RAIDEN: NAPAKAMEWANG akong nanghihinayang na pinapanood ang mga tauhan kong tinatabunan na sa hukay ang mga namatay naming baka at kabayo. Ang laki ring lugi no'n sa kita ng farm na aabot ng ilang milyon kung susumain. "Kuya, tingin ko may traydor dito sa loob kaya nangyari 'to," bulong ni Dale na katabi ko. Napahinga ako ng malalim na napahilot ng sentido ko. "May mga tinanggap ka bang baguhan sa mga trabahador natin?" Napanguso itong marahang tumango. Napabuga ako ng hangin na napakamot ng batok. Kilalang-kilala ko na ang halos lahat ng mga trabahador namin dito sa farm. Kaya nakakapagtaka na may gan'tong sumabotahe sa akin. Tiwala ako sa mga tauhan ko lalo na't maayos ang pakitungo ko sa lahat. "Dalhin mo sa opisina ko ang mga files ng mga baguhan. Ako ng bahalang mang-uusisa

