Tiffany Alonzo Suarez Nagising ako sa isang kwarto na hindi pamilyar sa paningin ko. Inikot ko ang mata ko nang madatnan ko ang isang hubad na lalaki sa tabi ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ko rin ang sarili kong walang saplot. “s**t! What the f**k was happened?” Bulong ko sa sarili ko. Dahan-dahan akong tumayo sa kama habang nakatingin sa lalaki. Tahimik kong pinulot ang mga damit ko sa sahig at nagbihis. Maingat kong kinuha ang mga gamit ko sa couch nang mapansin kong gumalaw ang lalaki sa kama. Natigil ako saglit at inobserbahan kung nagising siya. “Shit.” Lumipas ang ilang segundo ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi siya nagising. Agad akong lumabas ng kwarto at kinuha ang cellphone ko para tawagan si Spade. Nakailang tawag na ata ako pero hindi niya ito sinasagot. “

