ALIYAH'S POV "Kalma lang tayo, mga peps! Alam ko na sa susunod na bukas na ang ating contest kaya kalma lang tayo!" "Kuya Eric, ikaw kaya ang kumalma? Kanina ka pa ha!" rinig kong sigaw ni Miles. It's been three days at sa susunod na bukas, sa umaga, ay contest na namin at sa hapon naman ay ang laro ni Kobe. Sa kasunod na araw naman ay graduation na namin. Hay grabe, ang bilis tumakbo ng panahon. Kakatapos lang ng final exams namin at laking pasasalamat ko kasi kinaya ko ang walong subjects sa loob isang araw. Speaking of exams, naawa talaga ako kay Warren kasi narinig ko kanina na hindi niya nagawang sagutan ang natitirang ten questions sa last subject namin. Sayang. Si Macy naman ay chill na chill lang habang nagte-take ng tests pero alam ko na mamaya ay iiyak na iyon dahil sa ginaw

