"Chin up Blythe," he said.
He hold my hand tight. Napatingin ako sa kanya.
"Huwag na lang kaya."
I suggested, inirapan niya lang ako. Bakla ba 'to o ano, pero mamaya ko na iisipin 'yon.
"Don't be nervous Blythe, andito na tayo and there's no turning back."
He said as we step to the ground floor of the building.
All eyes are on us, every employee pay attention as we walk at the aisle.
Nervousness and excitement, I don't know which one ang mas lutang sa akin ngayon.
I smiled when I saw our reflection on the glass wall. We compliment each other. Ibinaba ko ng konti ang black pencil skirt na suot ko, nararamdaman ko na kasing nasa mataas na part na ang slit.
"This way Ms. Valdez and Mr?"
Humigpit ang hawak ni Tyrone sa kamay ko.
"Ah, sorry Mr. and Mrs. Salvacion."
I correct the guy who probably one of the HR here na nag ga-guide sa amin.
"We can handle ourselves," Sabi nito sa matigas na inggles.
Yung kamay ko na hawak niya bahagya niyang tinaas. I'm assuming para mapansin nila ang suot kong wedding ring.
Hindi rin nakaligtas sa paningin ko yung matatalim niyang titig sa mga lalaki doon. Hindi ko mapigilang mapangiti, pakiramdam ko ang ganda ko.
Pumasok na kami sa loob ng elevator dahil mamaya ay ma-badtrip lang ang isang 'to.
Napansin ko agad sa salamin ng elevator yung suot namin. Bumagay yung color ng necktie niya sa top ko.
"You don't need to do that with the guy, he's just doing his job nothing more, nothing less."
I whisper tama lang para marinig niya.
"You don't tell me what to do, I know what I'm doing." Nararamdaman ko na ang pagkainis niya.
"Tama lang 'yon para alam nila kung hanggang saan lang sila."
Aba, hindi manlang nahiya sa lakas ng boses.
Mas pinili ko na lang na hindi patulan ang pagka-childish niya. Okay na sana yung part na pag claim niya being my husband, unpredictable talaga ang mood swings, grabe.
Sayang naman yung effort ko na bumulong, sayang talaga mga efforts ko pag dating sa taong 'to, eh.
Anong akala niya sa mga kasabay namin dito sa elavator, hindi nag e-exist?
"Your mood really sucks."
Bulong ko and I hope hindi niya narinig.
"Did you say something?"
Inis na singhal niya sa akin, hanep, siya pa ang galit.
Right in the timing ay bumukas ang elevator saka kami lumabas. Agad kaming dumiretso sa office ko s***h office ni Jarred dati.
Acting CEO lang naman ako, hindi pa naman totally ako, kaya ayos lang naman siguro na may trainer ako. Who's fortunately Tyrone.
Plain black and white na office ang bumungad sa akin pagpasok ko. May iilang frames ng canvass ang nakadikit sa wall ng office, may mini sofa at coffee table saka picture frames na may mga solong letrato ni Jarred, picture namin together, picture with Mama La and Papa Lo. Very minimalist.
"First thing first, ipatawag mo na 'yung secretary ni Jarred para malaman mo yung appointments niya dapat na about sa company."
Utos nito sa akin, salita lang siya nang salita, yung mga sinasabi niya pumapasok sa kabilang tenga ko lalabas sa kabila.
"Saka yung mga paperworks niyang na iwan. Pati na rin ang mga kailangan ng approval mo para narin ma-review natin."
Sabi pa niya saka ako umupo sa swivel chair.
"Are you listening lady?"
He asked with a death glare.
"Yeah, yeah nakikinig ako."
I said then scan Jarred's table pati na rin yung mga drawer nito.
"You need to appoint your own secretary, hindi pwedeng i-asa mo lahat sa secretary ni Kuya," sabi pa niya.
I automatically look at him. He got my attention.
"Give me a second, at mag kakaroon na ako ng sekretarya." I said then smirk.
I grab my phone from my purse.
He just gave me a nod.
"Pick up the phone," I murmured.
Talaga naman yung babae na 'yon tagal sumagot ng phone niya.
"Hello, thank you for calling this call is received by Kyla Prado, how may I help you?"
Baliw talaga, nagkukunyari pang call center agent.
"I need your help, sabi ko sa'yo babawi ako diba?"
I said between the line.
"You need my help tapos babawi ka sa akin? Wow ha, masyadong opportunity seeker," she sarcastically said.
"Basta Kyla, can you be my secretary? Just for temporary lang naman. As long na ako pa yung namamahala sa kumpanya lang naman."
Dire-diretsong sabi ko.
"Huh? Kailan ka pa nagi-"
I cut her words dahil alam ko naman kung ano ang sasabihin niya.
"Long story to tell saka ko na sasabihin in person. So, ano nga payag ka na?"
I asked her.
"May mga gwapo ba dyan?"
She asked, muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko dahil sa tanong niya, may tinatago talagang harot ang isang 'to.
"Probably mag kakaroon na dahil sa request mo," I said to her.
"I didn't request it." she innocently said.
"But you're giving me a hint Kyla, so, I will take your request as a yes."
I said to her then end the call.
I smiled mischievously. Buti na lang naalala ko agad siya. She's Bachelor of Science in Entrepreneurship graduate, unlike me under grad sayang yung isang taon pero mas sayang kung hindi ko pa itatali sa'kin si Tyrone. I laugh at my own thought.
I still remember those days hirap na hirap kami sa school works but at the same time ginagawa naming chill ang lahat.
"As I've said, meron na akong secretary."
I proudly look at Tyrone then smirk. In my dismay inirapan lang ako.
"Isa lang yung ginawa mo sa lahat ng pinapagawa ko sa'yo," he said in disbelief.
"Atleast I've done something."
I defend myself.
"This is just the start Blythe."
He said narrowing me.
The start of what?
Then we heard a knock from my office door.
"Come in!" I said.
"Good morning ma'am, I am the secretary of Sir Jarred po."
She shyly said at bahagyang inayos ang salamin niya.
Tipid akong ngumiti. Hinawakan niyang mahigpit ang folders na dala yakap niya.
"Good morning too."
I said then gesture her para lumapit. Mukhang mahaba-habang pirmahan 'to.