Xzyra's Point of View
Tahimik na ulit kaming kumain. Habang siya parang may iniisip na malalim. Buti naman tumahimik na'to! Ang ingay kasi, eh!
Pero, bakit nga kaya bigla tong tumahimik? Di bagay sa kanya, eh.
Ipinilig ko ang ulo ko.
Pakialam ko ba diyan?! Aba magpapa-fiesta ako ng buong village namin pagbuong buwan tumahimik 'to!
Tahimik pa rin siya hanggang sa matapos kaming kumain. Aba, kinarir ata nito ang banta kong hahampasin ko siya pag di siya tumahimik. Tss.
-_-
Kalalaking tao takot sa babae?! Tsk, tsk, tsk!
***
Pagod na pagod akong umuwi. Ilang beses kasi kaming nag-take. Umabot kami hanggang take 5 dahil kay Vince. Ano na naman kaya nangyari dun? At dahil mukhang may gumagambala sa isipan niya hindi na lang ako nagreklamo sa kanya. Pero, kanina gustong-gusto ko na talaga siyang batuhin ng mineral water. Aba ganun ba kalaki ang problema niya at talaga distracted siya. Pati kami nadadamay sa kanya eh, tss.
Agad akong nagpalit ng pangtulog na damit at agad humilata sa kama.
Time Check: 8:27 P.M
Hindi na ako kakain dahil busog pa rin naman ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-aalangan kung tatawagan ko ba si Xzyrile. Baka kasi busy pa yun. So, as you know, kilala ang mga magulang ko sa dami nilang mga business sa Pilipinas meron rin naman sa ibang bansa, pero hindi alam ng mga tao na kambal ang anak nila. Ang alam lang nila ay si Xzyrile lang ang anak. Hindi naman halatang kinakahiya nila ako, noh?
Napagpasyahan kong tawagan na lang siya. Isang linggo na rin kasi kaming hindi nagkakausap.
Nagring na ang cellphone ko. Mga ilang ring pa bago sinagot ni Xzyrile ang tawag.
[Hello, Dem?]
"Hello"
Dem ang tawag sa akin ni Xzyrile. Short for Demonique.
Maingay ang lugar kung nasaan si Xzyrile. Isa lang ang ibig sabihin nito....
Bar.
At parang medyo may tama na rin siya ng alak.
"Nasan ka ngayon, Xzyrile?!" Ako. Tinanong ko pa rin siya kasi gusto kong galing sa bibig niyang nasa bar siya.
Naku, delikado dito si Xzyrile! Maraming masasamang tao sa bar. Mahina ang tolerance niya sa alak. Naku po!
[Ahh, nasa b-bar kami, Dem! Nagc-celebrate kami ng mga friends ko, kasi nasara ko ang isa sa mga mahirap na kaso na nahawakan ko]
Wala akong alam sa pagaabogado. Like I said, family of lawyers kami. Pero may mga business pa rin kami. Na pag may kasong hinahawakan ang mga magulang ko ay sa mga secretaries nila pinapahawakan. Syempre yung pinapamahala nila Ay yung pinagkakatiwalaan talaga nila. Pero hindi nila pinahahawakan si Xzyrile ng kompanya, dahil ayaw nilang mapagod ito. Diba ang bait nila sa kanya. Pero, ang alam ko pinagtrabaho na rin dun si Xzyrile para daw may experience siya kung sakaling mawala na sila. Pag-aabugado nga pala ang kinuhang course ni Xzyrile. Obviously? At ako? Business Management, pangarap ko kasing magpatayo ng business. Pero hindi ko pa nagagawa dahil masyado akong busy. Sa ngayon kasi pag-arte muna ang priority. Maliban kasi sa malaki rin ang kinikita ko sa showbiz ay nage-enjoy pa ako.
"Saang bar yan, Xzyrile?" Ako.
[S-Sa Achilles Bar, D-Dem!(Oh, bilis, Angge! Cheers!!!)]
"Pupuntahan kita diyan-!"
*TOOT*TOOT*TOOT*
Ayokong pinapatayan ako pero papalampasin ko 'to.
Agad akong nagbihis, hindi naman pwedeng umalis ako ng nakapantulog. Mukha akong timang!
Matapos kong nagbihis agad akong dumeretso sa maliit na parking lot ko dito at sumakay sa kotse ko at nag-drive papunta sa Achilles Bar. Alam ko naman kung saan yun.
Nang makarating ako sa Achilles Bar agad kong ipinark ang kotse ko at agad na umibis.
Patakbo akong pumasok sa loob ng bar.
Hinanap ko si Xzyrile. Nang makita ko siya ay agad akong lumapit sa kanya-kanila pala.
Lahat sila ay tumba na. Yung iba nakahiga sa sahig yung iba nasa lamesa ang ulo.
Nakita kong nilalapitan ng 3 lalaki si Xzyrile.
Agad akong lumapit sa kanila.
"Don't you dare!" Ako habang masama ang tingin sa kanila.
Narinig kong sumipol ang isa.
"Ang sexy mo naman, miss!" Sabi ng isa.
Sinamaan ko lalo siya ng tingin. Pero parang pamilyar sa akin ang mga pagmumukha ng mga 'to. Pero pano niya nasabing sexy ako pwera na lang kung...
Napatingin ako sa suot ko. Oh, fvck!
Katangahan talaga, eh! Naka spaghetti shirt tapos naka maong short! Sa sobrang pagmamadali ko hindi ko na alam kung anong naisuot ko.
Inikutan ko sila ng mata.
"Woah, palaban!" Sabi ng isa.
"Tss" singhal ko sa kanila at tumalikod. Bago ako tumalikod may narinig akong pamilyar na boses..
"Mga par! Nagchi-chick hunting na naman ba kayo?" Sabi nito dahilan para mapalingon ako dito.
Nagulat ito ng makita ako.
"Xzyra?!" Ani Harvey.
"Anong ginagagawa mo dito?!" Siya.
"Kilala mo siya?" Tanong nung isang naka-black jacket.
"Hindi mo ba siya nakikilala pare?! Siya yung sikat na actress na si Xzyra Lopez! Siya yung sinasabi kong leading lady sa bagong movie namin!" Sabi nito.
Mukhang okay na'to ah. Kanina tahimik lang ngayon mukhang okay naman na siya
Biglang nanlaki yung mga mata nila.
"Si Idol?!" Sabay-sabay na sabi nila. Tinaasan ko sila ng kilay.
"Ako nga pala si Vinle Gomez, actor" black jacket.
"Ako si Carl Imperial, model" yung sumipol.
"Ako naman si Gabe Panganiban, an actor. At your service idol" sabi naman ng mukhang playboy, kumindat pa ito sa akin. Dahilan para magtaasan ang mga balahibo ko sa batok.
"Tss" ako.
"Bakit ka nga ba nandito ng....ganyan ang suot?" Harvey.
"Don't have time to explain, tulungan niyo na lang muna akong buhatin 'tong lasinggera kong kakambal" ako. At tinuro sa kanila yung kakambal ko. Tiningnan naman nila ito.
"Kamukha ni idol!"
"Malamang kakambal nga diba!"
"Shh!" Suway sa kanila ni Harvey.
Tinulungan naman nila akong buhatin si Xzyrile papunta sa sasakyan ko.
"Thanks!" Ako bago pumasok sa sasakyan ko at nag-drive paalis.
Dun muna siya sa bahay ko. Ayokong ihatid siya dun sa bahay nila dahil ayoko silang makita.
Tss.
-_-
***
EDITED.