Jacquilline Villanueva Iminulat ko ang mga mata ko at agad kong tinignan ang oras. 6:30 am. Masyado pang maaga. Tatayo na sana ako sa pagkakahiga nang mapansin ko ang mukha ni Blake. Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Inilapit ko ang sarili ko sa muka niya at tinitigan itong mabuti. Naalala ko ang mga nangyari sa amin kahapon. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko bakit ko ginawa ang bagay na ‘yon. Bakit ko siya hinalikan? Bakit ko siya binigyan ng pagkakataon na angkinin ako? Pero sa ginawa kong ‘yon, wala akong pinagsisihan. Ginusto ko ang nangyari. Nadala ako sa emosiyon ko. Do’n ko lang din naramdaman ‘yung kakaibang pakiramdam na binigyan niya ako ng pagkakataon na maging masaya—maramdaman na para bang ako lang ang nag-iisang espesiyal na tao sa mundo. Sa mga mata niya, ako

