Chapter 40 : A Surprise

1620 Words

ALIYAH'S POV "Ano? Malayo pa ba tayo? Bakit ba kasi kailangan ko pang mag-blindfold?" naiirita kong tanong sa kaniya. "Humawak ka lang sa'kin, okay? Just be patient kasi malapit na tayo," rinig kong sabi ni Kobe at kumunot ang aking noo. Bakit ba kasi may blindfold pa? Ang dami talagang alam ng lalaking ito. Kanina pa ako naka-blindfold mula sa bahay hanggang sa ewan ko kung saan niya ako dinala ngayon. Biglang umihip ang malamig na hangin kaya kaagad kong niyakap ang aking sarili. "Ang lamig, nasaan ba tayo?" nanginginig kong tanong. Sana pala nag-dala ako ng jacket. "Tch. Bakit ba kasi ang ikli ng shorts mo? Ayan, nilalamig ka na," iritadong sabi ni Kobe at naramdaman ko na humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa'kin. "Sabi mo casual. Ito ang casual ko, okay?" paliwanag ko sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD