RAIDEN: NANIGAS ako nang napahagulhol itong tinakbo akong mahigpit na niyakap! Gulat man at puno ako ng pagtatanong ay ginantihan ko rin ang yakap nito ng mas mahigpit at panay ang halik sa ulo nitong nakasubsob sa dibdib kong humahagulhol. "I'm sorry, are you mad, sweetheart?" Umiling lang itong nakasubsob pa rin sa dibdib ko at mahigpit akong yakap-yakap na parang natatakot pakawalan ako. Napangiti akong ninamnam na lamang ang sandaling ito na mayakap ang mahal ko. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib at gumaan ang loob na bigla itong lumitaw dito. Bagay na hindi ko inaasahan. "What's going on here?" Napabitaw kami ng magsalita si Dale mula sa likuran namin na puno ng pagtataka ang tono. Palipat-lipat ito ng tingin sa amin ni Akhirah na nakamata lang din dito. "D-Dale? Buhay k

