Chapter 5

1961 Words
Chapter 5 Maagang nagising si Aicka ng sumunod na araw. She have to go to work early dahil na rin sa hindi siya nakapasok kahapon, her boss called about a new project kaya kailangan niyang maging maagap sa trabaho ng araw na iyon. She just took a bath, wore her signature dress and a coat then she's good to go. She's already on the way ng makaramdam siya ng gutom. Tinignan niya ang oras sa kaniyang cellphone at nakita niyang maaga pa naman. Mayroon pa siyang halos thirty minutes para sa eight am appointment niya with her boss kaya naisipan niyang dumaan muna sa shop ni Nikki. Nang makarating sa Sweet Corner ay kaagad naman siyang inasikaso. Nikki owns the coffee shop pero may malaking ambag din silang magkakaibigan dito bilang investor, ganoon na rin sa Majestic weddings kaya naman boss din sila kung ituring ng mga empleyado nito. "May i take your order Ma'am?" the assigned crew asked. "One Iced Americano and two pieces of cheese pancakes." nakangiting sabi niya.Tumango naman ang crew at inilista ang order niya. "Would that be all ma'am?" tanong pa nito kaya naman tumango rin siya. "Okay so i will repeat your order, and that is one Iced Americano and two pieces of cheese pancakes." "Yup!" "Okay your order will be serve in a couple of minutes. Thank you ma'am!" tinanguan nalang niya ang crew at nilibang ang sarili habang hinihintay ang order niya. She took out her phone and check her social media accounts, maya-maya pa ay dumating na ang order niya. She ate silently hanggang sa maramdaman niyang may nakatayo sa gilid ng kinalalagyan niyang table. "Is this seat taken?" Muntikan niyang mabitawan ang hawak na tinidor ng makita kung sino ang kaharap ngayon. "C-Clein.." "Nagulat ba kita?" nakangiting tanong nito. Kaagad naman siyang umiling at sinenyasan itong maupo. May dala na itong kape at nakasuot na rin ng corporate attire, mukhang papasok na rin ito sa opisina. Nagtama ang paningin nila ng makaupo ito kaya naman nag-iwas kaagad siya ng tingin. She felt awkward. It's been weeks since the last time they talked. Hindi niya alam kung paano itong pakikiharapan pagkatapos ng mga nangyari. "Kamusta?" pagbasag nito sa katahimikan. "A-Ayos naman. Dumaan lang ako r-rito para mag breakfast, papasok na rin ako sa w-work!" she answered and want to curse herself. 'Bwisit bakit ba nauutal ako?' Narinig niya ang pagbuntong hininga nito pero nanatili siyang nakayuko at pinaglalaruan ang pancake sa plato niya. Hindi niya alam kung tama ba itong nararamdaman niya, she felt like this will be the last time she's going to see him. "Aicka we need to talk!" "I know, and this time i want the whole truth Clein!" lakas loob na sabi ni Aicka. Totoo iyon, gusto na niyang malaman ang totoong nararamdaman nito. Kung may aasahan pa siya dito? Definitely wala na. Wala na siyang aasahan dahil magpapakasal na ito at si Ria. Unless Clein choose and escape with her so they can be together again. Pero kilala niya ang binata, hindi nito kayang talikuran ang obligasyon sa pamilya. Clein is a responsible man, kaya nasisiguro niyang hindi siya kasama sa mga plano nito. "I'm sorry!" iyon palang ang mga katagang lumabas sa bibig nito pero ganoon nalang ang sakit na naidulot noon sa kaniya. It's like her heart was being ripped apart. Tumitig ito sa mga mata niya. Puno ng emosyon ang mga titig nito pero kahit isa sa mga emosyong yon ay di malinaw sa kaniya. "I'm sorry but i'm choosing Ria, i'm sorry but we have to end this relationship. Ayokong saktan ang pamilya ko at ang kapatid mo, and i know na hindi mo rin gustong masira sa kanila. Kaya ngayon palang tapusin na natin toh Aicka!" his words were like a knife, paulit-ulit yong bumabaon sa puso ni Aicka na halos mamanhid na ang pakiramdam niya sa sobrang sakit. She can't even speak. It took her minutes before she finally get her strength back. Huminga siya ng malalim at blangko ang ekspresyon na tumitig sa binata. Masakit para sa kaniya na hanggang dito nalang sila ni Clein but she think that maybe they'll be better this way. Pagod na rin siyang ipagsiksikan ang sarili dito, pagod na siyang magmahal sa taong hindi kayang pantayan ang nararamdaman niya. "You're right, we better end this. Ayoko rin magalit sakin ang pamilya ko lalo na si Ria. Isa pa i had enough of this relationship, it's toxic hahaha!" nilangkapan niya pa ng matabang na pagtawa ang huling sinabi. Clein look at her with pity, and she hate it so much kaya mabilis siyang tumayo at kinuha ang bag niya. "Nice talking to you Clein. I have to go!" she said and even smiled before leaving the shop. Malalaki ang hakbang niya habang papalapit sa nakaparada niyang sasakyan. Habang nagmamaneho papunta sa kaniyang opisina ay hindi na maampat ang mga luha niya. She's so damn hurt. Parang gusto na rin niyang ibangga ang sinasakyan niya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. She want the pain to stop, she want to be away and just forget about everything. Pinilit niyang mag-concentrate sa trabaho ng araw na yon pero hindi nakaligtas sa boss niya ang pagiging tulala at wala sa focus niya. "I think you need to leave!" "Ma'am?" she asked. "I mean a vacation leave. You need it, you're not in good shape Ms. Tenorio. Malaki ang magiging epekto ng behavior mo sa performance mo sa trabaho, and you know how much i hate it." nakataas ang kilay na saad ni Mrs. Enriquez. Her boss. "I'm sorry Ma'am." "I need you in this company Ms. Tenorio. Pero ayokong magkaroon ng empleyadong laging wala sa sarili, you should go on a vacation to clear what's bugging you. Don't worry it's just a vacation, hindi naman kita tatanggalin. I just want my favorite Director to get back on her senses, and you're not on it as of now!" Tumango nalang si Aicka at hindi na umangal pa. Mukhang kailangan niya rin nga ang bakasyon sa ngayon. Maaga siyang umuwi ng araw na iyon. Iniutos nalang rin niya sa kaniyang secretary ang tungkol sa vacation leave letter niya. She went straight to her condo and spend the whole night crying her pain. Nakatulugan na nga niya ang pag iyak kaya kinabukasan ay mugto ang mga mata niya. Pero imbis na pagtuunan ng pansin ang mga mata ay inasikaso nalang niya ang mga bagaheng dadalhin. Nang mismong araw ding iyon ang alis niya papunta sa Palawan. Wala siyang pinagsabihan tungkol sa bakasyon niya, kahit ang secretary niya ay hindi alam ang destinasyon niya. She wants to be alone, a peace of mind at hindi makakatulong na may makaalam ng pupuntahan niya. At exact 12 pm ay nasa airport na siya. Wearing a simple white crop top, a denim high waist, brown anklet boots and her sunglasses kasama ang maleta niyang gucci ay tinahak ni Aicka ang daan patungo sa eroplanong sasakyan niya. She's really not aware of the surrounding, ang tumatakbo lang sa isip niya ay ang makaalis na kaagad sa magulong siyudad na kinaroroonan niya. Kaya hindi niya napansin ang lalaking nabunggo niya. "My apologies!" she said. "Babe!" That voice is quiet familiar. She took off her glasses para lang bumulaga sa kaniya ang nakangiting si Corvette. "YOU!!" she blurted out. Nakaturo pa dito ang hintuturo niya. "The one and only, Babe. Miss me?" nakangising sagot nito at akmang hahalikan pa siya sa pisngi ng ambahan niya ito ng suntok. Kaagad naman itong nakaiwas at hinawakan ang kamao niya. "Woah haha, so Violent Babe." "What are you doing here?" she asked. Starting to get pissed with his guts. "Ano bang dapat gawin sa Airport babe?" balik tanong nito. She rolled her eyes. "Wag mo nga akong pilosopohin, and please stop calling me Babe. I'm not your babe." "Not yet, but sooner you'll be!" "That won't happen, even in your dreams. Jerk!!" she hissed and walk out. Binilisan niya ang paglakad palayo dito. Ayaw na niyang makausap ang lalaki, nabubwisit siya dito sa hindi niya malamang dahilan. Isama pang nahihilo siya at mas lalo yatang lumala yon ng makausap niya ang binata. "See you later Babe!" pahabol na sigaw ni Corvette pero di na niya ito nilingon pa. Ilang sandali pa siyang naghintay bago makasakay sa eroplano. Buong biyahe naman ay natulog lang siya because she thinks she need it. After hours of her flight ay lumapag ang eroplano sa Airport ng Palawan. She took a cab and it took her thirty minutes bago niya marating ang pier. Naroon ang yateng maghahatid sa kaniya sa Isla Azul, her vacation destination. Habang nasa biyahe sa yate ay lumala ang hilong nararamdaman niya. She want to throw up pero walang kahit anong lumalabas sa bibig niya kaya pinili nalang niyang tumambay sa deck para makalanghap ng sariwang hangin. Tingin niya ay nanibago lang siya sa layo ng byahe kaya bigla siyang nakaramdam ng hilo. After an hour ay nakadaong na ang yate sa Isla Azul. Hindi gaya ng ibang kilalang isla sa Palawan, ang Isla Azul ay hindi pa gaanong dayuhin ng mga turista. And for Aicka its a good place to relax. Peaceful and the view was literally breath taking. Napangiti na siya at bigla ay gumaan ang loob niya. Nature is indeed a help lalo na sa mga taong kagaya niya. Ilang sandali pa niyang nilibot ang tingin sa paligid at kapagkuwan ay tumungo na siya sa hotel na naroon. Nakangiting bumungad sa kaniya ang receptionist sa front desk. "Yes Ma'am, Welcome to Hotel Azul. How can i help you?" "I have a reservation in one of your cabin's near the beach. The names Aicka Tenorio!" she answered with a smile. "Oh just wait a sec Ma'am!" sagot ng receptionist at sinimulang magtipa sa computer na naroon. She look at the hotel lobby as she waits. May mangilan-ngilang foreign tourists at mga pilipino rin ang naroon. Malinis at very beach type ang itsura ng buong lobby. Kahit sino ang mapaparoon ay mafifeel talaga ang summer vibe ng lugar. Her eyes landed on the entrance at talagang nagsalubong ang mga kilay niya ng makita na naman ang nakakainis na lalaking iyon. 'What the hell! Ano na namang ginagawa niya dito? Is he following me?' Nakangiting lumapit ito sa kaniya pero bago pa man ito makapagsalita ay inunahan na niya ito. "Sinusundan mo ba ako?" mataray na tanong niya. Mukhang nabigla ito sa sinabi niya pero kaagad ding bumalik ang nakakainis na ngisi nito. "No, why would I babe?" sagot nito. "Wag ka na ngang magpalusot, huling huli kana e. Kanina sa airport, ngayon dito sa Isla— Ano ba talagang gusto mo sakin?" hindi niya maiwasang pagtaasan ito ng boses. Nakuha na rin nila ang atensiyon ng ibang nasa lobby pero wala siyang pakialam. Gusto niyang iparamdam sa binata na sagad sa buto ang pagkainis niya dito. "Ikaw. Ikaw ang gusto ko!" nakangiting sagot nito. "Gago, wag ako! If you want to get into my pants again sorry... because there's no way in hell i will let you get in again! Go f**k yourself, f**k boy!!" inis na talagang sigaw niya. Hindi nakasagot si Corvette. Nakatingin lang ito sa kaniya, bahagyang nanlalaki ang mga mata at nakabukas ang bibig. He look shocked and amazed at the same time. Eksakto namang ibinigay na ng receptionist ang susi ng Cabin niya kaya kinuha na niya ito at muling iniwan si Corvette. Nagpupuyos pa rin ang dibdib niya sa galit. Naiirita talaga siya sa lalaking iyon sa di niya maipaliwanag na dahilan. 'Oh damn that man, gusto ko talaga siyang pagsusuntukin grrrr~' She reach her cabin. Padaskol niyang sinara ang pinto at napasandal doon. 'Looks like this vacation isn't so peaceful as i expect.' _________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD