Chapter 23: Conversation

1761 Words

Jacquiline Villanueva Nang makaalis na sina Blake sa dining area ay agad akong pumunta sa living area. Dito ko nalang siguro siya iintayin. Naupo ako sa sofa pero napansin ko na kanina pa ako tinitignan ni Spade. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang dahil sa ginagawa niya. Kinakausap niya ako pero hindi ko siya sinasagot dahil sabi ni Blake sa akin, wag ko daw siyang kausapin. Pag hindi ko sinunod 'yon alam kong malalagot ako. “Hindi mo talaga ako kakausapin?” tanong niya at umupo sa harap ko. Umiwas ako ng tingin pero patuloy pa rin siya sa pagsasalita. “By the way, congratulations. Hindi ko alam na engaged kana pala sa kapatid ko. Blake is very lucky to have you.” Kahit ako hindi ko alam na engaged na ako. Bigla nalang sumulpot 'tong sing-sing na 'to sa kamay ko. Hanggang ngayon, palai

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD