Harvey's(Vince) Point of View
Habang papunta kami ng cafe ay hindi ako mapakali, pero hindi ko ito ipinaparamdam sa kanila.
Bakit nga ba? E-Ex-girlfriend ko kasi si Quaine, at kung bakit sa dinami-rami rin namang kaibigan ni Mar, eh si Quaine pa!
Pano na'to ngayon! Ngayong may gusto na ako kay Mar! Baka isipin ng kaibigan niya o siya mismo na tinutuhog ko silang magkaibigan!? Pero, mukhang hindi naman ganun si Mar, ewan ko na lang kay Quaine, pero mabait din naman siya! At siya rin naman ang nakipaghiwalay sa akin nun! Dahil may iba na siyang boyfriend at hindi ko kilala yun.
Ipinilig ko ang ulo ko.
Wala naman akong pakialam na! Hindi ko naman na siya mahal. Pero nakapagtataka namang bigla na lang umalis ng bansa si Nale! Na kaibigan ko.
Nakarating na kami sa cafe, maingay ito ng nadatnan namin. Ano pa nga ba. Pero, mas umingay ng makita ako. Syempre gwapo, eh!
Daldalan pa rin sila ng daldalan ni Mar at Quaine.
Umorder kami ng makakain namin ngayong lunch. Matapos naming makuha ang order namin ay umupo kami dun sa may apatan na upuan syempre blangko ang isa. At nagsimula na kaming kumain.
"Nasan na nga pala ang boyfriend mo, Pat!?" Rinig kong tanong ni Mar. Kaya sandali akong napatigil sa pag-kain.
"Padating na rin yun! Antayin niyo lang!"
So, nandito rin ang boyfriend niya?! Hmm, interesting! Gusto ko rin namang makilala ang boyfriend niya na ipinalit niya sa akin.
"Babe! Nandito na ako-" Napatigil ito sa pagsasalita nang makita ako. At wari mo'y nabigla!
Hmm, so kaya pala nawala ka kasama mo pala siya, ha!? Hindi ko akalaing sariling KAIBIGAN ko pa ang ipapalit mo sa'kin Quaine. I'm disappointed! Masakit yun ah, ipinalit mo ako sa malapit! Haha! Pero wala na sa akin yun!
Nginitian ko si Nale. Tumayo ako at tinapik ang balikat niya.
Confusion is written on his face.
"Long time no see, dre!" Ako.
Pilit siyang ngumiti sa akin.
"L-Long time no see" siya rin.
"M-Magkakasama kayo?" Tanong niya kila Mar.
"Ahhmmm, sino ka?" Tanong ni Mar sa kanya.
"Ah, A-Ako nga pala si Harry Nale Smith, b-boyfriend ni Pat"
"Oh, hello! Ako nga pala si Margaux Braid Hutchinson! At oo magkakasama kami! Any problem with that?! Matagal na rin kasi kaming magkaibigan ni Vince!" Siya. Hindi naman sarkastiko ang pagbanggit niya sa mga salitang yun. Parang ordinaryo lang.
"Sige na, sabay ka na sa'min, Nale!" Ako. Bestfriend ko pa rin naman 'to noh!
Halatang naiilang siya.
"Wag ka mag-alala wala naman na sakin yun, pre! Kaya wag ka ng mailang diyan! Daig mo pa babae, eh! Tingnan mo si Pat hindi naman siya naiilang, pwede naman na tayong magka-kaibigan diba?" Ako. Bigla siyang ngumiti ng malawak. Habang halatang nagulat naman si Quaine ng mabanggit ko ang pangalan nito.
Tiningnan muna ni Nale si Pat bago sumagot sa akin.
"Oo naman, pre!" Siya. Umupo na kami. Siya dun sa tapat ni Quaine at ako sa tapat ni Mar.
Nagsimula na ulit kaming kumain.
Masaya silang nagk-kwentuhan. Habang ako tahimik lang at minsan nakikitawa na rin.
Nang matapos kaming kumain ay sabay namang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang lunch time kaya nagpuntahan na kami sa mga klase namin.....
"And.....cut!!! Very good! Magaling talaga kayo at hindi pa tayo nagkakaroon ng take 2! Very good! Take a lunch first and go back again before 1:00 P.M"
"Okay, Direk" kami.
Lumapit ako papunta kay Xzy.
***
Xzyra's Point of View
Haist, nami-miss ko na ang luto ni Chariz. Bukas pa kasi siya makakapasok as my P.A. Pero, ngayon siya b-byahe pag nakauwi na yung Tita niya.
But now, dahil tinatamad akong pumunta sa mall o sa mga resto, nagorder na ako kanina sa Mcdo ng pagkain, alangan namang libro diba?!
Nilabas ko ang in-order kong Chicken Fillet Ala King na may kanin. Dalawa yun sakaling walang baon yung gorilla'ng yun.
"Uy, Xzy!" Sigaw nito. Napatingin ako dito at nakita ko itong naglalakad papunta sa akin alangan namang gumapang diba?!
"Bakit?" Ako.
"Dito ka kakain?" Sabi niya habag nakatingin sa hawak kong pagkain.
"Obviously? Ano tingin mo tawag dito sa hawak ko? Diba pagkain? Ano ginagawa sa pagkain? Edi kinakain! Alangan namang pang-display lang 'to edi napanis!?" Pamimilosopo ko sa kanya. Parang kahapon lang ang saya namin dun sa Tom's World eh noh! Tapos ngayon pinipilosopo ko na siya! Haha. Wala kasi ako sa mood dahil dun sa kagahapon na naalala ko ang mga magulang ko.
Nag-pout na naman siya. Ugali niya to no? Ang mag-pout?!
"Ang sungit mo naman! Meron ka ba ngayon?!" Siya.
Tinarayan ko siya.
"Oo, meron ako! Meron akong ipanghahampas sa'yo pag hindi ka tumahimik!" Ako.
Natahimik siya. Natakot siguro sa banta ko. Haha!
Kinuha ko yung isa pang Chicken Fillet Ala King na may kanin at tubig, sa supot at inabot sa kanya.
Tiningnan niya ito.
"Ano yan?"
"Baka libro yan?!" Ako. Haist! Bakit ba may pagkabobo tong kasama ko. Halata naman atang pagkain ang inaabot ko sa kanya tinatanong pa.
Kinuha niya ito at tiningnan ang laman.
"Ah, salamat!" Siya habang nakangiti tinanguan ko lang siya.
Umupo siya sa tabi ko at sinimulang kainin yung binigay ko sa kanya.
"Teka nga pala nasan na ba yung P.A mo? Hindi ko pa ulit siya nakikita, eh" siya.
"Bat mo tinatanong?" Aba baka may gusto 'to kay Chariz kaya gusto makipagkaibigan sa akin para maireto ko siya, pero sorry not sorry wala siyang mapapala sa akin.
"Alangan namang tanongin ng sagot?" Sarkastiko niyang sabi sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Aba ang kapal din ng lalaking ito ano?!
"May gusto ka kay Chariz, noh?!" Ako.
"Wala, ah! Tinatanong ko lang eh! Hindi ko kasi nakikita yung P.A mo na inaasikaso ka" siya. Tumango naman ako.
Siya nga wala rin yung P.A, eh! O baka naman ayaw niya magka-P.A.
"May inaasikaso siya sa probinsya nila"
"Ah, ganun ba?" Siya.
"Ay hindi ganun, tss" ako.
Tahimik na ulit kaming kumain. Habang siya parang may iniisip na malalim. Buti naman tumahimik na'to! Ang ingay kasi, eh!
***
EDITED.