Ilang minuto pa ang lumipas ay sumunod na rin ako sa studio kung saan kaming lahat ay magpa-practice at kung hindi ako nagkakamali makakasama rin namin ang mga naiwang miyembro ng breaker’s group. Hindi ko alam kung paano ba nakakaya ng mga naiwan na ipagpatuloy na patatagin ang grupo kung dalawa na ang umalis sa hindi malamang kadahilanan. “Why are you late, Miss Esther Reyes?” Bungad ni mentor Joshua sa akin. “I’m so sorry-” “From the top.” Hindi niya ako hinayaang mag-explain bagkus pina-ulit niya sa iba ang nasimulan nilang steps at alam kong exercise pa lang ang ginagawa nila pero hindi ko alam kung bakit big deal sa kanya ang malate ako. “Fall in line.” He commanded us. Lahat kami ay nag-fall in line at saka siya umikot sa amin, nagulat ako sa kamay niyang humawak sa braso

