Tumayo si Xeus sa sofa at saka kinarga si Cyrus. Agad na tumahan ang bata nang bigyan ito ni Xeus nang panibagong biscuit. Hindi pa ako nakakaimik nang maramdaman kong pinihit ni Mama ang tenga ko. "Wala ka ng ibang ginawa sa buhay kundi ang paiyakin ang kapatid mo! Dyan ka magaling!" "Aray naman Mama!" I said while removing my mother's hand from my ears. "Matatanggal na ang tenga ko Ma! Paano ko maririnig ang matatamis mong sermon!" sabi ko habang humahalakhak bagamat nasasaktan. "Lumayas ka na dito at wag ka ng babalik ha!" singhal ni Mama sa akin. Tawang-tawa ako sa pagkapikon ng nanay ko. Buhay akong nakaalis ng bahay. Sakay ng kanyang sasakyan, dumiretso kami ni Xeus sa condo niya. Mabango ang sasakyan at ganoon din si Xeus. He smelled nice, tanda na malinis siya at maingat sa pangangatawan. He's wearing a grey shirt and a black cargo shorts, na bagay na bagay sa kanya. Well, lahat naman yata ay bumabagay sa kanya. He's tall and fit. Bukod pa doon ay ang pinagpala niyang mukha, na hindi ko maamin sa kanya. "You made your brother cry. Are you seriously like that?" Well, malambing naman ako sa kapatid. May pagkakataon nga lang na paiiyakin ko ito pagkatapos ay papatahanin din. "Oo. Papaiyakin ko tapos papatahanin. Natural lang naman iyon sa magkapatid. Bakit masama ba 'yun?" "Does that mean you'll do that to your son?" Naubo ako sa sinabi niya. And he's worrying about my son? Bakit napunta ang usapan sa son? Excuse me, wala pa iyon sa utak ko. "Ganoon lamang ako kay Cyrus. Mabilis kasing umiyak ang batang iyon pero mabilis din namang tumahan." Hindi na siya umimik hanggang sa makarating kami sa condo niya. Sumunod lamang ako sa kanya hanggang makarating kami sa unit niya. Pagkabukas ng pintuan, I smelled a manly scent. I don't know if it's the scent of the condo itself but you can say the scent smells elite. Parang amoy iyon kapag papasok ka sa mamahaling hotel. Malawak ang entrance at matatanaw doon ang malaking sala. Black and brown color dominated the whole living room. May malaking sofa doon at mayroong malaking TV na nakakabit sa dingding. Hindi na ako nasorpresa dahil alam kong maalwan ang buhay ni Xeus. Pagtingin ko sa mesang bubog, ay nakahanay na ang mga libro at answer sheets. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam ko ay lalagnatin na ako. "Sit down. Give me your phone." Napakaistrikto niyang magsalita. Nakatingin siya sa akin at iniaro ang kamay tanda na kinukuha ang phone ko. "Taeng-tae ka bang magreview? Pwedeng chill ka lang? Kakarating lang natin oh," yamot kong tugon. "Why did we go here?" "Para mag-chill." He glared at me. "Phone. Now." Nakasimangot kong binigay ang phone ko sa kanya. Ibinulsa niya iyon at tsaka siya umupo sa may carpet. I sat down near him. He started to flip the pages of the materials. Ako naman ay bored na nakibuklat din bagamat walang interes sa librong nakuha ko. Nag-umpisa na kaagad siyang magturo. Kasabay noon ay ang sangkatutak na exercises na pilit niyang pinapa-solve sa akin. "Ang dami naman..." Inilayo ko na sa akin ang mga exercises. Nagtama ang tingin namin at masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. "Are you complaining right now?" "Kasi hindi naman ako katulad mo. Hindi ko kayang sagutan lahat ito. At saka gutom na ako. Hindi kaya ako nag-agahan kaya wala akong energy." He closed the book at saka ako hinarap. "Fine, I'll get you some food. After we eat, you are going to finish those exercises." Nagliwanag ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. Ito lamang ang gusto ko kapag kasama ko si Xeus. He's extremely generous when it comes to food. Kung magkakaroon man ng pagkakataon na kasama ko siya, alam kong hindi niya ako gugutumin. "Okay. Can we order?" Excited kong tugon. "Fine." Iniabot niya sa akin ang cellphone. Hinanap ko kaagad doon ang food delivery app at saka naghanap ng makakain. "Can we order pizza?" "Coleen, it's just eight in the morning. Order some healthy food," utos niya. "What about fried chicken?" He glared at me. "Didn't I say healthy?" Ngumuso ako at saka bumulong. "But I am craving for pizza at chicken." Narinig yata niya iyon kaya mukhang nakumbinsi ko siya sa kagustuhan. "We'll order it later. Just eat something healthy this morning." Napangiti ako nang marinig ang sinabi niya. Parang malamyos na kanta ang mga salitang iyon, dahilan para ganahan akong magsimula sa pagsasagot ng exercises. "Ikaw ang magbabayad ng in-order natin?" He nodded. "Okay," I said smiling. "Thank you so much for the food." Trenta minutos ang hinintay namin bago dumating ang order. I ordered pancakes and rice with bacon and eggs plus hot chocolate. I decided to add a burger without him knowing pero hindi na niya iyon pinansin. Sadya talagang swerte ang nobya ni Xeus. He's too damn perfect, lalo na sana kung hindi siya pakialamero. "You want some?" I offered him some of my food. Siya ay nagbabasa lamang sa tabi ko habang ako ay kumakain. "I'm still full." Hindi niya ako tinapunan ng tingin kaya inirapan ko siya. Sarap na sarap ako sa kinakain. Dahil madalas akong mahuli sa pagliban sa klase, madalas din akong walang allowance. Kaya madalas akong magpalibre kina Ezekiel. Hindi naman ako lumiliban ng walang dahilan. At hindi rin required ang attendance. Pero dahil nakabantay si Xeus sa galaw ko, wala akong ibang magawa kung hindi ang pumasok. Nagkataon lang na madalas akong mahuli kaya akala ng mga magulang ko na sinasayang ko ang binabayad nilang tuition. "Tapos na akong kumain," I said. Tinapunan niya ako ng tingin bago ang mga kalat ko sa mesa niya. "Good, let's start." Nagsimula na akong magsagot. On the other hand, Xeus was studying on his own. He's seriously reading and I can't help but wonder, sadya nga talagang gwapo si Xeus. Medyo mahaba ang buhok niya at tumatakip iyon sa kanyang mga noo. Ang mga mata ay nadedepina ng mahaba at makapal na pilikmata. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Dahil maputi si Xeus, kapansin-pansin ang nunal niya sa ibaba ng kaliwang mata at saka may malapit sa tenga. "Hindi mo masasagutan ang mga iyan kung nakatingin ka lang sa mukha ko." Umakyat ang dugo ko sa mukha nang marinig ko siyang nagsalita. Tumikhim ako para itago ang pagkapahiya. "Xeus.." I complained. "Can we rest? Nakakaantok kasi." "No." "Please?" "I said no. Pumunta ka dito para mag-aral at hindi para matulog." Sadyang hindi niya ako hinayaan sa kagustuhan. Dahil mahaba ang oras, pinili kong sagutan ang mga exercises bagamat ramdam kong padugo na ang utak ko. Mas gusto ko na lang um-attend sa klase dahil torture ang inaabot ko kapag si Xeus ang nagtuturo sa akin. Hindi na ako nagreklamo kaya nagpatuloy na lang sa pagsasagot. "You're intelligent, Coleen. Puro cutting nga lang ang laman ng utak mo," he commented while checking my papers. I gritted my teeth at his remarks. "Excuse me! May dahilan ang pagliban ko!" "May dahilan ka sa pagliban sa lahat ng subjects?" Hindi ako adik sa pagliban sa klase. Sadyang mas gusto ko na lang magself-study kesa makinig sa professor. "Yes! I'd rather study by myself kesa um-attend ako sa professors na mainit ang ulo sa akin! "But you're not studying. See, ang dami mong mali." He showed me my papers. I got forty five out of seventy items. "Adik ka ba? Saan ka nakakita ng exercises na ganyan kadami ang items?" "It's because practicing will help you with the exams. A stupid person like you will never know that." Nyenyenye, my brain screamed. "Pwede na ba ako umuwi pagkatapos nito?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Who said you could leave? I still have to teach you for the four remaining subjects you skipped." "What?! Ang sabi mo sa Calculus lang!" "Stop complaining and finish these exercises bago pa uminit ang ulo ko sa'yo." Wala akong ibang nagawa kundi sundin ang kagustuhan dahil baka kung ano pa ang isiwalat niya sa mga magulang ko. Nalusaw yata ang utak ko sa pagsasagot. I was totally drained. Sadyang sabaw na sabaw. Pagkatapos noong huling subject, nararamdaman kong sumasakit na ang ulo ko. "Xeus, masakit ang ulo ko.." I complained. "Gusto ko ng umuwi." "You should celebrate. Your brain's hurting because you are using it." Hindi ko na siya pinatulan at baka kung ano ang maibato ko sa kanya. Dahil masakit na ang ulo ko at nahihirapan ako sa mga pinapasagutan niya, unti-unti na akong nagbu-bwisit. Nakabusangot na ang mukha ko at maya't maya kong binubulagsak ang hawak na ballpen para ipakitang pagod na ako. "You're sulking again, aren't you?" He was glaring the moment I met his eyes. I rolled my eyes. Alam naman pala niya, bakit kailangan pa niyang magtanong? This stupid president!  He sighed and typed something on his phone. I bet he's ordering some food. At hindi naman ako nagkamali dahil pagkatapos lang ng ilang minuto ng pagkukunwari kong mag-aral, narinig kong may nagdoor bell. Pumalakpak yata ang tenga ko sa narinig. Tumayo si Xeus at saka umalis papunta sa pintuan. I inhaled the scent of pizza and burger. Xeus was holding a paper bag, probably with food I was craving earlier. He silently put it on the top of the table while clearing all the materials. "Kakain na tayo?" painosente kong tanong, eyes still on the food. "Yes.." Isinalansan niya ang pagkain sa mesa habang ako ay naghihintay na matapos siya. I am watching the prick carefully placing the food on a nice plate. Napailing na lamang ako. Aside from being generous, Xeus is a gentleman. But take note, that personality of his doesn't apply to me. Most of the time. Dahil madalas, I was always subject to his harsh comment, which I'm getting used to. As he's the president of the university's council, he has a lot of responsibility. Maganda ang imahe ni Xeus. I've seen him join several clubs and charity events. May mga ilang pagkakataon naman na nakikita ko siyang inaabutan ng mga babaeng nahuhumaling sa kanya at hindi niya iyon tinatanggihan. I wonder if he eat all the chocolates, when he's leaving alone. I bet he has diabetes already. "Sit here and eat." Umupo ako sa tabi niya. I noticed he ordered a lot. But the only food that was served on his plate is just a chicken burger. The rest of the food was served on me.  "Uhh, iyan lang ang kakainin mo?" "Yes." "Why do you care? Can you just eat?" I frowned. Sa halip na magsalita, kinuha ko ang burger at pizza at inilagay sa harapan niya. Kahit labag sa loob, nagi-guilty ako na chicken burger lang ang kakainin niya when in fact siya ang gumastos para sa mga pagkaing ito. "I'm letting you eat because I heard wala kang allowance last month. You have the nerve to cut classes again, huh?" "Ganoon? Kaya mo ba ako pinapakain kasi nagi-guilty ka na wala akong allowance? Remember you told Kuya Hexel that I ditch my classes. At ang walanghiya kong kuya, sinabi kay Daddy." "That's why you should eat these before I changed my mind. I'm not guilty. I'm doing this because this is for your own good." I smiled at him and an idea popped in my mind. "Then, if papakainin mo ako next time, pwedeng i-cash mo na lang? May item lang ako na kailangang bilhin-- "I'm going to add several items to answer. Kapag hindi mo iyon nasagot, you're gonna lose this month's allowance," he said while flipping his book. Humigpit ang hawak ko sa tinidor. I swear, I can never be friends with this idiot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD