Chapter 6

2112 Words
Chapter 6 Dinner na ng lumabas si Aicka sa Cabin niya. She's starving at natatakam siyang kumain ng steak kaya kaagad siyang pumunta sa restaurant na naroon sa hotel. She's wearing a maxi dress and underneath it is a two piece red bikini. Balak rin niyang mag night swimming bago matulog. Malapit lang ang Cabin niya sa hotel kaya nilakad nalang niya iyon. Sa di kalayuan sa hotel ay isang party. Para iyong bar na nasa gilid ng beach. May nagsasayawan, mayroon ring DJ at mayroon ring bone fire sa gitna. Naingganyo si Aicka na pumaroon pero naisip muna niyang lamanan ang sikmura. Hindi makakabuti sa kaniya ang uminom ng walang kinain kaya nagtuloy siya sa restaurant. She settled at a table for two. Lumapit naman sa kaniya ang waiter at kinuha ang order niya. "Steak, well done and red wine." sagot niya. Tumango ang waiter at iniwan na siya. Habang hinihintay ang order ay nahulog na naman siya sa malalim na pag iisip. Wala na sila ni Clein. This time ay totoo na iyon. Pinili nito ang kapatid niya and she should be thankful dahil hindi mapupunta sa kung sino lang ang kaisa-isang lalaking pinag-alayan niya ng lahat sa kaniya. Pero hindi. Hindi niya magawang magpasalamat o maging masaya. She's still grieving for her love that is not fulfilled. Naroon ang sakit at panghihinayang sa kaniyang dibdib. Ang lungkot at galit kay Clein dahil hindi siya nito nagawang ipaglaban. Na hanggang sa huli ng kanilang relasyon ay nanatili siyang nakatago at lihim....mananatiling lihim na lamang. Pero ano nga bang magagawa ng mga nararamdamang iyon sa kaniya? Naroon ang ipahamak siya nito, ang kamuhian at husgahan siya ng buong angkan at nakakakilala sa kaniya. Mali na pumatol siya sa kasintahan ng kapatid, mali na ipaglaban niya ang bawal na ugnayang iyon. She sighed heavily. Mabuti na rin siguro na pansamantala siyang mawala sa landas ng mga ito. Avoiding the reality is her escape. "That was deep!" Naiikot nalang ni Aicka ang mga mata. Kahit hindi na niya lingunin alam niyang si Corvette iyon. Umupo ito sa kaharap na silya niya. Sumenyas ito sa waiter at nag-order na rin. "Ano bang ginagawa mo dito?" she asked ng makaalis ang waiter. Pinipilit niyang wag itong sigawan dahil wala naman itong ginagawang masama sa kaniya— aside from the fact that she really hates his presence. Iyon palang ay sapat na para kumulo ang dugo niya dito. Eversince she saw him at their family party ay hindi na nawala ang inis niya dito. Gwapo at talagang malakas ang dating ng binata lalo na ng berde nitong mga mata but that doesn't lessen her burning hatred to this guy. "Kakain!" there he goes again with that pathetic answer. "Wag mo nga akong gawing tanga. You know what i mean!" she hissed. Hindi na niya mapigilan, napipika na talaga siya. Mukhang nakuha naman nito ang ibig niyang iparating. He sighed and look at her sincerely. "Look, hindi kita sinusundan if that's what you're thinking. Nataon lang na ako ang may ari ng resort at narito ako para sa monthly visit ko. I own the place, i came here for work. Is my reason enough now?!" malumanay na paliwanag nito. Lahat ng dapat sabihin ay naipon na sa lalamunan niya. Aicka felt ashame. Nahihiya siya sa kung ano anong bagay na ibinintang nya sa lalaki. Hindi naman pala talaga sya ang pakay nito. 'Mukhang sumobra yata ako sa pagiging ambisyosa, kakahiya ka girl!' "S-Sorry!" tanging nasabi niya. Ngumiti naman si Corvette. His usual boyish grin. "It's okay." Hindi na nakapagsalita pa si Aicka dahil dumating na rin ang order nila. They ate in silence. Tila nagpapakiramdaman sa kung sino ang unang magbubukas ng pag uusapan. "Now it's my turn to ask." pag basag ni Corvette pagkaraan ng ilang sandali. "Why are you here?" Ayaw niyang malaman nito ang dahilan pero kusang lumabas sa kaniyang bibig ang katotohanan. "Clein and I finally broke up. I want to forget everything that's why i'm here!" Ilang sandali itong tumitig sa kaniya bago nagsalita. His lips remain unmove but his green eyes show a glint of happiness na hindi niya alam kung para saan. Corvette leaned forward to her. "Then let me!" Her forehead