Chapter 7

929 Words
"Ma'am just sign up here lang po." Sabi ng sekretarya ni Jarred. "For last month pa 'to, ah?" I'm confused while reading the document. "Yes po, last month pa po 'yan pending. Natambakan po kasi ng trabaho si Sir Jarred." Explain niya sa akin. "Ito, oh." Sabi ko sa kanya nung matapos kong pirmahan yung laman ng una niyang inabot na folder sa akin. "Thank you po, ito pa Ma'am." Kahit nagulat ako dahil may isa pa ayos lang naman, malamang madami pa siyang iikutin sa kumpanya kasi andami niyang dalang folders. "TCM wants to have a meeting with us?" Tanong ko base sa nabasa ko sa papel. "Yes po Ma'am, actually matagal na po silang nanghihingi ng appointment mula sa atin kaso masyado po tayong busy." Sabi ni Trisha, sekretarya ni Jarred. "Gan'on ba? Then set an appointment, they've been a good sister company to us." Pagsang-ayon ko at lumagda sa papel, kahit medyo gulat siya ay na patango ito. Thanks to the so called reviewer of Tyrone. Mukha akong maraming alam sa company. May magandang bunga naman pala yunh mahaba-haba kong pag babasa sa laptop niya kahit nakakaantok. Sinilip ko ng tingin si Tyrone na naka-upo sa sofa at nakikinig sa amin. I saw him smirk, aba natuwa at may natutunan ako. "Here." Inabot kay Trisha ang document after I signed. "Ma'am, meron pa po." Sabi niya at akmang i-aabot sa akin yung folder na isa pa. "Teka nga, aminin mo. Papa-pirma mo ba sa akin 'yan lahat?" Tanong ko rito at dahan-dahan siyang tumango. "Bakit hindi mo na lang binigay lahat? I can handle, ipapatawag na lang kita pag napirmahan ko na lahat." I said then sigh in disbelief. "Ma'am mahigpit na bilin ni Sir Jarred i-assist daw po kita," mahinang sabi nito. "Isa-isa ko raw pong ipa-pirma sa inyo para hindi raw po kayo mabigla." Inayos niya ang kaniyang salamin. "S-saka sabi pa p-po niya wala raw p-po kayong masyadong alam sa c-company," she said stammering. "Hays, that man. Don't worry Trisha, na briefing na ako." I assured her then nilapag niya yung sandamakmak na folders. "Thankyou po Ma'am, tawagin niyo na lang po ako if you need something." She said then slightly bow before she leaves. "Do you still need my help?" Binalingan ko ng tingin ang aking asawa na prenteng nakaupo. "Of course!" agaran kong sagot. "Mukhang hindi na, I think you have the enough knowledge Blythe. You can do it alone without any help," he said. Is that a compliment? I think my cheeks flash red. "Bukas kaya mo na mag-isa rito? I thought aabot ng one week before kang makapag adjust," he happily said. "You amaze me Blythe, isang araw pa lang pero look at you." Napapangiti ako sa mga sinasabi niya. Na i-ispeechless tuloy ako, iba kasi pag galing sa kanya yung papuri lalo na at perfectionist nga siya. "Are you hungry?" He asked out of the blue. "No, ikaw? If you want mag lunch ka na tatapusin ko lang ang mga 'to." Sabi ko at humarap sa tambak na trabaho. "Maganda na nga, masipag pa, ang swerte ko naman." Ano bang nakain ng isang 'to? Nakasinghot yata ng katol, bukod sa pinupuri ako concern pa sakin. Hindi ko mapigilang mapanguso para pigilan ang nagbabadyang ngiti. "Tse, kumain ka na nga doon!" Pag tataboy ko sa kanya, he chuckles then leave the room. Namayani ang katahimikan sa loob ng opisina ko. I wonder kung paano tumagal dito si Jarred, knowing him gusto no'n maiingay na lugar. A minute pass before I heard three knocks from my office door. Si Tyrone na kaya 'yon? Ang bilis niya namang kumain, pero kung si Tyrone hindi na iyon kakatok at basta na lang bubuksan na ang pinto. "Come in!" I shout. Then the door opened at iniluwa ang isang matangkad na lalaki, wearing blue long sleeves. "Good day po Ma'am, sorry to disturb you po." Sabi nito at pinakita ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin, gwapo ha. "No it's okay, what do you need?" I asked then gesture him to come forward because he's still behind the door. "Ma'am may ipapa-approved lang po ako," he politely said. "Ano 'yon?" tanong ko rito. "Ipapa-approve ko lang po yung number of employees na ipapadala natin sa Japan for the contest and and names of employees para sa seminar in Paris." He flashed a smile, I automatically noticed his nose. "Ah, okay, may I see?" Sabi ko at nilahad niya sa akin ang folder na hawak niya. Binasa kong maigi ang mga nakasulat saka ko ibinalik sa kanya. "Ah, okay na 'to, ipa-double check mo na lang kay Trisha." Sabi ko rito saka siya tumango-tango. "Ah, Ma'am can I ask a question?" he asked. Nagtatanong ka na kaya, I thought. "Sige ano ba 'yon?" Ngumiti ako para di naman siya mailang mag tanong. I'm aiming a nice first impression. I want look approachable but of course with authority. "Sorry to invade your privacy po." Mukhang naiilang parin siya sa itatanong. "Bakit po biglaan ang pagpasa ng ownership? Hindi naman po sa ayaw namin sa inyo it's just that na curious lang po kaming mga empleyado niyo." I can't blame them bigla ba namang mapalitan ang boss nila. Isa pa bilib din ako sa lakas ng loob niya para tanungin ako, kasi kung ako siya diko 'yon itatanong baka mahiya lang ako. "Thank you for asking that, nakita ko na concern ka talaga for the company." I smiled. "Jared is currently on his vacation and he wants me to take over kaya here I am." I gave him a re assuring smile. "Ah, salamat po Ma'am." "Its okay, don't worry hindi pa naman na bankrupt ang kumpanya." Pagbibiro ko sa kanya he then chuckled. "I'll go ahead Ma'am." He slightly bow but before he can twist the doorknob tinawag ko siya. "Wait!" Then he look at me. "What's your name?" I asked him with a smile, mukha namang nagulat siya pero agad namang nakabawi at ngumiti pabalik. "Khalif, I'm Khalif, Ma'am." He said with a sweet smile. Khalif, what a nice name.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD