Jacquiline Villanueva Habang nag-aayos ako sa sarili ko ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone ni Blake. Agad naman niyang sinagot ito at lumabas ng kwarto. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Suot-suot ko ang damit na ibinili niya sa akin. Isa itong pulang bistida na awas ang balikat at hanggang tuhod ang haba. Hindi naman siya gano'n kaelegante. Tama lang para sa hapunan mamaya. Ngumiti ako nang maalala ko ang mga salitang binulong ni Blake kahapon. “You’re gorgeous.” Nagandahan ba talaga siya sa akin? Matapos kong mag-ayos ay naisipan kong pumunta sa living room upang silipin si Blake. Habang naglalakad ako papunta ro’n ay narinig ko siyang sumisigaw. Nagtago ako sa pader ng hallway at pinakinggan ang kaniyang mga sinabi. “If that is the thing she wanted to discuss, I'll bett

