#MyObsessedEx ____ "Karl!" Napalingon kami. Bigla ako napaayos ng upo at tumingin sa harap. May tatlong lalake na papalapit at dalawang babaeng nakatwo piece rin na papunta rito. "Oh? Dret? Nandito rin kayo?" Tanong ni Karl sa ngayon ay nakatayo na. Ngumisi naman yung lalakeng Dret daw. "Of course! Ikaw lang ba?" Hindi ko na sila pinansin at yumuko nalang para kumain nalang. Pero medyo naiinis ako dahil pakiramdam ko ay naaout of place ako. "Shet! Ang hot mo pa rin Karl!~" Tumaas ang kilay ko at pasimpleng tumingin sa babaeng pasimple rin tinatama ang boobs niya sa braso ni Karl. Napabuga ako. Ang Landi. Napairap nalang ako. "Really? Come on Hally! Di ka parin ba nagbabago?" Rinig kong sabi naman ni Karl. Anong bago? Pahumble pa tsk! "Hindi naman ako magbabago pagdating sayo eh"

