THIRD PERSON'S POV Alas otso na ang gabi at napuno na ng mga bisita ang bahay ng mga Torres. Nagkagulo na ang mga tao; walang tigil ang kanilang pagsayaw at pagkanta kasabay ng malakas na tunog na nagmumula sa mga naglalakihang speaker ng bahay. Lumabas ng kusina si Honey at bitbit niya ang ilang mga inumin at pagkain. Sa kaniyang pagdaan ay binati siya ng kaniyang mga kaklase at ng iba pang mga bisita. Ngumiti si Honey sakanila at binati niya ang kaniyang mga bisita pabalik. "Hello! Enjoy the party—" "Honey! Nandito ka lang pala!" Lumingon si Honey sa kaniyang likod at nakita niya na si Loreen pala ito at may bitbit na pulang baso ang dalaga. Kasama ni Loreen ang ilang mga miyembro ng cheer squad at halata na sa mukha ng mga dalaga na lasing na sila. "Bakit? May problema ba?" tanong
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