creased. Hindi niya rin maiwasang mapalunok. Inis siya sa lalaki pero di naman siya immortal para di maapektuhan sa charm na meron ito. "L-Let you what?" bahagya pang nautal si Aicka. "Companion. You need someone like me to forget everything... easily." Napatanga siya dito. She can't believe she's hearing things like this. Coming from Corvette— kung ang itsura nito ang pagbabasehan hindi ito mukhang nagcocommit sa kahit na kanino. "You're kidding me right?" ng makabawi sa pagkagulat ay nasabi niya. "No. I'm serious." mababakas sa tono at ekspresiyon ng mukha nito ang totoo. He's indeed serious. Hindi na napigilan ni Aicka. Tuluyan na niyang inilabas ang pinipigil na tawa. She laughed so hard dahil hindi niya mapaniwalaan ang sinasabi ng kaharap. "Anong nakakatawa sa sinabi ko?" may kasamang inis na tanong nito. "Sorry nakakatawa ka kasi eh hahahaha, you..." tinuro niya ito. "Are volunteering yourself as my companion for this whole vacation, you must be out of your mind!" nagpatuloy siya sa pagtawa habang sinasabi ang mga iyon kay Corvette. "Hindi ako nagbibiro, i really wanna be with you Aicka!" that stop her. Natigilan siya at napatingin sa mga berde nitong mata. The sincereness is there and it's melting something inside her heart. The atmosphere got heavy. Aicka didn't know what to say anymore pero mukhang hinihintay ni Corvette ang sagot niya kaya agad din siyang nagsalita. "Hindi ko kailangan ng kasama Corvette. Kaya ko ang sarili ko. I came here dahil gusto ko mapag-isa. I want to move on by myself, sana maintindihan mo yon!" she said. Hindi na nakasagot si Corvette kaya pinili nalang niya ang umalis. Dahil sa naging usapan nila ni Corvette ay lalong gumulo ang isip ni Aicka. She know na hindi siya patutulugin ng mga isiping iyon kaya pumunta nalang siya sa beach party na nakita niya. She drink and dance to her hearts full content. Idinaan niya sa sayaw at pag inom ang lahat ng sakit at kaguluhan sa isip at puso niya. Sakit na mula kay Clein at kaguluhan na naidudulot ni Corvette sa buong sistema niya. Ang presensiya nito, ang mga salita na nagmumula sa mga labi nito, at ang mga mata nitong palaging nagpapakita ng tunay nitong saloobin.. Lahat iyon ay nagbibigay ng kaguluhan sa damdamin niya. She admit na gwapo at talaga namang attractive ito pero dapat ay hanggang doon lang... Pero ano itong nararamdaman niya. Parang gusto niyang magpa-angkin dito sa lahat ng aspeto. 'At mali iyon dahil alam kong mahal ko pa si Clein.' Napasadlak si Aicka sa isang lazy boy na naroon. Naparami na ang inom niya at talagang umiikot na ang paningin niya but she still wanna have some fun. "Hey sweetheart are you okay?" boses ng isang lalaki na umupo sa tabi niya. Her eyes were half opened, pilit niyang inaninag ang mukha nito. Gwapo ang lalaki. Bahagyang nakabukas ang ilang butones ng polo nito sa dibdib at mula roon ay sumisilip ang ilang pinong balahibo nito. His five am shadow give more appeal to his gorgeous face. Pero may kulang.. Ang mga titig nito ay walang hatid na init sa kaniya. 'Hindi kagaya ni Corvette... wait what? Bat ko ba naisip bigla ang lalaking iyon? Erase, erase!' "Y-Yeah.. i guess!" binuntutan niya pa ng hagikhik ang sagot niyang iyon. The guy leaned closer to her ear. "Wanna go somewhere?" bulong nito na bahagya pang kinagat ang punong tainga niya. Napaatras siya dahil sa ginawa nito. Aicka still know what is happening kahit pa may inpluwensiya na ng alak ang katawan niya. She can't help but feel humilliated. Kaagad na dumapo ang kamay niya sa pisngi ng lalaki. She slap him hard. Nanlisik ang mga matang tumingin ito sa kaniya. "b***h! He was about to grab her wirst when that baritone voice came to the scene. "Touch her or i'll kill you!" "Corvette!! Parang nakakita ng tagapag-tanggol si Aicka ng mga oras na iyon. She run and stood behind him like a scared lamb. Nakita niyang nakipag sukatan pa ng tingin ang lalaking nambastos sa kaniya kay Corvette. His eyes landed on his right arm kaya sinundan iyon ni Aicka. A tattoo. Nagpabalik-balik ang tingin niya kay Corvette at sa tattoo na nasa braso nito. Ngayon niya lang kasi nakita ang tattoo na iyon. After what happened to them that night, hindi na niya hinyaang maabutan siya nito sa kama. She immediately left without a goodbye. Lasing rin siya ng mga panahon na iyon kaya hindi na niya nagawa pang sauluhin ang katawan ng binata. And by just thinking of what had happened to her and Corvette before, her body started to feel hot. 'Jesus Christ, dito ba talaga?Ngayon pa bang mukhang mapapaaway ang binata dahil sa kaniya. Nagkakainitan na ang dalawang lalaki sa harap niya pero siya ay nakuha pang mag init sa ibang bagay. 'Gosh Aicka, you are unbelievable!' Napailing nalang siya sa mga naiisip niya at di sinasadyang natuon ang mga mata niya sa braso ni Corvette. She look at his tattoo. It's a black scorpion with tribal characters on its side. The tattoo give chills and a weird feeling to her. Sa tingin niya ay hindi basta-basta lang ang tatoo na iyon. "Corvette Wesson!" the guy finally spoke. Sa tono ng pananalita nito ay mukhang magkakilala ang dalawa. Which made her confuse and dizzy. 'Damn alcohol!' "Done investigating? Now leave dahil wala kang mapapala sakin!" Corvette said. His voice is calm yet you can sense danger in it. Hindi na narinig pa ni Aicka ang pagsagot ng lalaki dahil hinila na siya ni Corvette paalis sa party. "Bitawan mo ko!" she started fidgeting. Gusto niya pang uminom at magparty. "You drink enough, you need to rest!" kalmadong sagot ni Corvette. "No, i want more!!" parang bata na nagmamaktol ang sagot niya. Inis na bumaling sa kaniya si Corvette. Salubong ang mga kilay nito at bahagyang namumula ang mukha. He looks like he's going to explode any minute. "You want more, e hindi ka na nga makalakad ng maayos dahil sa kalasingan. Muntik ka pang mabastos, kung hindi ako dumating ano nalang kaya ang nangyari sayo?! Damn!!" galit na galit na sigaw ni Corvette. Imbes na matakot o masindak sa sigaw ng binata ay lalo lang tumindi ang atraksiyon na tumutupok kay Aicka. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ni Corvette and she feel the urge to kiss him. 'Damn, what's happening to me? Bakit bigla ay init na init ako? Is it because of the drink?' She move closer to him habang si Corvette ay salubong pa rin ang kilay na nakatingin sa kaniya. Matangkad ang binata kaya kinailangan pa niyang tumingkayad at ilagay ang mga braso niya sa batok nito. Corvette's brows furrowed even more. "What are you doing?" Sinagot niya ang tanong nito sa pamamagitan ng paghalik. She don't know what's got into her pero damang dama ni Aicka ang pagkabuhay ng init sa kaniyang buong katawan. Corvette stiffed. Hindi nito inaasahan ang ginawa ng dalaga kaya ganoon nalang ang naging reaksiyon niya. Aicka on the other hand started to move her lips. Gently sucking and nibbling Corvett's lips. Slow yet sweet. Hindi iyon ang uri ng halik na dapat niyang igawad sa binata but Aicka can't stop herself. She can feel that Corvette deserve that kind of kiss. Bagay na hindi niya nagawa kay Clein. Naguguluhan man ay hindi na siya nagpatalo sa isip. Sinunod niya ang dinidikta ng kaniyang puso at katawan ng mga oras na iyon. Bahagya namang inilayo ni Corvette ang kaniyang mga labi kay Aicka ng mabalik siya sa huwisyo. He cup her face and look straightly in her eyes. "Stop, you're torturing me. Alam kong lasing ka lang so Babe please, stop!" may hingal na sabi ni Corvette. Mukhang nagising na rin niya ang init sa katawan ng binata. "Do you really want me to stop?" she said while biting her lower lip. "Damn woman, stop or else hindi ko na pipigilan ang sarili ko! frustrated na sabi ni Corvette. Ang mga mata ay nakatutok sa labi niya. Aicka smiled. She likes what she's seeing. "Then don't stop yourself!" she teased. As if those words is the cutter to Corvette's patience. Wala ng pagpipigil na hinapit ni Corvette ang beywang ng dalaga at siniil ito sa mas mapusok at mainit na halik. He got no plans on letting this little tease run away from him tonight....or anymore rather. ____________________ And I'm back..Sorry for the long wait. Enjoooyyyy ☺️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD