Chapter 3

1731 Words
Nakabusangot si Ezekiel nang sulyapan ko. Magkasalubong ang kilay nito at tila pasan ang daigdig. "Talo ka na naman?" I gently asked. Kapag ganito ang expression ng pinsan ko, dalawa lamang ang dahilan. It’s either natalo ito sa paglalaro o hindi kaya ay nabasted ng nililigawan. Ezekiel’s personality is easy to read. Bagamat isip bata, mabait si Ezekiel at sadyang maalaga kahit balasubas minsan. "Huwag mo akong simulan, Coleen,” suplado nitong tugon. “Sungit mo naman, hindi ka naman gwapo,” pang-aalaska ko. Tiningnan niya ako ng masama kaya humalakhak ako. Dahil wala ng klase si Ezekiel, hinintay na niyang makatapos ang klase ko. May isa pa akong klase mamayang alas singko at alas tres pa lang naman ng hapon ngayon. Naiisipan kong yayain si Ezekiel para magpalipas ng oras. “Will you stop? Wala ako sa mood makipagbiruan sa’yo,” banta niya. Umasim naman ang mukha ko. Hindi ko talaga siya mabiro. “Gusto mo maglaro ulit tayo?” alok ko. “I don’t want to.” “Maaga pa naman. Malay mo makabawi ka?” “I said no!” I smiled. Pabebe talaga. Konti na lang kalabit, mayayaya ko na ‘to. “Kakain muna tayo ng meryenda bago tayo maglaro. Tapos libre ko. Sama ka?” Nakita kong pinipilit niyang huwag itago ang ngiti. Humalakhak ako ng malakas. “Siraulo ka talaga. Isa kang marupokpok.” “Don’t you dare take that words back!” He said while smiling. I smiled. Napailing ako. Sadyang mababaw ang kaligayahan ng pinsan ko. I’m grateful I have my allowance this month. Pinili namin na kumain sa isang fast-food chain na malapit sa university. Kakaunti lang ang tao nang oras na iyon kaya malaya kaming nakapili ng upuan. “So what happened last Friday?” tanong niya nang makaupo kami. “Diba ang sabi mo sa akin nagpunta ka sa condo unit ni Xeus para magpa-tutor?” Umasim ang mukha ko. Iyon talaga ang gusto niyang pag-usapan? Nakakawalang gana. “Well.. we just studied.. that’s all. Tapos kumain.” “Iyon lang? Para-paraan talaga ang kumag na ‘yun,” sabi niyang habang ikinukumpas ang kamay habang nagpapaliwanag. “That bastard? May gusto iyon sa’yo, sigurado ako.” Naibuga ko ang iniinom dahil sa sinabi ng pinsan ko. Nasamid na ako ng tuluyan dahil pumasok na ang likido sa may ilong ko. Nagmamadali akong inabutan ni Ezekiel ng tissue. “May gusto sa akin? Si Xeus? May ubo ka ba sa utak?” Naiiling kong tugon. “At alam mo namang may girlfriend iyon tao. Gumagawa ka ng issue.” Mas lumapit pa siya sa akin at parang tsismosong magbibigay ng scoop. “Coleen, makinig ka sa pinsan mo. Lalaki ako at alam ko ang mga galawan ng mga lalaki. Kapag masyadong protective sa’yo, ang dahilan lang noon, may gusto iyon sa’yo.” “Huh? Gusto kaagad? Hindi mo ba alam na kaibigan niya ang kuya ko? Natural lahat ng galaw ko, irereport nun kay Kuya. Gusto ka dyan! Maghunos dili ka nga?” Pakiramdam ko ay nawalan na ako ng ganang kumain. The idea of Xeus liking me made me cringe. Alam kong iniisip ni Ezekiel na masyadong protective si Xeus sa akin at madalas ako nitong pagsabihan, pero kailanman ay hindi pumasok sa isip ko na magugustuhan ako ni Xeus sa ibang paraan. I don’t know what I should call the relationship we have now, but I’m fine with it. Kung madalas niya akong pag-initan, aminado akong kasalanan ko iyon. Hindi naman niya ako pagagalitan kung wala akong ginagawang mali. “Are you sure? May girlfriend iyon si Xeus pero hindi mo naman alam ang takbo ng utak noon. What if he has a girlfriend just to cover the fact that he likes you? Malay mo hindi niya maaamin sa’yo ang nararamdaman niya dahil baka mas lalo mo siyang layuan--- Aray!” I smacked his head so that he’ll stop spouting non-sense. “Ubusin mo na nga ang pagkain mo. Halatang nalilipasan ka ng gutom, Zeke. Hinahangin na ang utak mo.” “I’m just stating my opinion, bakit kailangang may sapok?” bulong bulong niya. Bandang alas kwatro ay dumiretso sa computer shop na malapit sa university. Maraming estudyante ang nasa loob. Normal na scenario ang maingay dahil sa mga naglalaro. “Uy, pre bumalik ka. Sakto, kailangan namin ng kakampi,” I saw Albert removed his headphones when he saw us. “Okay, kasama ko si Coleen,” Ezekiel said. Albert smiled at saka ako tinanguaan. “Boss, paopen ng dalawang PC!” sigaw ni Albert sa tagabantay ng computer shop. Maganda ang takbo ng laro namin. Umayos na rin ang mood ni Ezekiel at kapag nililingon ko ay halatang windang na windang sa nilalaro. At dahil sa nahumaling na rin ako, hindi ko na namalayan ang oras. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong alas sais na ng hapon. Oh my gosh! Mayroon akong quiz ngayon! “Ezekiel, siraulo ka! Alas sais na! May quiz ako ngayon!” nagmamadali kong pinatay ang computer habang inaayos ang gamit. “Huh?! Bakit hindi mo sinabi?! Akala ko naman kaya mo ako niyaya na maglaro eh dahil wala ka ng klase!” I glared at him as I pay at the counter. Hindi ko na hinintay na makapagsalita si Ezekiel dahil kumaripas ako ng takbo palabas. s**t! Ang layo pa naman ng building namin dito! Alam kong hindi na ako aabot dahil lagpas alas singko na subalit hindi ako nawawalan ng pag-asa. Baka naman pwede kong mapakiusapan ang professor ko. Kailangan kong magmakaawa dahil grades ko ang kawawa. Hingal na hingal ako nang makarating sa building. Subalit hindi pa man ako nakakalapit sa classroom ay nakita kong kausap ni Xeus ang professor ko sa labas ng classroom. Bumaling ang tingin ni Xeus sa akin bago ito bumaling sa professor. Nagtago na lamang ako sa pader dahil sa paghigit ng hininga. Napagod ako sa pagtakbo and now, nakita ko si Xeus na kausap ang professor ko. Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko sa kaba. Whoah, you are so damn dead, Coleen. Ilang sandali pa ay nakita ko ang anino ni Xeus. Nanlilisik ang mga mata nito sa akin at tila alam kong alam na niya ang dahilan ko kung bakit ako nalate sa klase: kakacomputer. What a dumb way to die. “Follow me,” malamig ang pagkakasabi niya ng salitang iyon. Animo’y hinipan ako ng hangin mula sa South Korea. Malamang ay sisigawan niya ako mamaya sa opisina dahil nasa hallway kami. Para akong asong bahag ang buntot na sumunod sa kanya. Mas okay pa iyong outburst niya kesa iyong pagtahimik niya kapag nagagalit. “You have exams today and you dare to ditch your class again just to play computer games?!” Kinilabutan ako sa panimula niya pagkapasok namin sa opisina niya. “Para saan pa ang pagtuturo ko sa’yo kung hindi ka rin papasok sa araw ng exams mo?” “Hindi ko lang naman namalayan ang oras.” “Is that an excuse? Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin natututo? For Pete’s sake, college ka na, Coleen! You are not a child anymore na kailangang sabihan kung ano ang dapat mong gawin!” Nagpantig ang tenga ko sa narinig. “At anong pakialam mong sabihan ako kung ano ang dapat kong gawin? Sa iyo na mismo nanggaling! Hindi na ako bata at hindi mo na ako dapat dinidiktahan sa ginagawa ko. Ano ngayon kung lumiban ako sa klase ko? May mawawala ba sa’yo?” “Then, tell me. Are you planning on doing that for the rest of your life? I’m doing this because I am helping you. May mawawala ba sa’yo kapag nakinig ka sa akin?” Hindi ako nakaimik. Mayroon naman siyang punto, hindi ko maikakaila iyon. Alam ko namang marami akong maling desisyon sa buhay, I just don’t want someone looking at my bad decisions. Especially him. Hindi naman niya malalaman ang nararamdaman ko dahil matalino siya at hinahangaan ng marami. On the other hand, I love freedom. Ayokong dinidiktahan ako sa ginagawa ko sa buhay. Kung mali man ang desisyon ko, I make sure to bear the consequences. “May napapala ka ba kapag pinag-iinitan mo ako? I am not your daughter, Xeus. So stop trying to fit me on your standards. Hindi ako kagaya mo,” I answered back. Napahilamos siya sa mukha. Matagal tagal na simula noong huli kaming nagtalo. Most are simple arguments. Hindi rin naman kami iyong tipo na nagbabati pagkatapos naming mag-away. It’s just that, arguments are natural between us. “I’m just looking out for you. Do you just want me to just let this pass and do nothing? I have the right to discipline you.” Matalim niyang tugon bago napahilamos sa mukha. “Brace yourself. You’ll hear from your father that you’re grounded.” “Sasabihin mo kay Papa?” Kinabahan ako doon. Hindi magandang magalit ang ama ko. Bukod sa may tendency itong mambato ng kung anong makita, matindi siyang magalit at hindi kaagad iyon humuhupa. “Why, can you give me enough reason why I should not tell this to your father?” Napakagat ako sa labi. Hinding hindi siya magpapatalo sa diskusyon. Alam kong ang huling card niya ay ang sabihin kay Daddy ang lahat ng kalokohan ko. At alam niyang iyon ang kahinaan ko. “I....” Napatungo ako. Wala na akong ibang maisip. Bukod sa galit din siya dahil sa paraan ng pagsagot ko kanina, alam kong hindi siya basta basta madadala sa sasabihin ko. He’ll tell it to my Dad so I will not do this nonsense again. “I’m sorry.. Nawili lang talaga ako sa paglalaro ko. I promise, I won’t do this again..” Malungkot akong tumungo. Sana lang bumenta sa kanya ang pagso-sorry ko.. Please. Please.. “I’ll let this pass..” Nagliwanag ang mga mata ko sa narinig. Tumunghay ako pero nananatiling seryoso ang mga titig niya sa akin. “Is that what you’re expecting me to say?” I saw him smirked. “Say goodbye to your allowance this week, Coleen. I’m telling this to your father.” Tangina talaga. Lumukot ang mukha ko sa narinig. I know why I always hate this man. He’s a cruel bastard who always want me to suffer. I cursed silently. Kapag may pagkakataon na makaganti ako sa kanya, hinding-hindi ko iyon pakakawalan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD