RAIDEN: BAGSAK ang balikat ko na lumabas ng shop ni Akhirah. Lumuwas ako ng syudad para makausap ito ng masinsinan. Masuyo kung may mali man akong nagawa. Handa naman akong magpakumbaba. Hwag lang kaming masira at magkalayong muli. Pero tila lumala pa ang nangyari. Aminado naman akong nasaktan ako sa inasta nito. Na parang ibang tao sa paningin nito. "Ano bang nagawa ko? Bakit ka ba nagkaka ganito, Akhirah?" piping usal ko na tumulo ang luha. Para akong kinukurot sa puso at walang ibang magawa kundi ang tahimik na lumuha sa mga nangyayari. Pagdating ko sa hotel na tinutuluyan ko ay bagsak ang katawan kong humiga ng kama. Pagod ako sa byahe pagluwas dito pero. . . ito pa ang bungad sa akin. Na para akong hayop na pinagtabuyan. Ni hindi ako bigyan ng clue para makuha ko manlang ang pun

