Chapter 14

968 Words
Harvey's Point of View They have a same face. Talagang magkamukhang-magkamukha silang dalawa. Kahit sino malilito kung sino sa kanila si Xzy at sino naman yung kapatid niya. But, I noticed na may pagkakaiba din sila. Masyado akong observant kahit sandali ko lang naman nakita ang kabuuan ng kapatid niya. May nunal sa kaliwang mata si Xzy, at sa kanan naman yung kapatid niya. At maigsi sa ngayon ang buhok ni Xzy at mahaba naman ang buhok ng kapatid niya. At napansin kong mas maputi ang kapatid niya kaysa sa kanya. Ngayon ko lang napag-alamang may kapatid siya. And wait, nakalawyer attire ba yung kapatid niya? Oo! So, obviously she's a lawyer. And wait, pamilyar ang mukha niya, syempre kamukha niya si Xzy, eh. Pero maliban dun ang alam ko isa siyang sikat na lawyer. At anak din siya ng sikat na pamilyang Lopez, dahil sa mga businesses nila. Pero, ang alam ko isa lang ang anak nila. How come na kambal pala! Kung ganun edi tinago nila ito sa lahat. Ang ipinakilala kasi ni Mr. and Mrs. Lopez ay yung kapatid ni Xzy na lawyer. As I know, Xzyrile Angelique Lopez ang pangalan nun. So, bakit kaya hindi nila ipinakilala si Xzy bilang anak nila?! Bakit nila ito tinago?! Kinakahiya ba nila si Xzy?! Kung ganun....bakit?! Ang akala ng lahat ay kamukha lamang ni Atty. Xzyrile Angelique Lopez ang sikat na artistang si Xzyra Demonique Lopez. O kaya magkamag-anak lang sila. Hindi pumasok sa isip nilang magkambal sila. The reporters even tried to interview Atty. Xzyrile, Xzyra and Mr. and Mrs. Lopez what's their relationships. But they remained silent. Hanggang sa humupa na lang ang balitang yun na walang kasagutan. Ngayon alam ko na! Magkambal pala talaga sila! Pero, parang magka-iba sila ng ugali. They say Atty. Xzyrile A.L is a feminine woman, a softhearted woman and a very smart woman, she is a top 1 ever since she's in kinder. While, Xzyra D.L is well known as a warfreak girl, cold-hearted woman, and she's undefeatable. No one in the showbiz who tried to mess with her, drag her down. Because she always has an evidence that she gave to the reporters, so no one in the showbiz who tried to mess with her, remains at the popularity position. Kasi sa bawat video/ebidensyang ibinibigay ni Xzy sa mga reporters na ipinapakita rin sa public, ay talagang magpapababa ng reputasyon ng mga taong iyon. Dahil kung hindi dahil bigla na lang siyang sasabunutan ay bigla na lang itong susugod sa kanya na may kung anu-anong masasamang salita ang sinasabi sa kanya. They're just insecure to her. And several days ago, Margarette Cablao, one of the popular model, tried to mess her image in public ended up having a bashers. Cause what she said is opposite on the evidence, Xzyra gave. Talagang maraming humahanga sa kanya dahil sa angking tapang niya at iba pa. What makes her more famous is she is a famous female boxer in the Philippines. Ang talagang problema lang sa kanya para sa iba ay ang kanyang attitude, anu-ano? Mataray siya, masungit, pilosopo siya, sarkastiko pa at talagang lahat ata ay sinusungitan niya. Pero, tingin ko hindi siya ganun? Tingin ko lang naman, ah! O kaya naman may dahilan siya kaya siya ganun. I don't know, but isa dun ang paniguradong dahilan! Simula kasi ng makita ko ang mga emosyon sa mga mata niya nung kumanta siya. Yung lungkot niya, yung parang pinaghalong galit at sakit. Were just forget that she's somehow a human too. She has an emotion. Nasasaktan din siya. Muntik na naming makalimutang hindi siya bato. Nakalimutan naming naaapektuhan din siya sa mga sinasabi ng mga tao sa kanya. Para kasi siyang walang pakialam sa mga sinasabi ng mga tao sa kanya. Pero, who knows na nasasaktan siya secretly. Kasi talagang kilala siyang 'Undefeatable' so means na matapang siya at walang pakialam sa mga nasa paligid niya. Pero, parang hindi naman talaga siya ganun. Ipinilig ko ang ulo ko at natulog na. Zzzzzzzz...... **** Xzyrile's Point of View Nagising ako dahil sa mga naghuhunihang ibon na wari mo'y kumakanta. Bumangon ako sa kama na kinahihigaan ko. At doon ko naramdaman ang p*******t ng ulo ko.... Hang-over? "Argh!" Daing ko. Nailibot ko ang paningin ko sa kwartong kinalalagyan ko. Hindi pamilyar sa akin ang kwartong ito. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Tumawag si Dem kagabi at tinanong kung saang bar ako. Sinabi ko naman sa kanyang nasa Achilles Bar ako. Then di ko na alam ang nangyari, dahil nakatulog na ako. Siguro, sinundo ako ni Dem. Talagang kahit- Napatingin ako sa pinto nang lumangitngit ito. "Oh, mabuti naman at gising ka na!" Ani Dem. May dala itong tray. Lumapit siya sa akin. "Oh, ito! Lugaw, para sa hang-over mo!" Siya at inilapag ang tray sa side table. "Pero bago yan, magmumog ka muna!" Siya. Tumalima naman ako at dumeretso sa banyo at naghilamos at nagmumog. Napansin kong iba na ang suot ko ngayon. Kung kahapon nakabusiness-attire ako. Ngayon naka-pajama ako ng kulay blue. Tinanggal niya rin ang make-up ko sa mukha. Napangiti ako. Alam niya talagang bawal ang hindi magtanggal ng make-up sa akin. Kasi nagkaka-pimples ako. Mukhang sinuklayan niya rin ang buhok ko. Swerte talaga ako sa kakambal ko, dahil maalaga talaga siya. Hindi siya nagtanim ng galit sa akin sa kabila ng nangyari. Lumabas na ako ng banyo. "Oh ngayon kumain ka na! Paniguradong gutom ka na!" Siya. Muli akong umupo sa kama at kinuha Ang lugaw at kinain. Medyo mainit pa ito kaya hinipan ko muna bago isubo. "Oh, kumusta ka na?!" Siya. Nginitian ko siya. "Okay lang naman, Dem! Medyo pagod lang talaga ako nitong mga nakaraang araw dahil sa hinawakan kong kaso. Ikaw kumusta ka na?" ako. "Hmm, okay lang naman. Eh sila kamusta? May taning na ba ang buhay nila?" Siya na sigurado akong ang tinutukoy ay ang mga magulang namin. I chuckled. Naiintindihan ko naman siya kung ganyan siya sa mga magulang namin. "Hmm, okay naman sila, ganun pa rin" *** EDITED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD