Chapter 8
"I'M PREGNANT!"
Parang sirang plaka iyon na nagpapaulit-ulit sa pandinig ni Aicka. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman ng mga oras na iyon. Mix emotions as they say. Naroon ang saya pero naroon rin ang takot.
Ilang buwan mula ngayon ay magiging ina na siya. Handa ba siya?
The baby is an unexpected blessing pero hindi naman niya pinagsisisihan ang pagdating nito. She's happy dahil may isang dahilan ang nadagdag para tuluyan niyang iahon ang sarili niya sa kamiserablehang pinagsadlakan sa kaniya ni Clein.
She look at her tummy, wala pa iyong umbok pero damang dama na niya ang buhay sa loob non. Napangiti siya. "Hi there baby, be healthy and a good baby ah. Mommy's so excited to see you!'
"Time to eat, babe!"
Kahit hindi niya lingunin alam niyang si Corvette ang nagsalita.
Corvette... the father of my child.
Napabuntong hininga nalang si Aicka. Ngayon ay lalong hindi na pwedeng umalis sa tabi niya ang binata, may karapatan na itong sundan siya dahil sa anak niya...anak nila.
Naramdaman niya ang pagtabi nito sa kaniya.
"Still thinking about my offer? You know you don't have to think twice dahil karapatan ko iyon, as the baby's father gusto kong maging parte ng buhay ng anak ko.. ayaw mo man o hindi!" naroon ang himutok sa boses nito.
"I know Corvette, it's just...
"Dahil ba kay Clein?"
Kunot noo siyang napatingin dito. Bakit naman nasali si Clein sa usapan. Wala naman itong magiging papel sa buhay niya at ng anak niya dahil hindi naman ito ang ama ng bata.
Corvette is the one who told her that she's pregnant. The baby is just two weeks old at wala ng iba pang pwedeng maging posibleng ama kundi si Corvette dahil ito lang ang huling lalaki na kaniyang nakatalik.
Sinabi nitong pananagutan ang bata, ayos lang naman iyon sa kaniya at walang kaso. Pero sa bata lang ito magkakaroon ng karapatan iyon ang gusto niyang ipaintindi dito. But Corvette wants to marry her na para sa kaniya ay hindi tama. Ayaw niyang pwersahin ito sa isang bagay na sa bandang huli ay pagsisihan nito.
She don't want a loveless marriage too at iyon ang ipapaliwanag niya dito.
"Bakit naman nasali si Clein?" naguguluhang tanong ni Aicka.
"I know you're still into him. Aicka wake up magkaka-anak na tayo at ikakasal na ang pinsan ko sa kapatid mo! Why can't you just accept that!" naroon na ang inis sa boses ni Corvette.
"I already did Corvette. Kaya nga nandito ako sa Islang to e, so i can move forward and forget him!" nauubusan ng pasensiya na sagot niya.
"Then marry me!
"Hindi madali ang gusto mo."
"Why? Dahil pa rin ba kay Clein?
"No!! she shouted
"Then what?!" he do the same.
"Dahil hindi kita mahal and i don't want a force and loveless marriage!" that's it. Nasabi niya rin ang gusto niyang iparating dito. Totoo naman iyon, wala siyang nararamdaman sa binata. Ayaw niyang ipilit ang bagay na hindi niya gusto dahil alam niyang hindi siya magiging masaya dito.
Ilang sandali itong hindi nakaimik pero talagang nagulantang si Aicka sa sinabi nito makalipas ang ilang sandali.
"Then i'll make you fall in love with me!" napatanga siya sa mga sinabing iyon ni Corvette. Nasa mata nito ang determinasyon at isang emosyon na hindi niya mapangalanan.
"Corvette..
"I like you Aicka, and i will make you fall in love with me even if it takes seducing you. Gagawin ko ang lahat mabura ko lang si Clein sa puso mo, and i will assure you it will happen. At sa oras na mangyari yon, sisiguraduhin kong ako nalang ang lalaking huli mong mamahalin!" Corvette said.
Nasa mukha nito ang kaseryosohan. His words made her speechless. Hindi niya mapaniwalaan ang mga narinig niya.
Ilang sandali pa siyang tinitigan nito bago lumabas ng kwarto. Naiwan siyang nag-iisip.
'He really want me like that?? Unbelievable!'
________________________
"f**k!!
She sigh and flush the toilet. Napatingin siya sa repleksiyon sa salamin. 'I look like hell.'
Isang linggo palang simula ng malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis niya and she feels awful everyday because of her morning sickness.
Ayon kay Wesley ay normal lang ang ganito sa mga buntis lalo na sa first trimester, but she's so close to giving up. Masiyado siyang pinahihirapan ng baby niya. She's too sensitive when it comes to food, palagi rin siyang antok which is so not her but the baby made her that way. And so the mood swings.
Sa loob rin ng isang linggo na iyon ay hindi nawala sa tabi niya si Corvette gaya nalang ngayon. Naririnig niya ang mga nagmamadaling yabag nito papunta sa kaniya.
"Babe are you okay? San masakit? Nahihilo ka ba? Let's go to Wesley!!" akma na siya nitong bibitbitin ngunit pinigilan niya. He's over reacting again. Hindi rin naman niya maiiaalis ito sa binata dahil concern ito sa dinadala niya.
Yes. Iyon ang paniniwala niya kaya nito nasabi ang mga katagang iyon sa kaniya ng huli silang magkausap ng masinsinan.
"I like you Aicka, and i will make you fall in love with me even if it takes seducing you. Gagawin ko ang lahat mabura ko lang si Clein sa puso mo, and i will assure you it will happen. At sa oras na mangyari yon, sisiguraduhin kong ako nalang ang lalaking huli mong mamahalin!"
Until now ay hindi niya makalimutan ang mga salitang iyon, even the way he stares at her as he say those words is still clear in her mind. Corvette is really something pero hindi siya magpapadala sa mga salita lang, she done it once when she believed Clein loved her. Naniwala siya sa mga pangako nito, sa huli siya lang rin ang nagdusa at ito lang ang masaya.
She's done dreaming for a prince charming, masiyado na rin siyang matanda para sa mga bagay na ganoon.
"Are you sure? Babe speak up i'm panicking!!" he is really panicking. Halata sa boses at itsura nito. Parang constipated na ewan ang mukha ng binata na ikinatutuwa niya. She find him cute and adorable kaya hindi niya napigilang pisilin ang pisngi ni Corvette.
"Haha i'm fine Corvette, wag ka ngang nerbiyoso!" she said while pinching his cheeks.
"But Babe---- Ouchh!! hindi na napigilan ni Aicka kaya kinurot niya ng madiin ang binata. Talagang ang cute nito sa paningin niya, she even want to bite his cheeks but it'll be too much for Corvette kaya magtitiyaga nalang siya sa pakurot-kurot sa pisngi nito.
"Sorry!! she even do a peace sign. Napailing nalang ang binata at niyakag na siya palabas ng banyo.
Corvette sleeps in her Cabin since he knew that she was pregnant, pero hindi sa kwarto niya. He sleeps at the matress na ipinuwesto nito sa malawak na living area ng kaniyang Cabin. Hindi niya gusto ang ideya na nasa iisang bubong sila but Corvette insist. Wala na rin siyang nagawa ng maglipat na ito ng bagahe sa cabin niya. And who is she to turn down the owner of the island... and also the father of her child.
Kung iba ang tatanungin ay suwerte na siya dahil narito ang lalaking nakabuntis sa kaniya at handa siyang panagutan. If Corvette was a man without a balls baka tinakbuhan na nito ang responsibilidad sa kaniya— but he's not that kind.
They reached the balcony naroon na ang breakfast na inihanda ni Corvette para sa kanila. One thing about Corvette is he's a good cook. Papasa na nga itong chef kung siya ang tatanungin.
Inalalayan siya nitong makaupo at parang prinsesa na pinagsilbihan. Kikiligin na sana siya kung di niya lang alam na lahat ng pag-aalaga na ginagawa nito sa kaniya ay para lang sa anak nila. That bursted her bubble.
"Try this cheese waffle, it's my own recipe at sa iyo ko palang ito ipatitikim Babe!" nakangiti at puno ng excitement ang mukha ni Corvette habang hinihiwa sa maliliit na piraso ang cheese waffle na inilagay nito sa plato niya. She can't help but stare at him.
Napaka gwapo pala talaga ng binata. His thick brows matches his aristocratic nose. His square jaw made him look dominant and powerful. Walang makakapagsabi na nasa personalidad din nito ang pagiging pilyo.
Lumalabas lang iyon sa tuwing magsasalita ito sa harap niya at ngingiti na parang dalawa ang ibig sabihin. Added to his appeal is that he's tall and brooding. Well built body and toned muscles were at the right places. At hindi niya maiwasang mapalunok.
Tanging faded na tight maong jeans lang ang suot nito at ka-face to face niya ngayon ang toned chest nito. His hair was messy and she could smell his natural manly scent. That wake something inside her. Lihim niyang pinasadahan ng tingin ang katawan nito.
Napalunok siya ng makita ang nag iigtingang ugat sa biceps at kamay nito. The sweat that is coming from the side of his head down to his neck added more appeal to the sight.
Aicka never felt something like this before. Bigla ay init na init siya sa pagkakatitig palang sa katawan ng binata. 'And it's not freaking normal!'
"Nakikinig ka ba?"
"Ha??" bigla ay parang nagising siya sa mahabang pagkakatulog ng marinig niyang sabihin iyon ni Corvette. Nakaupo na ito sa katapat niyang silya at kunot noong nakatitig lang sa kaniya.
Napailing siya. 'Damn it Aicka, get yourself. Bakit natutulala ka diyan at parang pinagpapantasyahan mo pa yang lalaking yan? Ano ngayon ka lang nakakita ng top less? E ganyan din naman si Clein noon ah?'
'Pero mas maganda ang built ni Corvette di ba? Batak, malaki, masarap...wait anong masarap? Erase.erase.erase. Walang ganon brain, shut up!'
'Eh masarap naman talaga e, lalo yung ano.. yung nasa ibaba ahihi!'
"Gusto mo?"
"Yung nasa ibaba!!"
"What??" napapantastikuhang sabi ni Corvette.
"Ha? anong sinabi ko?" Kahit si Aicka ay naguguluhan rin sa itinatakbo ng kanilang usapan. 'Paanong di ka maguguluhan girl eh distracted ka sa katawan ni Corvette!'
Sinalubong niya ang tingin ni Corvette. Naroon na naman ang pilyo nitong mga ngiti na gumigising sa kalooban niya. 'Damn that smile!'
"W-Why are you laughing... a-ano ba kasi yung tinatanong mo?!"
Tuluyan ng natawa si Corvette. "So you didn't hear me ah. I see you were spacing out again!" nakangisi ito habang tumatango tango.
"What is it Corvette?" seryoso na niyang tanong.
"You sure you want to hear it again?" he teasingly asked.
"Yes so spill!" determinadong sagot niya. She don't want to look stupid in front of this man. Never.
He shrugged. "Okay i asked you if you want some hotdogs...and you said that, yung nasa ibaba. Haha di mo naman sinabi kaagad Babe.. hilaw na HOTDOG pala ang gusto mo!" sabi ni Corvette sabay hagalpak ng tawa.
Aicka can feel the redness of her cheeks. Gusto niyang pagsisihan na itinanonng niya pa iyon. Gusto niya ring tumakbo papasok sa loob at magkulong ulit and that's what she did. Narinig niya ang pagtawag ng tumatawang si Corvette pero hindi na niya ito nilingon.
Napasandal siya sa pinto ng kwarto ng makapasok. 'NAKAKAHIYAAA~
Gusto nalang niya matunaw sa kahihiyan. Balak na niyang magkulong sa kwarto dahil wala na siyang mukhang maihaharap pa kay Corvette. Pero tumunog ang sikmura niya. She need to eat dahil gutom na rin si Baby, but how can she face that sexy man outside named Corvette?
Napapadyak nalang siya sa inis. Kahit ayaw niya ay wala naman siyang choice. 'Bwisit, kasalanan to ng masarap na hotdog na yon e.. Now i had to swallow my guilt and act like it didn't happened.'
Hinaplos niya ang tiyan. "Hang in there baby.. kakain si Mommy ng maraming hotdog para sayo!" bulong niya bago tuluyang lumabas ng silid at bumalik sa balkonahe.
_______________________