Chapter 7: No Choice

2282 Words
 Jacquiline Villanueva Isang buong linggo kong pinag-isipan kung tama ba ang gagawin kong desisyon. Ang desisyon na dalhin at iwan si Lisa sa bahay ampunan. Labag ito sa loob ko. Mahirap at masakit para sa akin ang desisyon na ‘to pero ito nalang kasi ang natatanging paraan upang hindi na maranasan ng kapatid ko ang hirap na kinakaharap namin ngayon. Sinabi ko sa sarili ko noon na hindi ko kayang mawalay sa tabi ko si Lisa. Hindi ko kaya na mawala siya sa piling ko pero para sa kapakanan niya, gagawin ko ang lahat para maging ligtas siya. “Ate? Saan po tayo pupunta? Bibili po ba tayo ng pagkain? Nagugutom na po ako eh.” Saad niya.  Kinapa ko ang bulsa ko kung may natitira pa ba akong barya pero wala na. Naubos na ang binigay na pera sa akin ni Ate Maya. Isang linggo na rin kasi ang nakalipas simula no’ng umalis kami sa bahay ni uncle Wade. Tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko hindi ko pa rin makalimutan lahat ng nangyari sa akin tila lahat ng panaginip ko ay naging bangungot simula ng araw na ‘yon. Sa kabila ng mga bangungot na ‘yon, pinipilit ko pa rin maging matatag para sa amin ni Lisa. “Lisa pasensya kana. Wala ng natitirang barya si ate eh. Pero may pupuntahan tayong lugar. Doon maraming pagkain, may mga bata, may mga laruan, may mahihigaan. Doon ligtas ka at maalagaan." Pilit akong ngumiti habang sinasabi ito sa kaniya pero sa kabilang banda kumikirot ang dibdib ko dahil nasasaktan ako sa gagawin ko. “Ate anong ibig mong sabihin?” tanong niya. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagtataka.   Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Nararamdaman ko nanaman ang luhang nangingilid sa mga mata ko. Pilit ko itong pinipigilan. “Magtiwala ka lang kay ate, maayos din ang lahat.” “Opo ate. Tiwala po ako sa’yo na hindi mo ko iiwan at papabayaan." Nakangiting tugon niya. Sumikip ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Nasasaktan ako dahil sa sisirain kong pangako na hindi ko siya iiwan.  Sobrang bigat sa kalooban ko ang gagawin kong desisyon pero kailangan. Hindi ko hahayaang madamay pa siya sa mga kamalasan ko. Hindi ko hahayaang maghirap siya ng dahil sa akin. Ilang oras din ang ginugol namin sa paglalakad at nakarating din kami sa bahay ampunan. Pumasok kami sa loob habang si Lisa ay wala pa ring imik. Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari. Huminga ako ng malalim. Sana sa pagdating ng panahon maintindihan niya ako kung bakit ko ginawa ito. Sana… Nang makapasok kami sa loob ay agad kaming pumunta sa opisina. Iniwan ko si Lisa sa labas ng pinto at kinausap ang madre na nasa loob ng silid. “Magandang araw po."” Pag bati ko. “Magandang araw din. Anong maiitutulong ko sa'yo?” tanong ng madre sa akin. Kumuha muna ako ng lakas ng loob bago mag salita. “Sister baka pwede ko pong ipagkatiwala sa inyo ang kapatid ko. Taong lansangan po kami at wala na po kaming mapupuntahan. Ito nalang po ang paraan na naisip ko para hindi na po mahirapan ang kapatid ko na manirahan sa kalsada kasama ako. Ayoko rin pong ibuwis ang buhay niya. Delikado po ang lansangan para sa musmos na batang katulad niya. Nagmamakaawa po ako... Kunin niyo na po siya." Pagpapaliwanag ko. Tumulo ang mga luha sa mata ko pero agad ko rin itong pinunasan.   “Naiitindihan kita Iha. Mabuti na lamang at may mga naampon ng bata kanina. Nagkaroon kami ng mga bakanteng silid para sa kaniya. Asaan siya ba siya iha? Tama ang naging desisyon mo. Mas ligtas siya rito." Sagot ni sister. Hinawakan niya ang balikat ko para pagaainin ang loob ko. Napansin niya atang umiiyak ako. “Nasa labas po siya. Sister, pwede po ba akong makiusap sa inyo?" tugon ko. “Ano ‘yon iha?” “Alagaan niyo pong mabuti ang kapatid ko sister. Si Lisa nalang po ang mayroon ako. Siya nalang po ang pamilya ko. Marami na po kaming napagdaanang paghihirap. ‘Wag niyo po sana siyang pababayaan. Napakabait po niyang bata. Babalikan ko siya dito sister. Babalik po ako.” Paki-usap ko sa kanya. “Makakaasa ka iha.” Sagot niya at ngumiti. Lumabas ako at kinausap si Lisa. “Bunso,” hinawakan ko ang mukha niya. “Iiwan muna kita dito ha. Maghahanap lang muna ng trabaho si Ate. ‘Wag kang mag-alala babalikan kita. Babalik ako..." Sambit ko at pilit pinipigilan tumulo ang nangingilid na luha sa mata ko.    “Ate iiwan mo ko? Asan po ba tayo? Ano po bang lugar ito?” Nagtatakang tanong niya. Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. “Bahay ‘to ng mga madre. Nakikita mo ang maliit na simbahan na ‘yon?” turo ko sa church na katabi ng orphanage. “Ibig sabihin niyan kasama mo si Papa Jesus dito kaya ‘wag ka mag-aalala ligtas na ligtas ka kela sister. Marami ring bata dito. Marami kang pwedeng makalaro. Kaya dito ka muna ha? Babalik ako para kunin ka ulit. Wag kang mag-alala Lisa. Babalikan kita." Pag papaliwanag ko. Hindi ko na napigilan tumulo ang mga luha sa mata ko. Sobrang sakit. Sobra yung kirot sa dibdib ko. Pinunasan niya ang mga luha ko at tumingin sa mga mata ko.   “Ate naiintindihan k-kita,” tumulo na rin ang luha sa mga mata niya. “Magiging maayos po ako rito. ‘Wag ka pong mag-alala. Pag hindi ka po bumalik agad, hahanapin po kita.”  Nagulat ako sa mga sinabi niya. Alam kong alam niya kung anong lugar ito. Malinaw sa akin na naiintindihan niya ang desisyong ginawa ko. Mas lalong bumuhos ang luha sa mga mata ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. “L-Lisa…” Bulong ko sa pangalan niya habang patuloy pa ring umiiyak. “Ate tahan na. O-okay lang po ako.” Inayos ko ang sarili ko  at tumingin muli sa mga mata niya. “Babalikan kita Lisa. Pangako ko ‘yan sayo. Babalik ako.” Ngumiti siya habang may mga luha pa rin rumaragasa galing sa mata niya. “Pinky promise ate?” Inilahad niya ang pinky finger niya sa harap ko.  “Pinky promise bunso. Always remember love na love kita. Magpapakabait ka rito ha?” Pagpapaalala ko. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. “I love you Ate.” “I love you too bunso.”   Niyakap ko ulit siya ng mahigpit. “Sister k-kayo na pong bahala sa kaniya h-ha.” Tumango si sister sa akin at kinuha si Lisa sa mga palad ko. Sumulyap muli ako sa kaniya. Matapos ‘yon ay nagpaalam ako at tinalikuran siya. Naglakad ako palabas ng ampunan habang patuloy umaagos ang luha sa mga mata ko. Sobrang bigat ng dibdib ko. Sobrang sakit ng desisyon na ‘to. “Ate babalik ka ha! B-bumalik ka ha! Hihintayin kita a-ate! Pero pag hindi ako nakapaghintay hahanapin k-kita!" sigaw niya. Ipinikit ko ang mga mata ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at patuloy pa rin sa paglalakad palabas sa ampunan. Hindi na ako lumingon pa dahil alam kong pag ginawa ko ‘yon, 'di ko mapipigilan ang sarili kong kunin siya at hihilain pabalik muli sa akin. ‘Patawarin mo ko Lisa para din ito sa ikabubuti mo... Patawarin mo ako... Pangako ko babalikan kita.. Babalikan kita... Pag maaayos na ang lahat...’   *** Simula nang iwan ko si Lisa sa bahay ampunan gabi-gabi akong umiiyak. Gabi-gabi ko siyang namimiss. Alam kong maayos ang lagay niya ro’n. Tiwala akong kumakain siya ng tama at natutulog sa maayos na tulugan hindi kagaya nito. Malalim na ang gabi, nasa kaligitnaan ako ng kalsada habang nilalakbay ang daanan na hindi ko alam kung saan papunta. Asan na nga ba ako? Ilang araw na akong naghahanap ng trabaho pero wala pa ring tumatanggap sa akin miski janitress ay hindi ako kwalipikado. Bakit ba hindi ako natatanggap? Dahil ba madungis na ang itsura ko? Dahil ba muka na akong taong grasa? Ilang araw na rin akong namamalimos para makakain. Kinakapalan ko na ang mukha para humingi ng pera sa mga tao. Gusto ko lang naman maibsan ang gutom na nararamdaman ko at mairaos ang bawat araw na dumadaan. Matapos ang ilang oras na paglalakad ay nakarating ako sa isang parke kung saan wala masyadong tao. Naghanap ako ng lugar na matatambayan at umupo. Suminghap ako ng sariwang hangin at dinadampot ang mga bato sa tabi ko. Habang nagmumuni-muni, ibinabato ko ang mga ito lawa na nasa harap ko. Isang napakatahimik na gabi ang bumabalot sa paligid. Tanging mga poste ng ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa parke. Tanging huni lang rin ng mga insekto ang naririnig ko. Habang nakatulala sa kawalan ay sumagi muli sa isip ko ang mga nangyari sa akin—sa amin at hindi ko nanaman mapigilan makaramdam ng sakit sa dibdib ko. Pinilit kong palakasin ang loob ko at sabihing kaya ko ‘to. Mairaraos ko rin lahat ng problemang ‘to. Sa kabila lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan ko. Naniniwala ako na dadating ‘yung panahon na mararansan ko rin ang magandang buhay na inaasam-asam ko. "My door is always open for you Ms. Villanueva." Isang tinig ang narinig ko sa isipan ko.  Tumayo ako ng maalala ko ang mga linyang iyon. Hindi! Hindi ko dapat tanggapin ang trabahong ‘yon! Hindi ko kaya! Napailing ako. But I have no choice. Iyon nalang ang naiisip kong paraan para kumita ng pera. Isipin mo nalang Jackie, para kay Lisa ang lahat ng 'to at para sa sarili mo. Oo. Tama! Isipin mo nalang na makakatulong ‘to para mabigyan ng magandang buhay si Lisa. Bumuntong hininga ako at sinunod ang sinasabi ng utak ko. *** “You're back Ms. Villanueva. Sabi ko na nga ba at kakailanganin mo rin ako.” Nakangising saad niya sa akin. Oo, tama kayo. Nilunok ko lahat ng sinabi ko at bumalik ako para kunin ang trabahong ‘to. Nakatayo ako malapit sa pinto at walang emosiyon siyang tinanong. “Bukas pa po ba ang trabahong inaalok mo?” “Of course. Hinihintay kitang bumalik. And here you are.” Hindi makapaniwalang saad niya. “I’ll accept your offer.” Sagot ko. Nagulat siya sa sinabi ko. “Why do you change your mind?” Umupo siya sa office chair niya at itinaas sa lamesa ang mga paa niya. Hindi ako sumagot. Bumuntong hininga ako at naglakad papalapit sa table niya. Ayaw ko man tanggapin ang trabahong 'to, pero ano pa bang pagpipilian ko? Wala. Wala akong choice. Kailangan kong makaahon, kailangan kong pagbayarin ang mga taong sumira sa buhay ko—sa buhay namin. Dahil sa mundong 'to, pag wala kang pera talo ka.  Napansin kong may butil ng luha na tumulo sa pisngi ko, kaya agad ko itong pinunasan. Ilang beses ko itong pinag-isipan. Ang kailangan ko lang ngayon ay makapagtrabaho upang mabawi ko ang kapatid ko. Gusto ko siyang mabigyan ng sariling matitirhan. Sariling bahay. Sarili kama. Sariling laruan. Ayoko na siyang magutom. Gusto ko siyang makapag-aral at mabuhay na isang normal na bata. Masaya at walang iniindang problema.  Sabihan niyo na lahat ng masasakit na salita sa akin. Sabihin niyo na akong desperada pero wala akong pake. Kailangan kong balikan si Lisa. Gusto ko pag kinuha ko na siya doon, may magandang buhay na akong maibibigay sa kanya. “Take a sit. I wonder do you change your mind?” ani niya. Tumingin lang ako sa kaniya at nag-aalangang sagutin ang tanong niya. “Why?” pag-uulit niya pa.  Binaling ko ang tingin ko sa ibang direksiyon bago siya sinagot.  “Kailangan ko ng trabaho. Kailangan ko ng pera.” Sagot ko.  “That's all? Nakikita ko sa mga mata mo that you're lying. I know you have your perfect reason why.”  “Yes! At kung ano man ‘yon pwede bang akin nalang?"  Natigil siya sa sinabi ko.  “How dare you to—” Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang may biglang pumasok sa opisina. Lumingon ako sa pintuan at nakita ko ang isang matandang lalaki na nakasuot rin ng business suit. Siya ang matanda na nakasalubong ko no’ng nakaraan.    “Dad! Anong ginagawa mo rito?” Nakita kong kumunot ang noo ng matanda at tinignan siya ng masama. “How dare you to question me Hansley? Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa'yo niyan? Anong ginagawa mo sa opisina ko?” Ramdam ko sa boses ng matanda ang pagkainis.  Napataas ang kilay ko dahil sa narinig ko. Hansley ang panagalan niya? At hindi siya ang CEO kundi ang dad niya? Bakit niya ako niloloko!? “Helping a cousin?” tugon niya.  “Are you fooling me Hansley!? At sino naman ang babaeng ‘to!?” turo niya sa akin. Hindi na lang ako umimik. “No! Hindi. Mali ang iniisip mo dad. I just wanted to help Blake. Uh, can we talk outside?" Sumulyap silang dalawa sa akin bago lumabas.  Nang mawala na sila sa paningin ko. Huminga ako ng malalim. Ano nanamng problema ‘tong pinasok ko? Kung hindi ko makukuha ang trabahong 'to paano na lang? Hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta. Naisip ko nanaman si Lisa. Hindi ko siya pwedeng kunin kung wala pa akong magandang buhay na maibibigay sa kaniya. Namimiss ko na siya. Isang linggo pa lang akong nawalay sa kaniya pero pakiramdam ko isang taon ko na siyang hindi nakakasama. Agad kong pinunsan ang luha ko nang marinig ko silang pumasok.  “Why are you crying?” narinig kong boses na tanong ni Hansley Napaayos ako ng upo.  “Wala. Napuwing lang po ako, Sir. Tuloy pa po ba ang pag-aapply ko?” tanong ko. Bigla naman sumagot ang daddy niya. “Oo iha. Just continue the interview Hansley.” “Actually dad. It's done. Kailangan nalang niyang pirmahan 'to. You passed. Sign it.” Inilapag niya sa harap ko ang application at evaluation form ko.  “Pero hindi pa naman tayo nagsisimula sa inter—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang pigilan niya ako. Hindi pa naman nagsisimula ang interview. Bakit sinabi niyang pasado na ako?  “Sign before I change my mind.” Seryosong sambit niya. I signed it.  “Thank you. I'll do my best to do my work.”  Tumango lang si Hansley sa akin. “Mag-ayos ka iha. You need to be presentable in front of your boss.” Sambit ng matanda.  Tama nga ang nasa isip ko noon pa. Hindi sila ang taong pagtatrabahuan ko. “Pwede ko po bang malaman kung sino ang boss ko?” tanong ko. “It's for you to find out. Excuse me. I need to see my wife.” Sambit ng matanda at umalis. “Dadalhin ka namin sa kaniya don't worry. Papasamahan kita sa employee ko para makapag-ayos. Follow me.” Wika naman ni Hansley.   Hindi na ako umimik pa at sinunod nalang ang sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD