Chapter 17

831 Words
Chariz's Point of View "Oo naman, kailangan niya yun para matauhan sya, nuh! At hindi naman ako nagsasalita ng tapos dahil baka sa akin mangyari yun, ang akin lang wag niyang iiyakan ang lalaking yun na parang nagiisang lalaki na lang sa mundo" aniya bago muling sumubo ng kanin. Grabe hindi ko akalaing ganun pala siya! Manloloko! Para sa akin kasi complete package na si Angel. Yes, close din kami nun kaya Angel ang tawag ko. Kaysa naman Angge diba!? Hindi ko lang akalaing magagawa niya yun. Kasi si Angel kasi talaga masasabi mong complete package, kasi maganda na, mabait na, mapagmahal na, maalaga na, mayaman pa! Kaya mahihirapan ang ibang mga lalaking lokohin siya o pakawalan siya ng ganun-ganun lang. Kaya sumasaludo talaga ang gitnang daliri ko sa kanya. Kagigil! Tsk! Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung two-timer! Haist! Nahuhulog na nga ang loob ko sa kanya, eh! At may crush na rin ako sa kanya! Pero, matapos nung kwinento ni Xzy yung panlolokong ginawa niya kay Angel, ka-offend nuh! Type ko pa naman! Okay na yun kaysa naman pag naging kami, lokohin lang din ako, edi nasaktan na ako nganga pa ako. And Ken reminds me of someone, yung pinsan ko. Pero hindi naman ako galit dun, medyo naiinis lang ako dahil naging malandi siya, pero may dahilan naman kung bakit siya ganun. Kung ano? Hulaan niyo, tinatamad akong mag-kwento, eh. Pero, hindi ko talaga akalaing ganun yun! Naalala ko pa kasi ang una naming pagkikita dun sa probinsya namin. FLASHBACK {5 DAYS AGO} Naglilibot-libot ako dito ngayon. Hindi ko na kasi kabisado tong lugar na ito. Matagal na rin simula ng makapunta ako dito kaya naglilibot-libot muna ako. Napapaligiran ng mga tanim ang kapaligiran at natatanaw ko ang mga nagsasaka ng mga tanim. Mapababae o mapabata ay tumutulong sa kanilang ama o asawa. Nakakarelax sa probinsya. Maliban kasi sa kaunti lang ang mga sasakyan na makikita mo rito ay sariwang-sariwa talaga ang hangin. Hindi tulad sa Maynila, may polusyon dahil sa maraming mga sasakyan at pabrikang naglalabas ng mga usok. Kaso nga lang, walang signal dito kailangan pang umakyat ng bundok para makakonek. Habang naglalakad at nakatingin sa kapaligiran hindi ko napansing mayroon na palang tao sa harapan ko. "Ah, humihingi ako ng tawad!" Wews, tagalog yun, ah. "Tss, sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo" masungit na saad niya sa akin. "Kaya nga humingi ako ng sorry diba?!" Mataray na saad ko naman sa kanya. Napatingin ako sa mukha niya. Oh-la-la, ang gwapo naman ng nilalang na'to! Ang kulay brown na medyo messy niyang buhok, ang medyo makapal niya kilay, kulay brown niyang mata, ang pointed nose niya, at ang k-kissable lips niya, kyaaahhhhh!!!! Ang sarap sigurong halikan yun! Bigla siyang ngumisi sa akin. "Ang gwapo ko naman sobra para matulala ka ng ganyan?" Sabi nito. Kaya napabalik ako sa reyalidad. Wait, did he say natulala ako?! "Hoy, hindi ako natulala noh! Yabang nito kala mo naman gwapo! Tse!" Ako. Inismidan ko siya. 'Totoo naman, eh! Gwapo siya kaya nga natulala ka eh' Sabi ng isip ko?! What the? Baliw ka na, Chariz! "Okay, sabi mo, eh" cold na sabi niya. Kahit ako nanlamig. Pati ang mata niya, ang lamig rin! Ang mukha niya...walang emosyon! Tumingin siya muli sa mga nagt-trabaho ng tahimik at parang may malalim na iniisip hindi ko masisid sa sobrang lalim, hehe! Pero, anong problema niya? Bakit ganyan siya ka-cold? END OF FLASHBACK Siguro yun ang dahilan. Pero, bakit ganun siya ka-cold, hindi ba parang nasobrahan naman siya sa pagiging cold? Siya naman tong nanloko bat siya pa ang cold? Parang baliktad, si Angel nakakatawa na at parang nakamove-on na talaga. Tapos parang siya pa ang nasaktan, ah! Tsk, tsk! Bat siya ganun?! May iba pa bang dahilan?! Kung meron, ano?! Paano kung may dahilan kung bakit ginawa yun ni Ken. Kasi nababasa ko sa w*****d, napipikot o binabantaan ng babae yung lalaki na sasaktan yung girlfriend kung hindi susunod sa kanya. Baka ganun! Pero, kung ayaw niya naman. Hindi niya na tatawaging 'babe' yung babae, noh. Na parang wala siyang girlfriend! Haist!!! Ang g**o! Ang g**o-g**o! Gusto ko malaman ang nangyari. Pero, pano!? Ah, alam ko na!!! Mag-resign na kaya ako, para naman kasing hindi naman ako kailangan ni Xzy bilang P.A niya, eh. Hindi niya talaga ako tinuturing na ganun. Tinuturing niya akong kaibigan. At hindi ko naman kasi talaga kailangan ng pera, mayaman naman kasi ako, sa akin pinamana nila mom and dad ang mga ari-arian nila at mga business, pero hindi kami sing-yaman nila Xzy. At kaya sa akin pinamana kasi only child lang naman ako. Kung bakit ako nag-P.A? Wala lang trip ko lang, bakit may aangal?! Uuwi uli ako sa probinsya namin at kakaibiganin ko yung lalaking yun, kung nandun pa! Tingnan ko lang kung ma-resist mo ang kakulitan ko! Kailangan kong malaman ang totoo, para kay Angel. Para malaman niya kung anong nangyari. Pero, pag nalaman kong sinadya niyang mambabae! Humanda siya sa akin! Bibigyan ko siya ng hook punch! *** EDITED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD