Chapter 7

1747 Words
Chapter 7 Sinag ng araw ang umistorbo sa mahimbing na tulog ni Aicka. She stretch her legs and arms and even yawned. She's still sleepy pero ang masakit na pitik na iyon sa kaniyang ulo na dulot ng pag-inom ng nagdaang gabi ang pilit na gumigising sa kaniya. She had no choice but to wake up so she stood up and went to the bathroom pero nakakailang hakbang palang ng matigilan siya. 'Wait... this is not my room?' Her eyes roamed at the place. Malaki ito kung ikukumpara sa cabin niya. Para itong presidential suite sa laki at gara ng mga kasangkapan na naroon. 'Holy shit... where the f**k am i??' As if on cue ay bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon si Corvette, only wearing his gray sweatpants. Tumambad sa kaniya ang perpekto at maskulado nitong katawan. Hindi niya naiwasang pagmasdan ito. Toned biceps and chest down to his abdominal part. Dumagdag pa sa pagiging brusko nito ang tattoo na nasa braso. Kumakaway rin ang sexy v-line nito pababa sa pinaka maselang parte nito. Aicka couldn't help but bit her lip. Just remembering how big he is...'Forgive me lord, malaki kasi talaga e!' "Stop staring, you might wake it!" Doon lang natigil si Aicka sa pagpapantasya sa katawan ng kaharap. Noon niya rin naalala na dapat siyang mag freak out dahil bakit sya nasa kwarto ng binata instead na sa cabin niya. "Bakit ako nandito? Anong nangyari? Anong ginawa mo sakin??" sunod sunod na tanong niya kay Corvette but he remain quiet. He's just looking at her no scratch that, he's looking at.... "You son of a Perve, stop staring at my boobs!!" galit na galit na sigaw niya sabay takip sa dibdib niyang hakab sa suot niyang manipis na puting t-shirt. "Oh sorry!" natatawang sagot ni Corvette. Sumandal ito sa hamba ng pinto at humalukipkip. "Ayoko naman kasing maging snob, your n*****s were saying hello to me!" nakangising dugtong nito. Aicka can feel her cheeks turn red as tomatoes. Sa inis niya ay dinampot niya ang unan na naroon at ihinampas kay Corvette ng paulit-ulit. "Manyak, bastos, mapag-samantala, walang hiya--- "Woah woah stop right there.." Corvette cut her off, hawak na nito ngayon sa kabilang dulo ang unan na pinanghahampas niya. "Really? Ako? Mapag samantala?? Ganyan ka ba magpasalamat sa taong nagligtas sayo sa kapahamakan kagabi??" "Nagligtas my ass." Aicka even rolled her eyes and glared at him. Hindi niya ito paniniwalaan. Kung wala talaga itong ginawa sa kaniya, paano nito ipapaliwanag sa kaniya ang suot niya ngayon... A shirt. Ni wala siyang suot maski na panty bilang panloob. Hindi niya akalain na pagsasamantalahan din nito ang kahinaan niya, she's expecting more from him pero dahil lang sa tawag ng laman ay nabura lahat iyon. "You don't believe me don't you?" kunot noong tanong nito. "Kung wala kang ginawa sakin bakit ganito ang suot ko? Sige nga magpaliwanag ka??" Singhal niya dito. "You don't have to shout!" kalmado pero nagsimula ng dumilim ang aura ng mukha ng binata. Nakaramdam ng konting takot si Aicka pero hindi nya ipinahalata iyon kay Corvette. 'You can't tame me jerk!' "Sisigaw ako kung kailan ko gusto and you can't stop me!" sigaw niya ulit dito. Mukhang napatid na rin ang pisi ng binata kaya sa mataas na boses ay sumagot ito. "Fine! Naglasing ka kagabi at may nambastos sayo, i saved you. You were so drunk kaya dinala kita dito sa suite ko. Hindi ko na naisipang dalhin ka pa sa cabin mo cause you keep on throwing up. You throw up on your dress and even mine. Isa sa hotel personnel ang nagbihis sayo! Satisfied?" may halong sarcasmo ang tono nito sa huli pero hindi na ni Aicka inintindi iyon. For the second time ay napahiya siya sa harap ng binata dahil sa mga maling akusasyon niya rito. Ang una ay ang akalang sinusundan siya nito mula sa airport hanggang sa isla, turns out he's the one who owns the island. At ngayon, nagalit at sinabihan niya pa ito ng kung ano-ano without knowing na iniligtas at inasikaso pa siya nito ng nagdaang gabi. 'Ayan self, putak pa more.. di muna kasi inaalam e!' Nakagat niya ang pang ibabang labi. "S-Sorry..." she said pero hindi iyon pinakinggan ng binata, tumalikod na ito at iniwan siya sa kwarto. Aicka felt so guilty. Ito na nga ang nagmagandang loob sa kaniya, sinigawan niya pa. Plus the wrong accusations, the situation got worsen. Naisipan na niyang ayusin ang sarili para makalabas siya at makausap si Corvette. Inaamin niyang hindi tama ang ginawa niya at nagkamali siya dito at hindi naman siya ganon kasama para hindi manghingi ng tawad. Kahit pa inis siya sa binata he deserves an apology from her. She took a bath and wore Corvettes shirt and boxer. Pinakialaman na niya ang closet nito since hindi naman siya makakalabas ng hubo't hubad. Nasa hagdan palang ay naririnig na niya ang kaluskos sa ibaba. She found Corvette at the kitchen, cooking. Sweatpants lang at apron ang tumatakip sa katawan nito at mula sa kinatatayuan niya ay kitang kita niya ang magandang hubog ng katawan nito. Matangkad ang binata kaya naman kayang kaya nitong sakupin ang buong katawan niya kung sakaling ikulong siya sa mga bisig nito. She shook the thought at nilapitan na si Corvette na abala sa ginagawa nito. "Corvette.." mahinang tawag niya. Lumingon ito pero naroon pa rin ang malamig na tingin. He really got mad. "Why are you still here??" malamig na tugon nito. Nakagat nya ang labi, nakakatakot ang tono ng boses nito at talaga namang nauumid ang dila niya at di matuloy ang kaniyang nais sabihin. 