Jacquiline Villanueva Gabing-gabi na pero wala pa rin si Blake. Tinignan ko ang orasan at tatlong minuto nalang madaling araw na pero hindi pa rin siya umuuwi. Simula no’ng malaman niya na uuwi ang mommy niya sa pinas ay bigla nagbago ang mood niya, pati na rin pakikitungo niya sa’kin. Lagi siyang galit, masungit, irritable, at naiinis. Hindi ko nalang siya masyadong kinakausap para walang gulo. Hindi niya sinasabi sa’kin ang problema pero isa lang ang naiisip ko. Iyon ay galit siya sa mommy niya. Hindi siguro sila magkasundo. Pabalik-balik akong naglalakad sa harap ng pinto. Hindi ako mapakali. Hindi ko maiwasan hindi mag-alala dahil 10:00 am palang ay umalis na siya sa condo na walang pasabi. Hanggang sa naisipan kong hintayin nalang siya sa entrance ng building. Isinarado ko ang bi

