Xzyrile's Point of View
I chuckled. Naiintindihan ko naman siya kung ganyan siya sa mga magulang namin.
"Hmm, okay naman sila, ganun pa rin"
"Kahit konti hindi sila nagbago?!" Tanong niya na parang hindi naman nagulat. Nagkibit-balikat na lang ako.
"Dem, bakit hindi ka na lang umuwi sa atin?" Tanong ko sa kanya.
Miss na miss ko na talaga kasi siya, eh. May bunso kami, siguro 1 1/2 years old pa lang siya. I doubt kung alam yun ni Dem.
Umalis kasi kami ng bansa ng magbuntis si mama sa bunso namin. Hindi tulad ng iniisip niyo, ah. Hindi nila balak itago sa publiko, parang gusto lang nilang itago yun kay Dem. As if naman may magagawa si Dem diba?!
"Alam mo namang hindi pwede diba?!"
"Dem sige na, kakausapin ko sila mom na payagan kang-"
"Tsk! Hindi na! Maliban sa ayaw ko nang tumira sa bahay ng mga demonyong yun, eh alam mo namang-"
~Oh, pag-ibig fortune cookie,
Kinabukasan maganda ang sinasabi, oh
Hey, hey, hey-~
Biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag. Tiningnan ko sa screen kung sino ang tumatawag, si mom!
Sinagot ko ito.
[Nasan ka ba ngayon, Angel!? Tawag ako ng tawag sa'yo pero hindi mo sinasagot?!]
Pambungad sa akin ni mama. Tumingin ako kay Dem na nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay.
"Ahh, mom. N-Nakitulog kasi ako s-sa k-kaibigan ko. Nag-celebrate k-kasi kami kahapon dahil nai-close ko ang isa sa mga mahirap na kasong nahawakan ko. Masyado ng gabi nung matapos kami kaya napagpasyahan kong makitulog na lang sa kaibigan ko, hehe" pagsisinungaling ko. Dahilan parang umikot ang mga mata ni Dem. Pag nalaman kasi ni mom na kay Dem ako nakitulog, eh magagalit yun. Malaki kasi ang PAGKAMUHI niya kay Dem. At susugudin niya si Dem, at sisisihin ito na para bang kasalanan nito kahit hindi naman.
[Ah, ganun ba? Oh, sige. Dapat kasi tinext mo muna ako para hindi kami mag-alala ng dad mo. Oh, umuwi ka na ngayon. May ipaaasikaso kami sa'yong kaso. Ikaw kasi ang gustong kuhaning lawyer nito]
"Oh, sige mom, makikiligo na lang muna ako sa mga kaibigan ko at magbibihis, tsaka ako uuwi diyan"
[Oh, sige, bilisan mo]
"Opo, mo-"
*TOOT*TOOT*TOOT*TOOT
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla niyang pinatay ang tawag.
Nakita kong napailing-iling si Dem.
"Oh, maligo ka na! Bilisan mo at baka magalit ang dragon!" Siya at binato ako ng tuwalya.
Tumango lang ako at dumeretso sa banyo at naligo....
After
*5*
*10*
*15*
Minutes natapos akong maligo. Ginamit ko ang robe na nasa likod ng pintuan at lumabas sa banyo.
"Oh, ayan, pina-laundry ko pa yan nang mapalitan ko ang damit mo kagabi! Kanina ko lang nakuha yan! Magpalit ka na" Siya, na ang tinutukoy ay ang business attire ko.
"Salamat, Dem" nakangiti kong saad sa kanya. Inirapan niya naman ako.
Kinuha ko ang business attire ko at tumungo ulit sa banyo para magpalit-
"May extra toothbrush diyan! Yung kulay violet! Magtoothbrush ka para hindi amoy alak ang bibig mo!" Siya.
"Okay, dem!"
Ginamit ko nga ang kulay violet na toothbrush at nagtooth-brush. Inuna ko yun dahil baka mabasa ang attire ko pag hinuli ko yun.
Nang matapos akong magtooth-brush, isinuot ko na ang business attire ko atsaka lumabas.
"Oh, ayan ang attaché case at handbag mo!" Siya at tinuro ang malapit na upuan at nakapatong dun ang attaché case ko na naglalaman ng mga importanteng files at documents.
At yung sa handbag,naglalaman ng mga pera ko, cellphone at mga mga make ups.
Kinuha ko ang handbag ko at nagmake-up muna at nagpabango bago nagpaalam na umalis.
"Oh, sige na Dem, sibat na ako!" Ani ko at kinuha ang attaché case ko.
Tumango lang siya at hinatid na ako sa may gate.
"Bye, Dem!" Ako. Tumango lang siya at kumaway.
Nagsimula na akong maglakad palayo.
Hmm, siguro magta-taxi na lang ako papunta sa mansion namin.
***
Xzyra's Point of View
Saktong pag-alis ni Xzyrile, siyang pagdating ng isang pamilyar na mukha. Guess who?
"Oh em! XZYYYYYYRRRAAAA!!!" Sigaw nito sa akin ng pagbaba nito ng kotse. Bigla ako nitong niyakap.
"Na-miss kita, Xzy!"
"Well, hindi kita na-miss, Chariz!" Pang-aasar ko sa kanya. Yeah, si Chariz 'to.
Lagi naman siyang ganito araw-araw dati, pumupunta siya dito bilang kaibigan at P.A ko. At dinadalhan ako ng mga nilulutong pagkain niya. Well, hindi ko naman talaga siya tinuturing na P.A mas tinuturing ko siyang kaibigan. At hindi ko rin naman kailangan ng P.A eh. Pero dahil yung manager ang nagpresinta sa kanya ay wala akong nagawa.
"Aww, ang bad mo talaga sa akin, Xzy!" Na parang batang nagta-tantrums.
"Stop that, Chariz! Mukha kang sira!" Ako. Sanay naman na siya sa akin.
"Ano bang niluto mo ngayon? At nang makakain na! Na-miss ko rin ang luto mo, ah!" Ako. Bigla siyang ngumiti ng malawak.
"Bulalo!!! Tara kain! At marami pa akong ikikwento sa'yo!" Siya kaya pumasok na kami sa bahay at doon hinanda niya ang makakain naming dalawa.
Paborito ko ang bulalo, buti at yun ang niluto niya. Marunong naman ako magluto, pero mas masarap siyang magluto!
Nang maihanda na niya ay nagsimula na kaming kumain at nagsimula na rin siyang magkwento.
"Alam mo ba-"
"Di ko alam" pagputol ko sa sasabihin niya. She frowned.
"Iihhh! Ganito kasi may nakilala akong wafu dun sa probinsya namin!" Siya habang nagniningning ang mata pero bigla na lang sumimangot.
"Pero ang yabang na, mahangin na, masungit pa! Akala mo siya na ang pinaka-gwapo sa buong mundo!"
Hmm, he reminds me of someone.
"Hmm, pero crush mo ano?" Pang-aasar ko sa kanya. Biglang nanlaki ang mata niya at namula naman ang pisngi niya.
Realtalk! Mukha siya sira! Buti hindi ako ganyan. Kasi wala naman akong naging crush! Para sa akin kasi lahat ng tao parang si mom and dad lang. Napatunayan kong hindi naman lahat ganun nung nakilala ko si Chariz at naging kaibigan ko.
"H-Hoy hindi, ah!" Siya.
Tss, sa akin pa'to maglilihim. Halata naman siya.
-_-
"Sige sa akin ka maglihim, bruha ka! Namumula ka, oh!"
Nag-pout siya bigla.
"O-Oo na nga! Oo crush ko na agad siya una ko pa lang siyang makita"
"Ano ba ang pangalan ng lalaking yun?"
"Warren. Warren Ken Andalio"
*HUK!*COUGH!*COUGH!*COUGH!*
***
EDITED.