Xzyra's Point of View
"Ano ba ang pangalan ng lalaking yun?"
"Warren. Warren Ken Andalio"
*HUK!*COUGH!*COUGH!*COUGH!*
Y-Yung punyaterang ex-boyfriend ni Xzyrile?! Aba, ngayon ko lang ulit narinig ang pangalan ng gagong manlolokong ex ni Xzyrile.
Tiningnan ko ng seryoso si Chariz.
"Layuan mo siya, Chariz"
Napansin niya sigurong seryoso ako dahil unti-unting nawala ang ngiti niya.
"B-Bakit, Xzy?"
"Hindi siya mabuting tao, masasaktan ka lang pag-minahal mo siya. Manloloko siya, Chariz. Kaya lumayo ka sa kanya" Seryoso pa ring saad ko sa kanya.
"S-Sige, p-pwede ko bang malaman kung paano mo nasabing....manloloko siya?"
Ikinwento ko ito sa kanya. It was, when we were only, 14. He is her first love.
FLASHBACK
{8 YEARS AGO}
Papunta ko sa isang Condo, condo ng boyfriend ni Xzyrile.
Narito ako para sundin ang inutos sa akin ni Xzyrile na ibigay ang mga notes niya kay Ken, dahil mayroon silang long test kinabukasan.
Hindi nakapasok ng ilang araw si Ken dahil sa mataas na lagnat at balak raw nitong pumasok kinabukasan. But since, magkaklase lang naman kaming tatlo, kaya pinapahiram ni Xzyrile ang notes niya, and syempre boyfriend niya yun, eh.
Ayoko sa boyfriend niyang yun. I have this feeling na sasaktan niya lang ang kambal ko. Ewan ko ba, unang kita ko palang sa kanya masama na ang pakiramdam ko sa kanya.
Siguro ito yung tinatawag na 'twin instinct'.
Palapit pa lang ako sa condo , yes condo, because he's an 'ulila', he said his parents died in the car crash when he was 10, kaya kinupkop siya ng Aunt Amelia niya, pero dahil busy din ang Aunt niya, napagpasyahan na lang ng Aunt niya na patirahin siya sa isa sa mga condo nito.
Habang mas palapit ako ng palapit sa tinitirhan parang mas kinakabahan ako. Haist, feeling girlfriend lang, eh noh?
Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng condo niya, ay bumuntung-hininga muna ako bago nagdoor-bell.
Nakadalawang doorbell pa ako bago magbukas ang pinto ng pintuan ng condo niya.
At bumungad sa akin ang isang babae. Tingin ko kaedaran ko lang rin siya. Teka, naka underwear lang ba siya?!
Tiningnan ako nito habang nakataas ang dalawang kilay.
Umigkas din pataas ang kilay ko.
"Who are you?" Mataray na sagot ko sa kanya.
"Ikaw sino ka naman?!" Siya.
"Hindi ako sinuka! And I asked first right? You better introduce yourself first!" Masungit na saad ko.
She rolled her eyes. Aba, pigilan niyo ako at baka dukutin ko ang mata ng babaeng malantod na 'to!
"I'm Cheska Carbonell, the girlfriend of the owner of this condo!" Mapagmalaking saad niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
S-She said what? G-Girlfriend?! Teka, as far as I know, Xzyrile ang pangalan ng girlfriend, ako ba pinagloloko nitong babaeng malandi na'to. Kabatang tao malandi na! Tsk, tsk!
"Hoy babaeng malanding- mukhang palaka! Ako ba pinagloloko mo?! Ikaw?! Girlfriend?! Ang pangit mo naman para maging kabit niya!"ako.
"Excuse me?!"mataray na saad ng babaeng malandi.
"Oh, daan!" Ako at gumilid para makadaan siya. Excuse me daw, eh.
Nagtataka niya akong tiningnan.
"Sabi mo, excuse me! So, daan na!" Sarkastiko kong sabi sa kanya.
"Argh!"
Asar na siya niyan?
"Babe! Sino bang nandiyan?!" Sigaw ng taong kinagagalitan ko ngayon. Guess who? The Warren Ken "Manloloko" Andalio.
Anong sinabi niya?! Babe?! BABE?!
Sumilip siya sa amin dahilan para makita niya ako at makita ko siya....na nakatapis lang sa pang-ibaba.
Parang bigla siyang nanlamig at natuod sa kinatatayuan niya. Tsk! Manloloko kang gago ka! Manggagamit ka!?
"Hoy, lalaking antipatikong-manggagamit! Mistress mo ba tong malanding-mukhang palaka sa harapan ko ngayon?!" Nanggagalaiti kong saad sa kanya.
"Xzyra, I can explain!" Sabi niya.
"I can explain?! I CAN EXPLAIN?! Matapos sabihin nitong girlfriend mo 'kuno' na siya ang girlfriend mo, I CAN EXPLAIN?! Ganyan naman kayong mga lalaki, eh! Pag nahuli ng isang tao na may ginagawang masama laging ang sinasabi niyo'I CAN EXPLAIN!' 'LET ME EXPLAIN!?' Ang kapal ng mukha mong lokohin ang kapatid ko!?"
"P-Please, Xzyra, Please, wag mo 'tong sasabihin sa kanya. A-Ayokong mawala siya sa akin" sabi naman nito. Gulat siyang tiningnan ng girlfriend niya kuno.
Hindi na ako magugulat na mabubuntis ng maaga tong babaeng 'to sa sobrang landi!
"Sana naisip mo yan bago mo siya lokohin! At oo, ayaw mo siyang mawala, bakit?! Kasi gagamitin mo pa siya! At bakit hindi ko ito sasabihin sa kanya?! Matapos mong gawin lahat ng ito?! NO! NEVER! Magsama kayong dalawa ng malanding-mukhang palakang babaeng yan! And I'm warning you! DON'T. YOU. EVER. TRY. TO. GO. NEAR. MY. TWIN! Pagsinuway mo yan?! I swear Mr. Andalio, I swear, sisirain ko ang buhay mo!" Galit na galit na saad ko.
I glared at them, before I leave that condo.
END OF FLASHBACK
"Ay, gosh, Xzy! Hindi ko akalain na magagawa niya yun! Nung makita ko kasi siya at makausap ang cold niya! Tapos ang gwapo niya para maging manloloko!" Chariz said na parang gulat na gulat sa mga nalaman niya.
"Looks can be veeerrryyy deceiving" saad ko.
"Anong nangyari matapos nun?! Sinabi mo ba sa kapatid mo?"
"Syempre naman, alangan namang hayaan ko siyang lokohin lang ang kapatid ko, nuh! Matapos nung ginawa niyang pagtataksil?!"
"Nasaktan yung kapatid mo?!"
"Ay minsan nakakabobo rin ang tanong mo Chariz, eh noh?! Syempre naman, first love niya yun eh, first love! Tapos lolokohin lang pala siya?! Oh c'mon, sa'yo kaya mangyari yun! Matutuwa ka?! Syempre diba masasaktan ka?! Maliban na lang kung hindi mo mahal, pero ang ibig sabihin ng first love ay unang minahal, so talagang masasaktan ka! Ilang araw rin siyang nagkulong sa kwarto niya at umiyak ng umiyak, hirap kaming pakainin siya sa kwarto niya dahil tinataboy niya kami. Kaya ang ginawa ko?! Syempre sinampal ko at sinabunutan at sinabing ang tanga-tanga niya, wag niyang iiyakan ang mga lalaking hindi worth it. Sabi ko rin na marami pang lalaki sa mundo kaya wag niyang iiyakan ang isang lalaki lang! Kaya ayun natauhan at hindi na siya nagkulong pa sa kwarto niya kasi sabi ko sasamain siya sa akin pag di siya umayos "
"Ang lala mo naman mang-alo! Kailangan talaga sampalin at sabunutan at sabihan siyang tanga?!'
" Oo naman, kailangan niya yun para matauhan siya, nuh! At hindi naman ako nagsasalita ng tapos dahil baka sa akin mangyari yun, ang akin lang wag niyang iyakan ang lalaking yun na parang nagiisang lalaki na lang sa mundo" ako.
***
EDITED.