C H A P T E R 3 8 ━━━━༺❀༻━━━━ "Hayop ka! Sino ka sa tingin mo ha?!" sigaw ng Ama ni Zayn sa akin, pilit niya akong inaabot habang nasa loob siya ng kulungan. Hindi ako nagsalita, blanko lang ang aking mukha. Wala akong maramdamang awa sa kanya. Sa lahat ng nalaman ko, kulang na kulang pa ang mabulok siya sa kulungan. Kung pwede lang mang-agaw ng baril sa Pulis at barilin siya sa ulo ay ginawa ko na sa sobrang galit na nangingibabaw sa dibdib ko. "Sinabi ko naman sa inyo, bastos ako sa bastos sa akin. You and your sister raped my fiancé, akala mo porket matagal na iyon makakawala ka pa rin? Lumipas man ang panahon, babalik pa rin sa inyo ang ginawa niyo, you stole Zayn's childhood. Bukod pa roon ninanakawan mo ang kompaniya na pinaghihirapan niya! And oh, you killed my father!" sigaw k

