"Yes Tyrone, pumapayag na ako na maging girlfriend mo. I love you," sabi ko.
Napatili ako dahil sa biglaang pagbuhat niya sa'kin. Abot tenga ang ngiti niya habang ginagaaa iyon.
"This is now my girl!"
He shouted with joy.
-
"Will you marry me Blythe Valdez?"
He asked while kneeling and looking at me with his jet black eyes.
Sobrang saya ko. Nanghihina ang tuhod ko, nanginginig ako habang nilalahad sa kanya ang kamay ko.
"Yes I will, I love you."
I said then the crowd cheered no'ng nilagay niya na ang singsing sa kamay ko.
Hinawakan ko ang pisngi niya saka siya hinalikan sa labi. Pagmulat ko bumungad sa'kin ang nag niningning na itim niyang mga mata.
-
"You may now kiss the bride."
The priest announced.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang belo ko and I mouthed 'I love you' to him, he just gave me a smile.
May naramdaman akong kirot pero agad ring naibsan. For now, for me, his smile is enough to assure me his feelings.
-
Those memories are still vivid to me. Parang kahapon lang ang lahat.
He's the man that I wished for. I'm willing to give up everything for him. Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na hindi lang talaga siya showy. Asawa ko siya at dapat ko siyang intindihin. Those three words are important to me, pero mas importante siya para sa'kin.
"Blythe?"
He snap out.
"W-what?" tanong ko.
Bumuntong hininga siya nang napakalalim.
"You're not listening."
He said with the tone of disappointment.
"Ano ba kasi 'yon?"
Tanong ko at nag focus sa kanya.
Tinitigan niya ako, para akong nalunod sa titig niya. Pakiramdam ko nakita na niya ang kaluluwa ko. His eyes, his jet black eyes.
"Huwag na, hindi ka naman nakikinig. Pasalamat ka ma-"
Hindi niya na tinuloy yung sasabihin niya then my curiosity struck me.
ma ano? ma-ganda, ma-bait, ma-puti, ma-halaga, o ma-hal?
"Pasalamat ako ano?"
I said to him he just glare at me saka niya binuksan ulit yung laptop niya.
"Hey, kinaka usap pa kita! Saan ako mag papasalamat?"
Sabi ko saka sinara yung laptop niya.
"Pasalamat ka malakas ka sa' kin."
Sabi niya na parang wala lang at binuksan niya ulit yung laptop niya.
Aray naman, umasa ako dun, eh.
"Nagpagupit nga pala ako kanina bago umuwi," sabi nito.
"Hindi ko napansin." Hinawakan ko ang itim na itim niyang buhok na laging naka-clean cut.
"Nasanay na ako sa buhok mo," dadag ko.
Bumaba ang kamay ko sa mukha niya. I started to poke his cheeks. Ang lambot.
"You know what, kesa ginugulo mo ako rito study about the company." Kinagat niya ang mapula niyang labi. Lagi niyang ginagawa 'yan. Kawawang labi.
"Asan na ba tra-trabahuhin ko!?"
Reklamo ko at ngumuso, hindi pa nga ako nag sta-start may utos na agad siya sa akin.
"Don't shout at me Blythe, here read this. Tapusin mo 'yan, don't stop until you're not done."
Sabi niya saka niya hinarap sa akin ang laptop niya.
Heavily hearted I chose to follow him, kung matatawag ba na pagpili 'yon it's obliged anyway.
'Valdez Clothing Industry, 1942 when VCI starts to rule the fashion world using their clothes.'
Wala pa ako sa kalahati ng pagbabasa no'ng humikab ako. Ang haba lang talaga kasi nung pinababasa niya, okay lang sana kung love story 'yon baka nakadalawang ulit pa ako ng basa no'n.
Tanging paggalaw lang mula sa kamay ng malaking itim na wall clock ang naririnig ko.
Sinulyapan ko ng tingin si Tyrone, his eyes are close, natutulog na ata. He look so peaceful, pati siya di na rin siguro napigilan ang antok. I should sleep too, kahit alas kwatro pa lang ng hapon.
"Focus Blythe, I said you need to finish it until the end."
Nakapikit na sabi niya, napaka-bossy.
Itutuloy ko na sana ang muli kong pagbasa nung parang may gumalaw sa tiyan ko. Napahinto ako at napahawak dito, saka tumingin kay Tyrone kung naramdaman niya ba, pero nakapikit pa rin siya kaya baka hindi.
Ipagpapasa-walang bahala ko na sana 'to no'ng tumunog yung tiyan ko bigla, nakita ko kung paano dumilat yung mga mata niya.
"You're hungry."
He said, well in fact it's not a question it's a statement.
"Am I?" wala sa sariling tanong ko.
"Bakit hindi mo manlang sinasabi na gutom ka pala?"
Tanong niya sa akin with his intense black eyes.
Paano ko sasabihin, eh, ako nga sa sarili ko 'di ko naramdaman na gutom pala ako. Saka ano ba, alas kwatro pa lang ng hapon, oh!
Inis siyang tumayo mula sa kama saka lumabas. Problema n'on? May pag walk out pa ang kuya mong Tyrone.
Wala pang ilang minuto ay dinalaw na naman ako ng antok kaya hindi ko napigilang mapahikab ulit. Bigla naman bumukas ang pintuan namin at pumasok si Tyrone, syempre di naman pwedeng bumukas ng walang tao, so 'yon corny ko.
"Ano 'yan?"
Sabi ko nung makita ang dala niyang isang tray nang pagkain.
"Ano nga ba ang tawag dito?" Nilapag niya ang tray sa kama.
"Pagkain na nasa tray."
Sagot ko, tinitigan ko ang mga pagkain sa tray, mukhang masarap, ah.
"Oh, alam mo naman pala tinatanong mo pa."
Ayan na naman siya sa pagsusungit niya.
"Kung nagugutom ka sabihin mo," Inis na sabi niya at kinuha ang kutsara at tinidor na nasa gilid ng tray saka kumuha ng rice. "Hindi 'yung nag paplipas ka dyan at hihintayin mo pang tumunog yang tyan mo." Pinapagalitan na naman ako, tapos tinutok niya yung kutsarang may pagkain sa bibig ko. "Open your mouth!" Agad ko namang sinunod ang sinabi niya.
So, I must admit, kinikilig ako kahit nag susungit pa siya sa akin, lagi naman, eh, ano bang bago kapag nangangalabit lang naman siya sa akin sweet.
Sino bang hindi kikiligin? Kahit asawa ko pa siya, ay basta!
"Oh, isa pa, ubusin mo 'to ng tumaba ka naman."
Sabi niya at nagtutok na naman ng kutsarang may pagkain sa bibig ko.
"Shaglit!"
Singhal ko, pano ba naman may laman pa 'tong bibig ko.
"Edi paano pa pala pag wala ako? Mag kaka-ulcer ka na at lahat lahat hindi ka pa rin kumakain."
Hindi ko maiwasang mapangiti kahit na nag o-overreact siya.
Ano kayang mabuting kaluluwa ang sumanib sa lalaking 'to at ang daldal niya ngayon at grabe ang concern. Ulcer agad, eh, wala nga akong ini-iskip na meal.
"Say, ah!"
Ngumanga naman ako, grabe naman kasi yung sinusubo niya sa akin punong-puno. Tapos susubuan pa ako agad.
"Eat well Blythe, para naman hindi ka papayat nang papayat, para namang hindi kita pinapakain dito."
He said tumango-tango naman ako bilang sagot.
"Saka para tumaba ka, ang payat mo kasi pag niyayakap kita. Parang yumayakap ako ng pader kapag nag se-"
I cut his words then throw him a pillow.
"What!?"
Inosente nitong tanong.
'Yun pala ang goal niya kaya pinapakain ako ng marami, kahit kailan talaga tong lalaking 'to laging 'yon ang nasa isip. Pero ang swerte ko parin dahil siya si Tyrone Salvacion, at akin siya!