#MyObsessedEx ____ "Bakit mo pala ako dinala dito?" Tanong ko habang kumakain. Ang ganda nga kasi nasa tuktok kami ng yacht kung saan makikita mo ang kabuoan ng mga bituin. "Dahil gusto ko.." Tumingin ako sakanya ngunit napabuntong hininga ako. "Bakit mo ba kasi ito ginagawa? Iuwi mo nalang ako at pangako hindi na ako magagalit sayo" Sabi ko kahit alam kong walang panigurado ang mga binitawan ko. "Tammy kahit ngayong buwan lang. Kahit sa susunod na araw lang. Kaarawan ko na.." Tumigil ako sa pagkain at napatitig sakanya. Ngumiti siya ng malungkot. "Siguro ngayong buwan lang. At pagkatapos ay hindi na kita lalapitan. Hindi na kita aangkinin. Maghahanap na ako ng iba. Bibitawan na kita kung sakali ay mapagbigyan mo ako nang pagkakataon na makasama k-ka" Bigla ako nawalan ng gana. Napa

