Jacquiline Villanueva Lumipas ang ika-dalawang buwan na pagtratrabaho ko kay Blake ay nakuha ko ang pangalawang sweldo ko. Dahil do’n ay naisipan kong dalawin ang kapatid kong si Lisa. Sobrang tagal na din ng panahon simula no’ng mawalay ako sa piling niya. Gustong-gusto ko na siyang makita, makasama, makausap at mayakap. Napagisip-isip ko din na kuhanin na siya sa ampunan nguni’t saan ko naman siya ititira? Hindi naman pwedeng itira ko siya dito. Hindi pwede. Ipapaliwanag ko nalang sa kaniya ng maayos ang lahat. Kasalukuyang nagpapahinga si Blake ngayon sa kwarto. Mahimbing siyang natutulog simula kanina. Noong mga nakaraang linggo, napapansin ko na lagi siyang umaalis sa condo. Tuwing tatanungin ko siya kung saan siya pupunta hindi niya ako sinasagot. Napapaisip tuloy ako kung ano