'Gosh he's intimidating me!' "Gusto ko lang sanang-- Hindi naituloy ni Aicka ang sasabihin ng biglang umikot ang paningin niya. Napakapit sya sa counter top dahil para siyang mawawalan ng panimbang. Napansin iyon ni Corvette, napalitan ng pag-aalala ang kaninang malamig na mga tingin nito. "Hey.. are you okay?" binitawan nito ang hawak na spatula at inalalayan siya sa pag tayo. "O-Oo okay la-- muling natigilan si Aicka dahil lalong lumala ang pagka hilo niya. Naisandal niya ang ulo sa dibdib ni Corvette at doon ay nawalan na siya ng malay. _____________________ "What do you think happened to her? Is it hang over? She overdrink last night??" sunod sunod at di mapakaling tanong ni Corvette sa Resident doctor ng kaniyang isla. His friend Wesley, the doctor remain quiet for awhile. Tinitigan siya nito ng maigi na para bang pinag iisipan pa kung sasabihin ba sa kaniya ang natuklasan nito kay Aicka. "Stop the suspence Wesley, ano na? Anong result??" naiinip at naiinis na ring tanong niya. Kanina pa walang malay si Aicka mula ng maidala niya ito sa clinic ng resort niya. Mahigit isang oras na itong tulog na sobra niyang kina-aalala. He never felt so worried like this in his entire life. Tanging sa babaeng ito lang, sa babaeng unang pumukaw sa atensiyon niya. Pagkasabik na may kahalong nerbiyos ang nararamdaman ni Corvette, isinusumpa niya mismo sa mga oras na iyon na masasapak niya ng matindi ang kaibigan kapag hindi maganda ang naging balita nito sa kaniya. Bumuntong hininga muna si Wesley bago nagsalita. "The pacient's pregnant, Corvette!" Parang bomba iyon na sumabog sa harap ni Corvette. Natahimik siya at tanging mabilis na t***k ng puso niya lang ang tanging naririnig niya. 'Aicka's pregnant... at ako ang ama.' Walang pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Corvette ng mga sandaling iyon. He can even feel his eyes shed with tears. Alam niyang masiyadong advance na isipin niyang siya ang ama ng bata pero nararamdaman naman niya at nakatitiyak siyang siya na lamang ang lalaki sa buhay ni Aicka ng mga nagdaang linggo. Lihim niya itong sinusundan saan man ito magpunta. At bakit niya ginagawa iyon?? Simple lang. He love Aicka college pa lamang sila. Hindi lang siya napapansin ng dalaga dahil naka focus ang atensiyon nito kay Clein. Aicka possess the beauty that captivates his heart. She's so genuine in everything she does, bagay na talagang nagustuhan niya dito. Hindi na siguro nito natatandaan pero naging partner sila sa pag gawa ng isang school newspaper noong nasa first year sila. Napaka bait at masayahin nito. Hindi niya na rin matandaan kung paanong nakapag focus siya habang katabi ang babaeng tinitibok ng puso niya. Hindi na siguro siya matandaan nito, sino ba naman kasi ang magkakainteres sa nerd na gaya niya. While Clein enjoy's the fame, siya ay nasa sulok lang at abala sa pag aaral. He's not really the nerd type, sinubukan niya lang iyon dahil nasasawa na siya sa atensiyon na ibinibigay ng mga tao sa kaniya. Ganoon naman diba? Kapag gwapo at alam na mayaman ay tinitingala sa lipunan. For once in his life ay gusto niya ang maging nobody kaya naman ng pumasok sa college, he disguise as a nerd. Walang nakakaalam ng katayuan niya at kung sino talaga siya maliban kay Clein. They used to be the best of friends pero simula ng sumikat ito sa paaralan nila ay hindi na siya kinilala ng pinsan. Hindi naman naging big deal kay Corvette ang bagay na iyon dahil marami rin siyang naging kaibigan sa grupong lihim niyang kinabibilangan. Isa na doon si Wesley. Yes. He's a Gang member, one of the leaders. A gang with a good purpose, they fight if its urgent. Hindi sila sindikato. They build the group just for protection, connection and also bond. Isa sa dahilan ng pag sali niya ay si Aicka. He want to be a grown man who will fight for her kapag dumating ang panahon na kaya niya na itong kunin mula sa pinsan niya. Alam niya ang kalokohan ni Clein, alam niya ang pang gagago nito sa magkapatid. At hindi niya matatanggap na ang babaeng gusto niya ay masaktan lang ng napaka iresponsable niyang pinsan. "You look happy, i guess i know why!" Wesley cut his reminiscing. "You know she makes me happy eversince!" he said with those genuine smiles. "Yeah whatever lover boy.. now should i told the gang na magpapatali kana??" nakangising sabi nito. Hindi niya sinagot ang sinabi ng kaibigan instead he look at Aicka. She's still sleeping. Hindi niya alam kung paano na sila kapag nalaman ng dalaga ang kalagayan nito. Alam niyang ang pinsan niya pa rin ang gusto nito but he will change it no matter what. Lalo pa ngayon na magkaka- anak na sila. 'I will make you mine Aicka, that's not a promise... it's a fact.' _________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD