ALIYAH'S POV "Teka, ano'ng sabi mo?!" "I don't want to repeat myself again. It's embarrassing!" Tinakpan ko ng libro ang aking mukha. "Owemji! Hindi ko alam agresibo pala siya. Imagine? Sa harapan talaga ng mommy mo?" Hindi makapaniwalang sabi ni Macy. "Shhh! Macy, ano ba! Baka marinig ka nila!" Nakakahiya kaya. "Oh dear, Aliyah, you've found yourself a wolf! Rawr!" Kinalmot ni Macy ang braso ko at bahagya ko naman siyang tinulak palayo. "Macy, tumigil ka nga!" Tinapon ko sa kaniya ang aking ballpen. Bakit ba ayaw niya akong tigilan! Kanina pa niya ako inaasar at nakakainis na siya. Sana pala hindi ko na lang sinabi sa kanya ang tungkol sa nangyari kahapon sa ospital. Nagtanong kasi si Macy kung kumusta na raw ang pakiramdam ko at ano ang nangyari kahapon sa ospital kasi tumakas pal

