Tiffany Alonzo Suarez Tatlong araw na ang nakalipas simula noong magkita kami ni Blake. Hindi ko akalain na magkasama na sila ni Jackie. Inaasahan ko na nagawa ng mga lalaking ‘yon ang trabaho nila pero hindi pala. She’s still here. Ruining my plan. I still can’t believe how Blake protected Jackie from me. Sobra ang galit niya sa’kin at hindi ko siya masisisi, dahil alam kong kasalanan ko lahat. Pero hindi ko inaasahan na sasabihan niya ako ng masasakit na salita. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa’kin ang mga sinabi niya. Alam kong nasasaktan siya, pero mas nasasaktan ako. Kasalanan ko kung bakit siya nawala, pero ang totoo, wala akong ibang choice kundi lumayo. Maayos na ako ngayon at handa na ulit akong mahalin siya ng buo. Handa na akong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko pero paano?

