ALIYAH'S POV Anong oras na ba? Anong araw na? Gabi na ba? Umaga na ba? Pasko na ba? Ilang minuto na ba akong nakatingin sa kawalan? Epekto na ba ito ng walang sapat na tulog? Kung saang lupalop na ng Pilipinas nakarating ang aking isip at hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari kahapon. "Aliyah, hello? Nakikinig ka ba sa'min? Aliyah!" Isang kamay ang humarang sa aking paningin at dito ako bumalik sa aking sarili. "Ha?" Umayos ako ng pagkakaupo at naabutan ko na parehas nakatingin sina Macy at Loreen sa'kin. "Sinasabi ko na nga ba. Hindi ka nakikinig sa amin," matabang na sabi ni Macy. "Ano ka ba, Macy. Nag-iisip ang tao kaya pabayaan mo na muna siya," sabi ni Loreen kay Macy. "Nag-iisip? Heh, baka nananaginip ng gising," sabi ni Macy at sumandal siya sa kaniyang upuan saka niya ak

