Chapter 6: Suffering

1665 Words
Jacquiline Villanueva “Ate? Andiyan ka po ba? May meryenda po akong dala.” Rinig kong tawag ni Lisa mula sa labas ng kwarto ko. Hindi ko binuksan ang pinto. Hindi rin ako sumagot o nagsalita.  Inayos ko ang sarili ko at tumayo sa kama habang nakatapis ng tuwalya. Ika-ika akong pumunta sa cabinet. Hindi ako masyadong makalakad dahil medyo masakit ang pribadong parte ng katawan ko. Hindi ko akalain na kaya akong babuyin ng sarili kong tiyuhin. Hindi ko matanggap ang nangyari. Andito pa rin yung takot at nerbiyos na nararamdaman ko. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Nagmadali akong kunin lahat ng gamit at damit namin. Aalis na kami rito. Hindi ko hahayaan pati ang kapatid ko ay mapahamak dahil kay uncle Wade. Nagmadali akong magbihis. Pinunasan at kinuskos ko ng basang tuwalya ang buo kong katawan. Tumingin ako sa salamin. Pero hindi ko magawang pagmasdan ang sarili ko. Rumagasa ang luha ko.   Nandidiri ako. Diring-diri ako sa sarili ko! Pinili kong sabihin sa sarili ko na kaya ko pa pero hindi mawala sa isip ko lahat ng nangyari kanina. Wala akong nagawa kundi umiyak. Wala akong nagawa kundi panoorin siya habang binababoy ako. Hindi ako nakapalag. Hindi ako nakapanlaban. Sobrang hina ko. Ang hina-hina ko… “Ah!” Malakas na sigaw ang pinakawalan ko at binato ang gamit na hawak-hawak ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hindi magwala. Tama na! Ayoko na! Sobra na!  “Pagbabayaran mo lahat ng kababuyang ginawa mo. P-pagbabayaran mo lahat ng ‘to!” Galit na galit na bulong ko sa sarili ko. Lahat nalang ng bagay na mayroon ako ay kinuha na sa akin. Lahat nalang ng bagay na ginugusto ko ay pinagkait sa akin. Ano pa ba ng dapat kong gawin? Bakit ba ako patuloy na pinapahirapan ng tadhana? Hindi pa ba sapat lahat ng nangyari sa akin? Sa amin? At pati pagkatao ko… p********e ko… Wala na… Kahit isa para sa sarili ko walang natira. “Ate? Okay ka lang ba!? Ate bakit ka sumisigaw? Buksan mo po ang pinto!” Nag-aalalang tanong ni Lisa habang patuloy ang pagkatok sa pintuan.           Pinupunasan ko ang mga luha sa mata ko pero hindi ko mapigilan ang patuloy napag-agos nito. Iniisip ko si Lisa. Iniisip ko ang kapakanan niya. Ayokong dumating ang araw na magaya siya sa akin. Ayokong maranasan niya ang hirap na nararanasan ko. Ayoko maranasan niya ang pangbababoy na katulad nito. Masyado pa siyang bata para mamulat sa mga ganitong sitwasyon. Kasalanan ko ‘to. Dinala ko siya dito. Kung saan alam kong hindi kami ligtas. Nag tiwala ako... Nagtiwala ako sa maling tao na hindi naman dapat pero anong magagawa ko? Wala akong malapitan. Wala akong masandalan. Patong-patong na lahat sa isip ko. Hindi ko na alam kung ano ginagawa ko. Kung tama pa ba ‘to o hindi. Hindi ko na alam. Ang kirot sa dibdib. Ang sakit-sakit. Nang matapos akong mag bihis ay agad kong binuksan ang pinto. Nakita ko si Lisa sa harap ko may hawak-hawak na tray ng pagkain. Ipinababa ko sa kaniya ito. Hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap. Sa papamigtan ng mga yakap na ‘yon gumaan ng onti ang loob ko. Umiyak lang ako habang yakap-yakap siya. Tinanong niya ako kung anong problema pero hindi ako nagsalita. Umiyak lang ako. Si Lisa nalang ang dahilan kung bakit nagpapatuloy pa ako sa buhay. Siya ang dahilan kung bakit tinitiis ko lahat ng hirap. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati siya mawawala rin sa akin. “Ate? Anong nagyari sayo?” naguguluhan na tanong niya.   Tuwing naririnig ko ang mga boses niya na tinatawag akong Ate. Dinidikdik ko sa isipan ko na may dahilan pa ako para mabuhay. May dahilan pa para magpatuloy. Pero dahil sa nangyari bakit ang hirap sabihin sa sarili ko ‘to? Bakit? Kumalas ako sa pagkakayakap kay Lisa at tumingin sa kaniya. “Umalis na tayo dito.” Kinuha ko ang kamay niya at ang mga gamit namin sa loob ng kwarto sabay lumabas ng kwarto. Maingat kaming naglalakad pababa ng living room nang makita namin si uncle Wade na nakatayo sa garden habang naninigarilyo. “Jackie.” Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Ate Maya sa harap namin. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala. “Hi Ate Maya.” Bati ni Lisa. Nginitian naman siya nito. “Ate Ma—” “Shh. Alam ko ang nangyari,” nagulat ako sa sinambit niya. Umiling nalang ako hudyat na ‘wag ituloy ang sasabihin niya dahil ayokong marinig ‘yon ni Lisa. Tumango siya. “Sundan niyo ako at ito… kunin mo ‘to.” Dumukot siya ng pera sa bulsa niya. Binigyan niya ako ng limang daan piso. “Ate Maya para saan po ito?” “Tulong ko na ‘yan sa inyo. Alam kong tatakas kayo. Andito ako para tumulong.” Sambit niya. Halos mapaiyak ako sa sinabi niya. Tatanawin kong utang na loob ‘to sa kaniya.   “S-salamat ate M-maya.” Sagot ko. “Ate saan tayo pupunta?” tanong ni Lisa. “Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya pero sa ngayon kailangan mo muna izip yung mouth mo ha.” Utos ko at sumangayon naman siya. Sumunod kami kay Ate Maya sa likod ng bahay. Doon niya kami pinadaan sa ikalawang gate kung saan malayo ang garden. “Maraming salamat Ate Maya. Tinatanaw ko ‘tong malaking utang na loob.” Saad ko. Lumapit sa akin si Ate Maya at bumulong. “Nagpapatakbo ng illegal na sugalan at droga ang tiyuhin mo. Gumagamit din siya ng pinagbabawal na gamut. Nawawala sa katinuan kaya ‘wag na ‘wag na kayong babalik rito. Ayoko maulit ang nangyari sa’yo dahil alam ko ang pakiramdam no’n. Paulit-ulit niya rinakong b-binababoy,” natigil siya sa sinabi niya at huminga ng malalim. “Magpakatatag ka. Kaya mo ‘yan.” Matapos niyang ibulong ‘yon ay niyakap niya ako ng mahigpit. Sobrang higpit. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Niyakap ko siya pabalik. Ngayon lang ako nakaramdam ng comfort sa ibang tao. Tumulo nanamaman ang luha sa mata ko. “Sali po ako.” Wika ni Lisa at yumakap din sa amin.   Ngumiti kami. “O sige na umalis na kayo bago pa tayo makita ni Sir Wade dito. Mag-iingat kayo ha. Lalo kana Lisa. Ingatan mo ang ate mo.” Ani Ate Maya. Niyakap niya si Lisa at tumango siya sa akin. “Salamat Ate Maya.” Saad ko. “Bye Ate Maya.” Pagpapaalam naman ni Lisa. Matapos ‘yon ay nagmadali kaming umalis palayo sa impyernong bahay na ‘yon.   Napahigpit ang hawak ko sa bag ko dahil sa nalaman ko tungkol kay Uncle Wade at kay Ate Maya. Inisip ko kung gaano ako katanga para sumama sa taong hindi ko lubos na kilala kahit na kapamilya ko pa. Hindi ko akalain na sindikato pala ang tiyuhin ko. Nag-aalala rin ako kay Ate Maya. Dapat umalis na rin siya sa lugar na ‘yon. Hindi siya dapat nando’n. “Ate? May problema ba? Kanina ka pa po tahimik at umiiayak.” Ani Lisa. Hindi ko napansin na umiiyak pala ako. Lumuhod ako sa harap ni Lisa upang pantayan siya. Tumingin ako sa mga mata niya at nag salita. “Okay lang ako Lisa. ‘Wag mong alalahanin si Ate. Magpakatatag ka palagi ha.” Sambit ko. “Oo naman po ate basta d’yan ka lang palagi sa tabi ko ah.” Nakangiting sagot niya. Tumango naman siya bilang sagot at niyakap ako. Tumungo kami sa pulisya upang magsumbong nguni’t pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ay nakita ko agad ang pigura ni uncle Wade na nakikipag-usap sa mga pulis. Anong ginagawa niya rito? Sinisigurado niya ba na hindi kami makakapagsumbong? “Ate bakit tayo andito? Ate si uncle Wade oh.” Wika ni Lisa. Mabilis ko namang tinakpan ang bibig niya. Nagulat ako nang biglang napadako ang tingin ni uncle Wade sa kinaroroonan namin. Halos manlaki ang mata ko nang maglakad siya papalapit siya samin. “Lisa tara na.” Hinawakan ko ang kamay niya at tumakbo kami ng mabilis papalayo sa lugar na 'yon. Narinig ko ang sigaw ni Uncle Wade nang tawagin niya kami. Hindi ko ‘yon pinansin at nagpatuloy na tumakbo papalayo. ‘Magbabayad ka rin sa ginawa mong pangbababoy sa akin uncle Wade. Hindi ako makakapayag na hindi ka mabubulok sa kulungan!’ Sa isip-isip ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim nang hinawakan ni Lisa ng mahigpit ang kamay ko. “Ate tahan na. Nalulungkot ako po ako pagnakikita po kitang umiiyak.” Sambit niya.  “Pasensiya na Lisa." Wika ko.  Tumigil siya sa paglalakad. Tumingala siya sa akin upang tignan ako.  Pinilit kong ngumiti. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.  “Ate alam kong hindi ka okay. Andito lang ako palagi para sa’yo ate. Wag kang mahiyang magsabi.” Wika niya. Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit.  Parang tinusok ng libo-libing karayom ang dibdib ko. Nakakainis! Ako dapat ang nagpapalakas ng loob niya. Ako dapat! Hindi nanaman napigilan ng mata kong umiyak. Niyakap ko nalang ulit siya at hinalikan sa noo. “Always remember love na love ka ni ate.” Pagpapaalala ko.   “Love na love din kita ate kaya wag ka ng umiyak." Sambit niya at hinalikan ako sa pisngi.  Nagsimula muli kaming maglakad at maghanap ng matutuluyan nang biglang nagtanong si Lisa. “Ate, bakit po pala tayo umalis sa bahay ni uncle Wade?” nagulat akong tanong niya. Ano ang isasagot ko? Hindi ko naman pwede sabihin sa kanya ang nangyari at ayokong malaman niya na binaboy ako ng sarili naming tiyuhin.  “A-ah ano kasi Lisa… Kailangan na nating umalis do’n dahil nagiging pabigat na tayo sa kanya. ‘Wag ka mag-alala ako ang bahala sa'yo." Sabi ko habang pilit na ngumiti upang ipakita kay Lisa na okay lang ang lahat. “Saan tayo tutuloy ngayon ate?” tanong niya. Saan nga ba?  “Alam mo ba yung park na pinuntahan natin dati? Doon muna tayo Lisa, pansamantala." Sambit ko. Nakita ko namang lumawak ang ngiti niya nang sabihin ko iyon. “Talaga ate? Napakaganda sa lugar na yon! Sige po! Gusto ko po do’n may mga playground at maraming bata! Hanggang kailan tayo don ate?” “Hanggang sa mag sawa tayo sa lugar na yon.” Sambit ko. “Okay ate! Basta kasama kita kahit saan tayo mag punta ayos lang. Wag mo kong iiwan ha.” Sabi niya sabay ngiti. Naramdaman ko naman ang pagkirot ng dibdib ko nang sabihin niya ang mga katagang "Wag mo kong iiwan". Napaka labo ng mga katagang ito Lisa. Hindi ako nakakasiguradong mananatili ako sa tabi mo dahil isa lang ang naiisip kong paraan para mailayo kita sa buhay na kinakaharap na'tin ngayon. Patawarin mo ko sa gagawin ko Lisa.  Patawarin mo ko....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD