Chapter 3 : Catching Feelings For You

3291 Words
ALIYAH'S POV "Tara na kasi!" "Teka lang ha? Teka lang! Hindi pa ako tapos dito!" bulyaw ni Warren sa amin ni Macy. "Dalian mo na riyan, Warren. Nagugutom na ako!" reklamo ko at hinampas ko siya gamit ang wallet ko. "Tangna! Lubayan niyo nga ako, mga leche!" Dahil sa inis ni Warren ay hinagis niya sa amin ang kaniyang mga notebook at hagalpak ang tawa namin ni Macy dahil dito. Kasalukuyan pa kasing ginagawa ni Warren ang activity namin sa Literature at ito ay ang magsulat ng isang poetry. Hanggang ngayon ay hindi pa nakarating sa gitna si Warren dahil nahihirapan talaga siya sa activity na ginagawa niya. Pinulot ni Macy ang mga notebook ni Warren na nagkalat sa sahig at nilagay niya ito sa bakanteng upuan na nasa harap ni Warren. "You know, Warren—" "Huwag mo akong simulan diyan sa english mo, baboy ka. Nakita mo naman na nahihirapan na ako rito kaya tumahimik ka kung ayaw mong saksakin kita ng ballpen," malamig na sabi ni Warren at halos mamatay na dahil sa kakatawa si Macy. Pati ako ay natawa na lang din dahil nakakahawa ang mga tawa ni Macy. "Warren, hurry up. We’re so hungry—" "Stop english to myself! I am not finish now! Leave away to me now!" Pagtataboy ni Warren sa amin. "Aish, Warren naman eh. Ipasa mo na lang kasi iyan kay Ma'am. Halata naman na maliit pa rin ang makukuha mong marka," inis kong sabi kay Warren. "Aba! Sana all kagaya mo na matalino! Punyeta naman ito!"—sigaw ni Warren at tumayo siya mula sa kaniyang upuan—"Pero may point ka." Tumawa ng napakalas si Warren at nakita kong inikot ni Macy ang kaniyang isang daliri sa gilid ng ulo niya. "May sayad," sabi ni Macy habang patuloy na iniikot ang kaniyang daliri sa gilid ng kaniyang ulo. "Ikaw rin naman." Ngumisi ako kay Macy at lalong lumakas ang mga tawa ni Warren. "Ble!" Inilabas ni Warren ang kaniyang dila habang nang-aasar na nakatingin kay Macy saka ipinasa na niya ang kaniyang papel. Maya-maya ay bumalik na si Warren at may malapad siyang ngiti sa kaniyang mga labi. "Tara na?" aniya. "Let's go." Kinuha na ni Macy ang kaniyang bag. Kinuha ko na rin ang bag ko at sabay na kaming tatlo na lumabas ng classroom. Nang nakalabas na kami ay bumungad sa aming tatlo ang magulong corridor ng building. Para kaming nasa isang prosisyon tuwing mahal na araw dahil sa nagsisiksikan na mga estudyante rito sa pasilyo ng gusali. Naramdaman ko na hinawakan nina Macy at Warren ang mga kamay ko kaya tinanong ko naman sila kung bakit nila ito ginawa sa'kin "Masyadong magulo ang hallway, Aliyah. Kailangan kong hawakan ang kamay mo para hindi ka mahiwalay sa amin," paliwanag ni Macy. "Tama si Macy, Aliyah. Mahirap na kapag nawala ka sa paningin namin. Pandak ka pa naman," sabi ni Warren ay sinuntok ko siya sa kaniyang braso. Kainis, inaano ba siya ng height ko?! "Aray ko," daing ni Warren. Lumiko kaming tatlo at nasilayan na namin ang cafeteria. Nakaramdam ako ng saya dahil sa wakas ay makakakain na rin ako. My stomach is already begging or food. Mabuti nalang dahil pagkapasok namin sa cafeteria ay walang mga estudyante masyado kaya sinulit na namin ang pagkakataon na ito na bumili ng maraming pagkain. Umupo kaming tatlo sa kinagawiang lamesa namin at tahimik lang kaming kumakain nang biglang may isang tray ang bumagsak sa tabi ko. Tumigil sa pagsubo si Warren habang bumagsak naman mula sa kaniyang kamay ang tinidor ni Macy. Tumingin silang dalawa sa taong nakatayo ngayon sa tabi ko kaya tumingin na rin ako at nakita ko na si Kobe pala. "Hey guys," bati ni Kobe kina Macy at Warren saka siya umupo sa tabi ko. What is he doing here? Lumingon sa akin si Kobe na siyang ikinagulat ko. Nagtama ang mga mata namin at narinig ko na naman ang nakakabinging pintig ng puso ko. Why is my heart reacting like this whenever Kobe is near? "Hi, Aliyah," bati ni Kobe sa akin at sumilay ang isang ngiti sa kaniyang mga labi. Nilunok ko muna ang pagkain ko bago ko siya binati pabalik. "H-Hi Kobe." "Bakit ka nandito?" Nakataas ang isang kilay ni Warren habang nakatingin kay Kobe. "Bakit? Hindi ba ako pwede rito?" tanong ni Kobe. "Sinabi ko ba?" tanong pabalik ni Warren. "Hindi." Nagkibit balikat at nagsimula na siyang kumain. "Diba may practice pa kayo?" tanong ni Warren at kumain na ulit. "Meron pero tumakas ako," sagot ni Kobe at saka siya tumawa ng mahina. "Tanga ka ba? Alam mo naman na parang aswang na may sakit sa kili-kili ang coach niyo kung magalit. Bakit ka ba tumakas ha?" tanong ni Macy. Kumain ulit ako at hindi na ako nakinig sa usapan nila. I ate to my heart's content because if you intake insufficient foods then your brain will not function properly at hindi na ako makapag-concentrate sa klase— "Gutom na kasi ako tsaka gusto ko rin na sumabay kay Aliyah—" "—urgh!" Napahawak ako sa aking lalamunan nang naramdaman kong huminto ang pagkain ko sa gitna kaya kaagad ko itong tinutulak papunta sa tiyan ko. Tila nagkaroon ng bato sa lalamunan ko dahil sa tigas ng pagkain na bumara rito. Ack! Nabulunan ako! Bwisit ka Kobe! Ginulat mo ako! Leche! Nagkagulo na sina Warren at Macy habang si Kobe naman ay kinuha ang isang tubig na nasa lamesa at nakita kong binuksan niya ito. "Shoot! Mamamatay na si Aliyah—hoy, Uling! Tulungan mo ako rito!" natatarantang sigaw ni Macy at tumabi siya sa'kin at saka hinagod ang likod ko. "Hoy, baboy! Inaano ka ba ng kulay ng balat ko?! Baka gusto mong isaing kita rito sa uling kong balat at gawin kitang hapunan?!" bulyaw ni Warren kay Macy. "What the?! Hoy, excuse me! Chubby lang po ako! Hindi ako baboy!" kontra ni Macy. Aish! Bakit ko nga ba sila naging kaibigan? Hindi ba nila nakikita na nahihirapan na ako rito? "Tama na nga iyang away niyo! Macy, ipainom mo ito kay Aliyah. Dali!" utos ni Kobe at kaagad kinuha ni Macy ang tubig. "Teka, bakit ako?" Tinuro ni Macy ang kaniyang sarili habang naguguluhan na nakatingin sa dalawang lalaki. For pete's sake, Macy! Mamamatay na ako rito! Hindi na ako makahinga ng maayos! "Malamang dahil ikaw ang malapit sa kaniya! At mas komportable si Aliyah sa'yo!" nagmamadaling paliwanag ni Kobe. "Gano'n ba?" Kinamot ni Macy ang kaniyang ulo. Macy! Ano ba! "Macy dalian mo!" inis na sigaw nina Warren at Kobe. Gusto ko mang tumawa ngunit hindi ko iyon magawa dahil pakiramdam ko talaga ay mamamatay na ako rito dahil sa sakit ng lalamunan ko. Kaagad hinawakan ni Macy ang baba ko at tinulungan niya akong uminom ng tubig. Naramdaman kong pumasok ang malamig na likido sa bibig ko at unti-unting nawawala ang matigas na bagay sa lalamunan ko. Hinimas ni Macy ang likod ko at maya-maya pa ay nawala na ang sakit na nararamdaman ko. Tumabi sa akin si Kobe habang si Warren naman ay nakatayo sa gilid niya at nag-aalala siyang nakatingin sa akin. "Ano? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Kobe sa akin. "A-Ayos na." Umiwas ako ng tingin kay Kobe at huminga ako ng malalim. Grabe, muntik na yon! "Sa susunod kasi, Aliyah. Hinay-hinay ka lang sa pagkain ha? Walang paa ang pagkain mo at hindi iyan maglalakad papalayo sa'yo." Ngumuso nalang ako dahil sa sinabi ni Warren. Kayo naman kasi, binigla niyo ako. "Shoot guys! Malapit na ang next class natin!" mabilis na kinuha ni Macy ang bag niya. Tumingin ako sa aking orasan at nakita ko na malapit na nga ang oras ng aming susunod na klase kaya kinuha ko na rin ang bag ko at sumabay na kina Warren at Macy palabas ng cafeteria. Ngunit bago pa ako makalabas ng cafeteria ay nilingon ko si Kobe. "Thanks, Kobe." Ngumiti ako sa kaniya at lumabas na ako ng cafeteria. ***** "Wala na bang mas boring pa sa discussion na ito?" sarkastikong tanong ni Macy at narinig ko siyang bumuntong hinga. Humikab ako saka umayos ng pagkakaupo dito sa upuan ko. Alas tres na ng hapon at inaantok na talaga ako. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang hindi sumara ang aking mga mata kahit ang bigat na talaga ng mga ito. Sa pangalawang pagkakataon ay humikab ulit ako ngunit mas malakas ito kesa sa una. Nakita kong lumingon sa akin si Warren at tiningnan niya ako na parang nagkaroon ako ng pangalawang ulo. Tumaas ang isang kilay ko saka tinanong ko siya kung ano ang problema niya at bakit niya ako tinitingnan ng ganoon. "Nabigla lang ako kasi ngayon lang kita narinig na humikab ng ganoon kalakas," sabi ni Warren at tinawanan niya ako. Sino ba naman kasi ang hindi aantukin kung ang guro sa aming pinakaboring na subject ay mahina ang boses tapos kami rito ay nakaupo lang at wala kaming ibang ginagawa kung hindi ang makinig lang sa kaniya. Napalingon ako sa pinto ng silid nang pumasok doon ang isang estudyante at may binigay siyang papel kay Ma'am. Ilang minuta muna ang dumaan bago binigay ng aming guro pabalik sa estudyante ang papel na binasa niya. Nakita kong may hinahanap si Ma'am sa amin at nang tumigil sa akin ang kaniyang tingin ay nagising ang buong diwa ko. "Aliyah, pinapatawag ka ni Mrs. Puerto sa kaniyang opisina. May ibibigay daw siya sa'yo," sabi ni Ma'am sa'kin. Ano na naman kaya ito? Tumayo na ako mula sa aking upuan at naglakad na palabas ng silid. Akala ko ay hinihintay ako ng estudyante sa labas pero wala na ito kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta opisina ni Mrs. Puerto. Ano na kaya ang kailangan ni Ma'am sakin? Sa pagkakaalala ko ay malayo pa naman ang Buwan ng Wika at saka ang Filipino Prescon. It's very unusual for Mrs. Puerto to call me during this time. Bumaba ako ng hagdan at dumiretso na sa opisina ng mga guro na nasa unahan lang ng hagdan. Nang nakarating na ako sa tapat ng opisina ay bumungad kaagad sa akin si Mrs. Puerto at nang nakita niya ako ay ngumiti siya. "Magandang hapon po, Ma'am," bati ko kay Mrs. Puerto. "Magandang hapon rin rin sa iyo, iha," bati niya pabalik. "Pinatawag niyo raw po ako?" "Oo, pakibigay nga ng papel na ito sa adviser niyo. Listahan iyan ng mga kakailanganin niya." Binigay ni Mrs. Puerto sa'kin ang isang dilaw na papel. Tinanggap ko ito bago ngumiti kay Mrs. Puerto. "Sige po, Ma'am. Maaasahan niyo po na makakarating po ito sa kaniya," sabi ko at nagpaalam na. Umalis na ako upang bumalik na sa aking silid. Bumuntong hinga ako at tinakpan ko ang aking bibig nang humikab ako. Maaga naman akong natulog kagabi ngunit bakit ako inaantok? Ganito ba talaga kapag maaga kang matulog ay dadalawin ka ng antok? Tapos kung matagal kang matulog ay hindi ka dadalawin ng antok? Ang weird, pati ako ay nahihiwagaan na dahil sa mga iniisip ko. Umiling ako para mawala ang aking antok at huminto rin nang naramdaman kong umikot at dumilim ng ilang sandali ang paningin ko. Sumandal ako sa pader at pinakalma muna ang aking sarili. Grabe na itong antok ko kasi bigla nalang dumilim ang paningin ko. Shocks! Kailangan ko ng pampagising, iyong malakas para hindi na ako aantukin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nilagay ko ang papel sa bulsa ng palda ko. Delikado na kapag mawala ito. Patay ako kay Ma'am Puerto kapag nagkataon. Mukhang importante pa naman ito. Nagkaroon ng mga sigawan at mga boses na tila nagkatuwaan mula sa likod ko ngunit hindi ako lumingon dahil kailangan ko ng magmadaling bumalik sa silid. Ayoko ng mahuli sa klase kahit ang pangit magturo ni Ma'am. Umakyat na ako sa hagdan at hindi na ininda ang aking antok. Lumiko ako at humakbang sa unang hagdan ngunit sa pagkakataon na ito ay tuluyan ng umikot ang paningin ko. Hinanap ko ang hawakan ng hagdan ngunit nahuli na ako dahil hindi ko na maabot ang hawakan ng hagdan dahil pabagsak na ako sa sahig. Lumabo ang buong paligid at wala na akong marinig na ingay. Naging blanko ang isipan ko at unti-unti ng nawawala ang aking paningin nang bigla akong may naramdaman matigas na bagay mula sa aking likod. Akala ko ay tuluyan na akong bumagsak sa hagdan ngunit nagkakamali pa ako. Nakaramdam ako ng isang kamay na nakahawak ngayon sa aking bewang at mabilis akong itinayo nito pabalik. Naramdaman kong tinapik ng kamay ang aking mga pisngi at tuluyan ng nagising ang diwa ko. "Hey, naririnig mo ba ako? Ayos ka lang ba?" Isang pares ng mainit na mga kamay ang humawak sa aking mukha. Dahan-dahan akong lumingon sa aking gilid upang makita ko kung sino ang may-ari ng mga kamay na tumulong sa akin. Unti-unting naging malinaw ang aking paningin at nakita ko ang isang pares ng mga mata na nakatingin ngayon sa akin. Ang lapit ng kaniyang mukha at dito ko napagtanto kung sino ang kasama ko. "A-Ano'ng ginagawa mo rito?!" gulat kong tanong sa kaniya. "Diba dapat sinasagot mo muna ang tanong ko bago ka magtanong sa akin?" "Answer me first, idiot! Anong ginagawa mo rito?!" Kainis, bakit ba niya ako hinawakan?! Pwede naman niya akong—heavens! Hindi ko dapat ito iniisip ngayon! "Whoa! Easy ka lang, Aliyah. Kakatapos lang ng practice namin at pabalik na ako ng classroom nang nakita kita. Muntik ka ng mahulog sa hagdan, mabuti na lang at nasalo kaagad kita,"paliwnag ni Kobe. Yes! It was Kobe who saved me a moment ago! Tinalikuran ko si Kobe at pumikit dahil sa inis. Nanggigigil na talaga ako. Why does Kobe have to appear whenever something happens to me? Hindi sa assumera ako pero base lang ito sa mga napapansin ko. Thinking about it made me annoyed and at the same time embarassed. Ayoko sa mga nararamdaman ko sa tuwing malapit siya sa'kin. Ayoko talaga. Sa totoo lang ay hindi pa ako nakaramdam ng mga ganitong bagay kagaya ng bigla na lang nagkakaroon ng mga nakakakiliting bagay sa loob ng tiyan ko tapos nagiging abnormal ang pagtibok ng puso ko dahil sa hindi ko malaman na dahilan. It’s my first time experiencing those feelings and it always happens whenever Kobe is around. Hindi naman ako mahilig sa kape tsaka minsan lang naman ako iinom nito pero bakit ako nagiging ganito? Normal pa ba ito? "Aliyah, ayos ka lang ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" rinig kong tanong ni Kobe sa'kin ngunit hindi ko siya sinagot. Umakyat na ako sa hagdan at hindi ko na siya nilingon pa. "Kalimutan mo na lang na nangyari iyon." Iniwan ko si Kobe na nakatayo doon. THIRD PERSON'S POV Sumilip si Macy mula sa likod ni Aliyah at tiningnan niya ang guro nila kung nakatingin ba ito sa kaniya. Naglalaro kasi siya ng Dumb Ways To Die sa kaniyang cellphone at nagtatago siya sa likod ni Aliyah habang naglalaro. "Macy, nakikita ka na ni Ma'am diyan sa likod ko," sabi ni Aliyah kay Macy. "Ay sus, okay lang iyan basta takpan mo lang ako para may kwek-kwek ka mula sa'kin mamaya." Humagikgik si Macy ng mahina. "Bwisit ka, Macy," inis na bulong ni Aliyah at bumalik na siya pakikinig sa guro nila. "Yeah, I love you too." Bumalik na si Macy sa paglalaro ng kaniyang cellphone. "Aba, ayos rin ah. May action din pala ang larong ito," bulong ni Macy habang naglalaro. Sa kakagalaw ni Macy ng kaniyang cellphone ay bigla itong nadulas mula sa kaniyang mga kamay at napasigaw siya ng malakas dahil sa gulat. "Ay putahamnida!" Kaagad tinakpan ni Macy ang kaniyang bibig nang nakita niyang tumalon dahil sa gulat ang guro nila na matanda at huminto pa ito sa pagsusulat sa pisara. Naalala ni Macy na nagtuturo pala ang guro nila kaya mabilis na pinulot ni Macy ang kaniyang cellphone na nasa sahig. Nilagay niya ito sa likod ng kaniyang bag at saka niya nilagay ang kaniyang dalawang kamay sa lamesa. Nakita ni Macy nakatingin ang kaniyang mga kaklase sa kaniya at pati ang guro niya ay nakatingin na rin ngayon sa kaniya. Ang mga mata nito ay nanlilisik at kulang na lang ay lalabas na ang mga pulang laser mula sa mga mata nito. "Macy Florentino!" sigaw ng kanilang guro na ikinabigla nilang lahat. Si Warren na nakatunganga habang tumutulo ang laway ay nagulat at mabilis siyang umayos ng upo habang si Kobe naman ay nagising mula sa kaniyang mahimbing na tulog. Sinong hindi magugulat kung ang boses ng guro nila ay parang kambing na naghahanap ng pagkain at may kasama pang padyak ng mga paa? Naisip tuloy ni Macy na pwede ng maging trisikad driver ang guro nila kung sakaling magreretiro na ito dahil sa lakas nitong pumadyak. "Present po, Ma'am!" Malapad na ngumiti si Macy sa kaniyang guro nang tinawag siya nito. "Oh my god, Macy." Napatampal sa kaniyang noo si Aliyah. "Hay nako, Mace. Ano na naman ba ang ginawa mo?" Umiling na lang si Kobe. "Sa susunod ay huwag kang sumigaw bigla sa klase ko! Aatakihin ako sa puso dahil sa'yo!" singhal ng guro kay Macy. "Edi aatakehin ka. Bakit ba kasi ayaw mong mag-retiro na lang?" bulong ng dalaga at narinig naman ito ng mga kaibigan niya. "Pffft—" Tinakpan nina Aliyah at Warren ang kanilang mga bibig upang pigilan nila ang kanilang mga tawa. "May sinabi ka, Miss Florentino?" tanong ng guro kay Macy at kumunot ang noo nito ngunit hindi narinig ni Macy ang sinabi ng guro niya dahil patuloy lang siya kaniyang pagbulong sa kawalan. "Tingnan mo. Magulatin na nga, bingi pa. Mag-retiro ka na kasi—" "Miss Florentino!" sigaw ng guro na siyang ikinagulat ng dalaga. Hindi nagulat si Macy sa pagsigaw ng guro nila kundi nagulat ito sa insektong dumapo sa uniporme ng guro niya. "Ma'am! May ipis sa uniporme niyo!" sigaw ni Macy at tinuro niya ang ipis na dumapo sa uniporme ng kaniyang guro. "Aaaaah! Ipis! Ipis!" sigaw naman ng matandang guro at pinagpalo niya ang kaniyang uniporme. Nagwala ang lahat ng mga kaklase ni Macy dahil sa nakita nilang ipis habang sina Aliyah at Warren naman ay walang pakialam sa mga nangyayari. Kalmado lang sila habang nakaupo sa kanilang mga upuan. Pati si Kobe ay bumalik na sa kaniyang pagtulog at hindi na binigyan pansin ang kaguluhan na nangyari. Nang nakita ni Macy na lumabas ang guro nila ay ngumisi siya ng malapad at bumalik na sa paglalaro. Tinapos ni Macy ang kaniyang laro at masaya siyang sumayaw sa kaniyang upuan nang nakakuha siya ng mga ginto pera. "Yes, mabubuksan ko na ang next character—" Ngunit kaagad tinago ni Macy ang kaniyang cellphone nang bumalik ang guro nila. "Class dismissed!" anunsyo nito at lumabas na ulit sa classroom nila, dala-dala ang kaniyang mga gamit. "Yes! Hahaha! Makapaglaro nga ulit—" Huminto si Macy nang napansin niya si Aliyah. Tumaas ang isang kilay ni Macy habang pinagmasdan niya ang dalaga na nakatingin lang sa kabilang parte ng silid. Pinatay ni Macy ang kaniyang cellphone saka sinundan niya ang tingin ni Aliyah at napunta ang kaniyang tingin sa natutulog na binata. "Oh? Aliyah's staring at Kobe? Bago to ah," sabi ni Macy sa kaniyang sarili. Hindi pa rin inaalis ni Aliyah ang kaniyang tingin kay Kobe at inobserbahan lang ni Macy ang kaniyang kaibigan. Nakita ni Macy kung paano kumunot ang noo ni Aliyah at nakita niya ang sari-saring mga emosyon sa mga mata ni Aliyah. Nang napagtanto ni Macy kung ano ang nangyayari ay gulat niyang tinakpan ang kaniyang bibig at pinigilan niya ang kaniyang sarili na huwag sumigaw. "Sheet! May gusto ba si Aliyah kay Kobe? Omaygas!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD