C H A P T E R 39 ━━━━༺❀༻━━━━ Pagkatapos namin pumunta kay Uno dahil sa check up ay kaagad na kaming umuwi sa bahay ni Zayn. Maraming pasyente si Uno at hindi lang iyon may isang pasyente pa siya na todo yumakap sa kaniya natawa na lang ako. Habang nasa shower ako at umaagos ang tubig sa katawan ko ay inaalala ko ang mga nangyari. Nakakapanlata, wala pa nga kaming taon magkakilala ni Zayn ang dami ng nangyari. Pero kahit isa doon ay wala akong pinagsisisihan. Napaigtad ko ng may yumakap sa akin mula sa likod. "Z-Zayn?" gulat kong usal. Bahagya ko pa siyang nilingon sa balikat ko, bahagya kong hininaan ang shower. Nakahubad ako lahat kaya nakaramdam ako ng hiya at takot. Bumalik sa aking ala-ala ang ginawa ni Baron, itutulak ko sana siya palayo sa akin pero hinigpitan niya ang yakap s

