ALIYAH'S POV "Anak, lumabas ka na ng sasakyan. Dali, bilisan mo baka mahuli ka pa!" "Kita na lang po tayo sa loob!" Nagmamadali akong lumabas ng kotse at kumaripas ako nang takbo papasok ng campus. Kainis! Late na ako! Bakit ba kasi nakalimutan kong i-set ang aking alarm clock kagabi? Hinawakan ko na lang ng mabuti ang aking puting toga at binilisan ko pa ang aking pagtakbo. Bakit parang ang layo ng gymnasium? O sadyang mabagal lang talaga akong tumakbo? Jusko naman! Ilang minuto ang lumipas at nakarating na rin ako sa gymnasium. Naabutan ko na ang procession kaya kaagad kong hinanap ang section ko. "Aliyah! Dito!" tawag ni Loreen sa'kin nang nakita niya ako kaya tumakbo ako papunta sa kanya. "Alphabetical order ba ito?" tanong ko sa kaniya nang nakalapit na ako. "Oo. Doon ka na sa

