ALIYAH'S POV
Pinagmasdan ko ang bagong dating kong mga kaklase habang si Macy naman ay nasa aking tabi, sinasabi ang mga apelyido nila sa akin.
"Reyes, late..."
"Sanchez, late..."
"Aragon, late..."
Nilagay ko na sa class record ang mga sinabing pangalan ni Macy. Inatasan kasi ako ng adviser namin ngayon na ilista raw ang mga nahuling pumasok dahil may gagawin pa siya. Syempre tinanggap ko naman kasi wala rin naman akong ginagawa. Maaga kasi akong pumasok ngayon kasi maaga akong ginising ni Mom.
Speaking of Mom, hindi ko sinabi sa kaniya ang nangyari sa akin kahapon dahil alam ko na mag-aalala talaga siya sa'kin. Matapos akong gamutin kahapon ay sinabi ni Warren na aksidente ang nangyari sa akin at hindi raw iyon sinasadya ni Kobe.
"Calisto...late"
Tumalon ang puso ko dahil sa bigla. Bukod sa biglang paglamig ng boses ni Macy ay nagulat ako dahil pumasok siya. Mula sa class record ay nagtama ang mga mata namin ni Kobe at tumalon ulit ang puso ko nang binigyan niya ako ng isang maliit na ngiti.
Magulong-magulo ang buhok ni Kobe kagaya ng unang pagkikita naming at napansin ko na medyo pagod siya dahil ang bagal niyang maglakad. W-What's with him?
"Kamusta na ang ilong mo?" Napunta ang kaniyang tingin sa ilong ko na ngayon ay may band aid.
Umatras na naman ang dila ko at hindi ako nakabuo ng mga insaktong salita na sasabihin sa kaniya. Nakakainis! Ano ba ang nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw?
"I'm sorry, Kobe. Aliyah doesn't want to talk to you right now. She's still in trauma after what happened yesterday and the doctor told her to avoid the memories that triggers her trauma," walang emosyon na sabi ni Macy.
Hey, I am not traumatized because of what happened yesterday and Kobe doesn't trigger anything—oh, I get it now.
Tumingin ako kay Macy at alam ko na kung ano ang ibig niyang iparating. Macy knows that I can't talk properly because of what happened to my nose. Kung magsasalita ako ay baka hindi ako maintindihan ni Kobe at gusto lang ni Macy na iwasan ko si Kobe kasi alam ni Macy na naiinis pa ako sa kaniya. Well, naiinis nga ako kay Kobe.
"Talaga? Kung ganon, pasensya na." Matapos iyong sabihin ni Kobe ay pumunta na siya sa kaniyang upuan.
I closed the class record and got ready for class. Pumasok na ang guro naming at nagsimula na ang klase. Binigyan kami ni Ma'am ng mga drills na sasagutin kaya wala akong sinayang na oras at kaagad kong ginawa ang mga drills. Abala ko sa pagsasagot ng mga drills nang naramdaman ko na naman ang isang pares ng mata na nakatingin sa akin kaya lumingon ako kay Macy na siyang nasa likod ko.
"Oh, bakit?" tanong ni Macy.
"May correction tape ka ba?" tanong ko at pasimple akong tumingin sa gilid ng aking mga mata. Sinasabi ko na nga ba.
"Ito oh."
Bumalik na ako at nilagyan ko ang sagot ko ng white tape at pagkatapos ay nilagay ko ulit ang aking sagot. Hindi naman kasi mali ang sagot ko. Ginagawa ko lang ito para tingnan kung sino ang nakatingin sa akin at nalaman ko na kung sino.
It was none other than Kobe.
Nakatingin sa akin si Kobe at hindi ko alam kung bakit niya ako tinitingnan pero hindi ko na ito binigyan ng pansin dahil bumalik na ako sa pagsasagot ng mga drills. Matapos ang ilang minuto ay pinasa na namin kay Ma'am ang mga papel namin hanggang sa natapos na ang oras at umalis na si Ma'am.
"Aliyah, bili tayo ng kwek-kwek dali," sabi ni Macy.
"Libre mo?" I asked at tumango siya sa akin. Ah, this is why I love Macy. Ang bait niya talaga.
"Bakit ako walang libre?" nakangusong tanong ni Warren kay Macy.
"Libre mo mukha mo, Ruiz. Ang dami mo kayang pera. Huwag ako ang utuin mo, boy," sabi ni Macy kay Warren. Ayan na naman sila. Nagsisimula na naman.
"Wala kaya akong pera."
"Sino'ng niloloko mo? Ang dami mo kayang mga resources kaya sa kanila ka nalang magpalibre." Inikot ni Macy ang kaniyang mga mata.
"Mamaya nalang tayo bumili dahil baka maabutan pa tayo ng next subject natin," sabi ko sa kanila na ikinatigil nilang dalawa.
"Okay sige," ani Macy at bumalik na sa upuan niya.
Dumaan ang ilang mga oras hanggang sa natapos na ang lahat ng mga morning subjects namin at nasa labas na sina Macy at Warren. Sinabi ko kasi sa kanila na mauna na sila sa cafeteria dahil naiwan ko ang wallet ko.
Pagkapasok ko ng silid ay biglang may humila sa akin at tumama ang likod ko sa black board. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa pagkabigla. What the hell?
"What the—Kobe?!"
"What's this? Akala ko ba ayaw mo akong kausapin?" Ngumisi sa'kin si Kobe at tila natutuwa siya dahil kinakausap ko siya.
"Hindi nga pero ginulat mo ko!" inis kong sabi sa kaniya. Tch, ang sakit ng likod.
"Kaya nga ginagawa ko iyon para makapag-usap tayo," mahinang sabi niya, sapat lang na marinig ko.
"You're unbelievable."
"I'm sorry," Kobe murmured at narinig ko ito ngunit umakto ako na wala akong narinig.
"Ha? Ano'ng sabi mo?"
"I said I'm sorry, okay? Sorry kasi dahil sa ginawa ko ay muntik ka ng mawalan ng ilong," sabi niya sa'kin bago umiwas ng tingin at hindi ko napigilan ang tumawa dahil sa choice of words niya.
"Huwag mo naman akong tawanan, please? Hindi madali ang humingi ng sorry," seryosong sabi ni Kobe. He has a point, again.
"I'm sorry too kasi bigla na lang akong nag-outburst back at the cafeteria tapos pinagsabihan pa kita ng mga…well, you know what I mean." Nagkibit-balikat ako.
"So, quits na tayo, Alison?" Ngumiti si Kobe at inilabas niya ang kaniyang kamao. Inikot ko na lang ang mga mata ko at di na napigilan ang ngumiti. Inilabas ko ang aking kamao at binangga ko ito sa kamao ni Kobe.
"Totally quits, Calisto."
*****
"So, is everything clear now class?"
"Yes, Ma'am!"
"Wow, someone's bored," rinig kong sabi ni Macy mula sa likod ko.
"Sino naman ang hindi? The lesson was so easy and it doesn't need to be discussed two times in a row," reklamo ko.
"I get that you are complaining there pero isipin mo naman ang mga kaklase natin na nahihirapan sa pag-intindi ng mga lectures. Hindi sila parehas sa'yo na mabilis makaintindi," seryosong sabi ni Macy.
"Great, now you're sounding like Kobe," sabi ko sa aking sarili.
"I am sounding like Kobe?" rinig kong sabi ni Macy. Teka? Did I just say my thoughts out loud?
"Yes, you just did," asar ni Macy at ngumisi siya sa'kin.
"Pwede ba? Tanggalin mo nga iyang ngiti mo. Nakakainis eh."
"Hmm...whatever floats your boat, Aliyah."
"Okay class! Ngayon naman ay may gagawin tayong activity!" rinig kong sabi ni Ma'am.
"Oh, great! We have an activity!" sarkastikong sabi ni Macy at inikot ko na lang ang mga mata ko.
Sabado bukas kaya pwede bang magpahinga muna? Bukod sa marami pa akong pag-aaralan ay kailangan ko rin ang magpahinga.
"Our activity will be done by pair," nakangiting sabi ni Ma'am.
By pairs? Seriously? Hindi ba pwedeng by individual na lang? Mas mabuti pa kung by individual kasi magagawa ko pa ng tahimik ang activity at walang excess baggage na istorbo sa'kin.
"Everyone, settle down now for I will announce the pairs." May kinuha na papel si ma'am mula sa lamesa at binasa niya ang nakasulat dito.
"Okay, so the first partner is...Aragon and Perigo." Tumingin si Ma'am sa aming lahat.
"Yes! Partner tayo bro!"
"The second set of partners...Nikki and Loreen."
"What! Oh my god, Ma'am! You've got to be kidding me!" Tumayo si Nikki mula sa kaniyang upuan dahil sa gulat.
"You can't pair me with her!" bulyaw ni Nikki at tinuro niya si Loreen na masamang nakatingin ngayon sa kaniya.
"Hoy, babaita! Kung ayaw mo ako maging ka-pair pwes, ayoko rin sa'yo!" galit na sabi ni Loreen at tila mamaya ay kakainin na niya si Nikki dahil sa tindi ng galit niya.
"You girls just gave me a reason for the both of you to be pairs. Work with each other and I don't want to hear nonsense complaints from the both of you." Umayos ng tayo si ma'am habang seryosong tiningnan sina Loreen and Nikki.
"Understood girls?" Tumaas ang isang kilay ni ma'am.
"Y-Yes, Ma'am."
Nagpatuloy na si ma'am sa pagtawag ng mga pairs. It took a few more pairs bago tinawag ang last name ni Warren. Sino kaya ang magiging partner ni Warren?
"Ruiz and...Florentino."
"Cheese and sprinkles, you've got to be fudging kidding me," reklamo ni Macy.
Hinarap ko siya at nakita ko siyang sapo ang kaniyang noo habang umiiling. Is there something wrong with the pairings?
"What's wrong, Mace? Ayaw mo ba kay Warren as your partner?" tanong ko.
"Ayoko," diretso niyang sabi sa'kin na ikinabigla ko. Okay?
"Bakit naman?"
"Bakit? Aliyah, sigurado ako na walang ibang gagawin si Warren kung hindi ang maglaro lang nang maglaro sa cellphone niya tapos ako ang gagawa ng activity namin! Argh!" Ginulo ni Macy ang kaniyang buhok dahil sa inis.
"Hoy. Hindi ako ganyan ah," depensa ni Warren.
"Tch. Mukha mo, unggoy," inis na sabi Macy at tinawanan lang siya ni Warren.
"Ganito na lang, magtutulungan na lang tayo para hindi tayo mahihirapan, okay?" tanong ko kay Macy at tumango naman siya sa'kin habang si Warren naman ay nag-thumbs up lang. Hay, akala ko talaga si Macy ang partner ko. Sayang.
"And our last partner would be...Calisto and Alison."
Mabilis pa sa kidlat akong lumingon sa harapan matapos kong marinig ang apilyedo ko. Naglaglag ang aking panga habang tinitingnan ko si Ma'am. Tama ba ang pagkakarinig ko? Ako at si Kobe? Partners?
Lumingon ako kay Kobe at kumaway siya sa'kin nang nagtama ang mga tingin namin. Ngumiti siya tapos binigyan niya ako ng isang kindat. Kapares ko si Kobe? Nagbibiro lang si Ma'am diba?
"Uy, partner sila ni Kobe," rinig kong sabi ni Macy kaya inis kong nilipat ang aking atensyon sa kaniya.
"Sige, asarin mo pa ako at hindi talaga kita tutulungan."
"Uy sis, biro lang naman! Ito naman, hindi na mabiro," Macy mumbled.
"Kung magbibiro ka, dapat iyong tatawa ako ha? Nakakabwisit ka." I crossed my arms in annoyance.
"Ang activity natin ay kailangan niyong gawin itong nasa page ninety-five ng libro niyo. May directions naman kung paano niyo ito gagawin. The deadline will be on Monday and it should be passed to me before eight o'clock," sabi ni Ma'am at narinig ko ang reklamo ng mga kaklase ko.
"Ngayon na may kapares na kayo ay kailangan ninyong umupo ng magkatabi para magplano kung ano ang gagawin niyo sa activity," sabi ni Ma'am.
Is sitting next to each other really that essential? God, why won't she just tell us what to do and leave this freaking room para makapag simula na kami sa activity? Kainis, ang dami pang arte.
Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong tumayo si Warren at lumipat siya sa tabi ni Macy. Umupo si Kobe sa upuan ni Warren kaya hinarap ko siya. Ngumiti siya sa'kin ngunit hindi ako ngumiti sa kaniya pabalik.
"Let's get this done," walang emosyon kong sabi na siyang ikinataka ni Kobe.
"Okay? Ako lang ba o ayaw mo sa'kin?" Kobe asked.
"Ayaw kitang maging ka-partner." Matamis akong ngumiti sa kaniya at pagkatapos ay binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin.
"Bakit naman? Akala ko ba ayos na tayo?"
"Kobe, this is a different matter. My grades will be at stake here, okay? And yours too kapag hindi ka seryoso sa paggawa ng activity na ito," sabi ko nang hindi inaalis ang aking nakamamatay na tingin sa kaniya.
Bumuntong hinga ako. "The reason why I don't like you to be my partner it's because—"
"Kasi palagi akong wala sa klase at nagdududa ka kung magagawa ko ba ng maayos ang activity dahil wala pa akong alam dito? Tama ba ako, Aliyah?" seryosong tanong ni Kobe.
Tumango ako sa sinabi ni Kobe at hinintay ko kung ano ang magiging reaksyon niya. Nakita ko siyang tumango at pagkatapos ay huminga siya ng malalim saka niya ako muling tiningnan. He ran his hand through his hair and then he licked his lips—why am I checking him out?! What's wrong with me?
"Okay, Aliyah. Alam ko na wala akong alam dito ngunit gagawin kong ang lahat para makatulong sa'yo. Kung mali man ang gagawin ko ay turuan mo ako. Ipakita mo sa akin kung paano gawin ng tama para naman matutunan ko," seryosong sabi ni Kobe.
Kumurap ako ng paulit-ulit. Ang hina yata ng pandinig ko ngayon pero seryoso?! Magpapaturo siya sa'kin? Shocks…
"Aliyah?"
"H-Ha?" Nilingon ko si Kobe.
"Sabi ko, kapag nagkamali ako ay turuan mo ako," pakiusap niya.
"O-Okay." Nauutal na naman ako. Ano ba ang nangyayari sa'kin?!
"So? What's the plan guys?"
Sabay kaming napalingon ni Kobe sa aming likuran at naabutan ko sina Macy at Warren na prenteng nakaupo sa kanilang mga upuan habang hinihintay kami.
"Um, Ganito nalang. Doon natin gagawin ang activity sa bahay ni Warren. Ayos ba?" suhestiyon ko.
"Ayos lang sa'kin dahil magkapitbahay naman kami ni Warren," sabi ni Kobe.
"Ayos lang din sa'kin kasi malapit lang ang bahay namin kina Warren at Kobe," sabi ko.
"Awe, ako lang pala ang nakatira sa malayo rito. Kailangan ko pa lang sumakay ng bus," sabi ni Macy habang nilalaro ang ballpen niya.
"Sus, Mace. Para namang hindi ka na sanay." Binato ni Kobe ng bolang papel si Macy.
"Ah, kayo na pala ang may-ari ng bahay namin ngayon? Ako? Hindi niyo man lang ba ako tinanong kung ayos lang ba sa'kin na doon tayo sa bahay gagawa ng activity?" sarkastikong tanong ni Warren at natawa kaming tatlo dahil sa sinabi niya.
"Hindi na iyan kailangan, Ren. Alam ko naman na papayag ka eh." Ngumisi si Kobe kay Warren.
Tiningnan ko ang aking orasan. "So, bukas? Ten o'clock?"
"Sure," sagot ni Kobe.
"Game." Ngumiti si Warren.
Tumango si Macy sa'kin. "Roger."
"Alright then, ten o'clock it is."
THIRD PERSON'S POV
The next day...
"Tang mother, nasaan na ba ang mga makyongets na iyon? Dalawang oras na akong naghihintay dito at wala pa rin akong nakikitang ni isang kaluluwa na galing sa mga kaibigan ko," bulong ni Macy sa kaniyang sarili at humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa payong na dala niya.
"Tingnan niyo, ang ganda ng plano. Magkikita kami ay alas dyes dapat pero anong oras na? Alas dose ng tanghali?! Aba mga pilipino nga naman oh," inis na bulong ni Macy sa kaniyang sarili.
"Macy!" tawag ng isang boses sa dalaga. Lumingon si Macy at nakita niya si Aliyah na naglalakad papunta sa kaniya.
"Oh? bakit ngayon ka lang? Akala ko pa naman ay ikaw itong mauuna sa'kin," sabi ni Macy kay Aliyah at pinasulong ang dalaga sa kaniyang payong.
"Tanghali na akong gumising eh. Sorry." Aliyah smiled sheepishly.
"Naks naman, sana all," sarkastikong sabi ni Macy at tumawa lang si Aliyah.
Nagsimula ng maglakad sina Aliyah at Macy nang may isang motorsiklo ang dumaan at huminto ito sa harapan nilang dalawa.
"Whoops! Holdap ito—"
"Kobe! Leche kang shulupi ka!" galit na sigaw ni Macy kay Kobe na ngayon ay nakasakay sa isang motorsiklo.
Habang pinaghahampas ni Macy ng kaniyang payong si Kobe ay labis naman ang pagkagulat na nadarama ni Aliyah dahil sa kaniyang nakita niya.
Napalunok si Aliyah habang nakatingin kay Kobe na ngayon ay inaasar si Macy. Nang napansin ni Kobe na nakatingin si Aliyah sa kaniya ay gumuhit ang isang mapang-asar na ngiti sa kaniyang mga labi.
"Alam ko na gwapo ako, Aliyah. Pero huwag mo naman akong titigan kasi baka matunaw ako." Tumikhim si Kobe at pinigilan niya ang kaniyang sarili na huwag tumawa.
"Hindi ako nakatingin sa'yo. Hindi lang ako makapaniwala dahil may mga pangit pala na kagaya mo ang nabubuhay dito sa mundo," sabi ni Aliyah kay Kobe.
"Ouch!" sabay na sigaw nina Macy at Warren.
Huminga ng malalim si Aliyah at pinakalma niya muna ang kaniyang sarili bago nagsalita. "So? Ano pa ba ang hinihintay natin? Tara na."
"Okay." Nagkibit-balikat si Kobe at pinaandar niya ang kaniyang motorsiklo.
"See you at Warren's house," paalam ni Kobe. Mabilis niyang pinatakbo ang kaniyang motorsiklo at iniwan niya sina Macy at Aliyah na naglalakad sa ilalim ng mainit na araw.
"Mga chamita na yon, walang hiya," bulong ni Macy habang pinipigilan ang kaniyang inis.
"Pabayaan mo nalang sila, Mace. Boys will be boys." Umiling si Aliyah.
Habang naglalakad ay tumingin-tingin ang dalawang dalaga sa kanilang paligid. Maya-maya ay nakita na nina Aliyah at Macy sina Kobe at Warren na naghihintay sa kanila sa isang tindahan. Umiinom ang dalawang binata ng soft drinks at prenteng nakaupo ang mga ito sa mga upuan na nasa labas ng tindahan.
"Mga walang hiya," sabi ni Macy habang si Aliyah ay tumatawa ng mahina.
"Bakit ang tagal niyo?" reklamo ni Warren habang uminom ng soft drinks.
"Anong oras na oh? Kailan pa tayo magsisimula?" Ngumisi si Kobe nang nakita niya kung paano nainis ang dalawang dalaga.
"You bunch of pricks!" inis na sigaw ni Macy at tumawa lang ang dalawang binata bago tumayo mula sa pagkakaupo.
"Tama na nga iyan. We're wasting too much time here. Warren nasaan ba bahay niyo?" tanong ni Aliyah at pumagitna siya kina Kobe at Macy na kulang na lang ay puputulin na ang ulo ng isa't-isa.
"Ayon." Tinuro ni Warren ang bahay na nasa tapat ng tindahan. Gustong hampasin ni Aliyah si Warren ng kaniyang bag ngunit pinigilan na lang niya ang kaniyang sarili.
Naglakad na silang apat patungo sa bahay ni Warren. Hindi maiwasan nina Aliyah at Macy ang tumingin sa mga halaman na nakatanim sa paligid ng bahay dahil nagmumukha ng gubat ang bahay dahil sa mga naglalakihang halaman.
"Hindi na ako magtataka kung bakit may unggoy na nakatira rito." Tumingin si Macy kay Warren.
"Aba tangina." Ngumiwi si Warren at natawa si Kobe dahil sa sinabi ni Macy.
"Unggoy ka na pala, Ren?" tanong ni Kobe kay Warren sa gitna ng kaniyang mga tawa.
"Tumahimik ka nga, Kobe," walang emosyon na sabi ni Warren.
Pumasok na silang lahat sa bahay ni Warren at nilatag kaagad nila ang kanilang mga gamit para makapag-simula na.
ALIYAH'S POV
"No...mali ulit!"
"Ano?! Aish."
Sinamaan ko ng tingin si Kobe. Tsk, kanina pa siya reklamo nang reklamo dahil paulit-ulit na lang siyang nagsisimula. Mali naman kasi ang mga sagot niya.
Nilipat ko ang tingin ko kina Macy at Warren na tahimik lang na gumawa ng kanilang activity sa isang lamesa. Mabuti pa sila, isang turo ko lang ay nakuha na kaagad. Itong ka-pares ko ay naka sampung turo na ako hindi, pa rin nakuha ang proseso kung paano makuha ang sagot. Inayos ko nalang ang aking mga papel at tiningnan ko ang activity sheet na sinasagutan ni Kobe.
Mabilis pa sa kidlat kong kinuha ang papel ni Kobe nang may napansin ako sa mga sagot niya. Nagulat din siya dahil sa biglang pagkilos ko ngunit binalewala ko lang iyon dahil sumingkit na ang mga mata ko dahil sa mga sagot ni Kobe.
"Mali na naman...ulit!" Binigyan ko siya ng papel.
"Ano?! Mali na naman?! ika-tatlongpu't dalawa ko ng papel iyon!" wika niya at umiling ako.
"Wala akong pakialam kung pang ilang papel mo na iyon, Kobe. Diba sabi ko kapag mali ang isang sagot ay mali na lahat? That's the formula's rule," sabi ko sa kaniya.
"Aish, bwisit." Ginulo ni Kobe ang kaniyang buhok dahil sa inis.
"Wow, Kobe. Malapit na kaming matapos dito pero ikaw mag-uumpisa na naman ulit?" natatawang sabi ni Warren kay Kobe.
"Tumahimik ka nga!" bulyaw ni Kobe kay Warren.
"Karma is a bitch." Tumawa si Warren.
"Ano ba! Magseryoso ka nga! Kapag ikaw nagkamali, patay ka talaga sa'kin! " Nagulat ako dahil sa biglang pagsigaw ni Macy.
"Tangna! Huwag kang sumigaw! Nasa tabi mo lang ako!" sigaw pabalik ni Warren.
"Pwede ba?! Tumahimik nga kayo, mga lechugas!" galit na sigaw ni Kobe na ikinabigla naming lahat.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa biglang pagsigaw ni Kobe. Wow, This is my first time seeing Kobe so angry. I think nagagalit na talaga siya kasi hanggang ngayon ay wala parin siyang nakuha na tamang sagot sa kaniyang ginagawang activity.
Nakita kong hinalungkat ni Macy ang kaniyang backpack at pinakita niya ang isang Sneaker's bar kay Kobe.
"Kobe, baka gutom ka na. Hungry? Grab a sneaker—"
"Baka gusto mong isaksak ko iyan sa bibig mo para mabulunan ka at mamatay?" malamig na sabi ni Kobe kay Macy habang nakatingin sa kaniyang papel. Grabe naman kung magalit itong si Kobe. Kulang nalang atakihin ako sa puso! Jusmeyo.
Huminga ako ng malalim at inipon ang lahat ng tapang ko bago lumapit kay Kobe. Nang napansin niya ako ay tumigil siya sa pagsusulat at tiningnan lang niya ako. Kinuha ko mula sa kaniya ang kaniyang ballpen at kumuha ako ng malinis na papel. Hay, ang bago kong bili na papel ay malapit ng maubos dahil kay Kobe.
Nagsimula akong magsulat ulit ng mga formula at mga given equations. Nagtaka naman si Kobe pero lumapit pa rin siya sa tabi ko para makita ng maayos ang ginagawa ko. Medyo naiilang ako dahil masyado siyang malapit sa'kin at na naaamoy ko na ang pabango niya. Aliyah, ano ba! mag-focus ka nga!
"Ganito, ang atomic number ay katumbas lang ng number of protons tapos kung ilan naman ang protons niya ay iyon ang element na magiging sagot mo. Huwag mong kalimutan ang neutron para makumpleto na ang final answer mo," paliwanag ko kay Kobe.
Umayos ng upo si Kobe at sa pagkakataon na ito ay nagkaroon na ng espasyo sa pagitan naming dalawa. Thank God.
"Ano ba iyang ginagawa mo?" tanong niya sa'kin.
"Malamang tinutulungan ka." Hindi parin ako tumitingin sa kaniya.
"Tch, akin na nga iyan. Kaya ko naman eh," kontra ni Kobe.
"Kaya mo naman pala pero bakit hanggang ngayon ay wala ka pang sagot?" sarkastikong tanong sa kaniya. Umiwas siya ng tingin sa'kin at bumuntong hinga.
"Sorry, Aliyah. Sa totoo lang, nahihirapan na talaga ako."
Gulat akong lumingon kay Kobe. "Hala? Ayos ka lang ba? Sinapian ka ba?"
Sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Kobe at mahina siyang tumawa. Ginulo niya ang buhok ko at naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso. Tila gusto na nitong lumabas mula sa dibdib ko. Teka, hindi naman siguro ako magkakaroon ng cardiac arrest diba? Ang bilis kasi tumibok ng puso ko.
"Ewan ko sa'yo," nakangiting sabi ni Kobe at pinisil niya ang ilong ko.
Uminit ang mga pisngi ko dahil sa ginawa ni Kobe. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nakatingin lang ako kay Kobe at ganoon din siya sa'kin. Ngayon ko lang napansin na ang lapit na pala ng mukha namin mula sa isa't isa—
"Woy! Woy! Ano yan ha?!"
Sabay kaming lumayo ni Kobe mula sa isa't isa nang pumagitna sa amin si Warren na ngayon ay nakangisi sa aming dalawa. Umiwas ng tingin si Kobe at narinig ko siyang huminga ng malalim habang ako naman ay nakayuko nalang. Ang pula na siguro ng mukha ko.
"Ikaw talaga, Warren. Bulok ka talaga kahit kailan. Alam mo naman na muntik ng dumating sa c****x iyon tapos inistorbo mo pa!" Tinapunan ni Macy ng isang water bottle si Warren. Kanina pa sila nakatingin sa amin? Lord, kunin mo na ako.
"Bakit kumakain na kayo riyan? Tapos na ba kayo?" Tumaas ang isang kilay ko.
"Yes, Teacher Aliyah. Alam mo ba? Ako ang sumagot sa halos lahat ng items kasi masyadong bulok si Warren para sagutan ang mga iyon," sarkastikong sabi ni Macy at sinamaan niya ng tingin si Warren.
"Anong ikaw? Hoy! Huwag kang feeler diyan, baboy ka. Baka nakalimutan mo na ako ang sumagot sa lahat ng mga mali mo?" nakapamewang na sabi ni Warren.
"Kapal ng mukha mo, uranggutan ka! I need some extra credits here!" reklamo ni Macy.
"Aba't—" Hahampasin na sana ni Warren si Macy ng libro nang pumagitna sa kanila si Kobe.
"Tama na nga iyan. Macy, hapon na. Baka hindi mo na maaabutan ang bus mo pauwi," sabi ni Kobe.
"Hala, oo nga pala! Salamat sa pagpapaalala, Kobe." Mas mabilis pa kesa sa kidlat na kinuha ni Macy ang lahat ng mga gamit niya.
Pati ako ay nagligpit na rin kasi sasabay na lang ako kay Macy papunta sa eskinita. Wala naman kasi akong ibang kasabay pauwi kasi ang dalawang unggoy ay dito naman nakatira.
"Hintayin mo ako, Mace," tawag ko kay Macy.
"Come on. Dalian mo, girl!" sigaw ni Macy mula sa labas ng bahay.
Lalabas na sana ako nang biglang may humila sa kamay ko. Lumingon ako at nakita ko na si Kobe pala ang pumigil sa'kin. Ano ba ang kailangan niya?
"Ano..."
"Hoy, Aliyah! Dali na!"
"Kobe, kung wala kang sasabihin sa akin ay bitawan mo na ang kamay ko," sabi ko kay Kobe.
"—Aliyah! Iiwan na ako ng suki kong limousine! Naghihintay na ang chauffer ko!"
"—Huta Macy! Itikom mo nga iyang bunganga mo! Binubulabog mo ang buong barangay namin eh!"
Hay, ang ingay talaga ng dalawang iyon kahit saang lugar pa sila pumunta. Nakakahiya na sa mga kapitbahay.
"Ano...salamat sa tulong, Aliyah," nahihiyang sabi ni Kobe nang hindi man lang tumitingin sa'kin.
"Walang anuman. Besides, you asked for my help in the first place." I gave him a small smile.
"Kaya naman pala ang tagal kasi naglalandian pa."
Lumingon kami ni Kobe kay Warren na ngayon ay nakasandal sa pintuan ng bahay niya.
"Alam mo ba na natatakot na ang mga kapitbahay ko dahil sa bunganga ni Macy? Pakibilisan naman oh. Baka kainin pa ng baboy na iyon ang buong barangay namin," pakiusap ni Warren.
"Baka bisitahin pa ako ng mga pulis at mga tanod dito saka kakasuhan pa nila ako ng Section Nine Fourty-two Fifteen or Public Disturbances Noise where it is stated in number two that yelling and shouting in the streets is prohibited," dagdag ni Warren.
I was taken back dahil sa sinabi ni Warren. Since when did he know about those things?
"Aliyah! Tara na!
"Oo na! Ito na!"—humarap ako kina Warren at Kobe—"Thanks for the time guys, bye."
"Bye." Kobe waved.
"Lumayas ka na." Natawa ako dahil sa problemadong mukha ni Warren.
Nakita ko na si Macy sa labas ng bahay at nagsimula na kaming maglakad papunta ng eskinita.